Chapter 14
“Are we there yet?” Walang ganang tanong ni Chloe kay Adam. Hindi niyo naman masisisi kung bakit bigalgn nawalan ng gana si Chloe magtanong kay Adam dahil mahigit dalawampng beses na itong nagtanong kay Adam.
“Hindi ka ba magsasawa jan sa kakatanong mo?” Galit na sabi ni Adam kay Chloe na sa kasalukuyan ay nakataas ang paa. Tinigil ni Adam ang sasakyan ng mapansin ang mga paa ni Chloe at inirapan ang babae. Takot naman niyang binaba ang mga paa niya.
“So-sorry.” Mahinang sambit ni Chloe habang nakayuko.
Bumuntong hininga naman si Adam at inihilamos ang palad niya sa mukha niya. Sa isip niya ay nagsisisi siyang isinama niya si Chloe. Simulan niya na ulit ang pagmamaneho niya.
Marahil nagsisisi nga si Adam na isinama niya si Chloe nang hindi lang dahil kay Summer. Kasunduan kasi nila ni Chloe na pagkalipas ng tatlong araw nila doon sa bahay ng kaibigan niyang si Will ay ituturo nito ang kinaroroonan ni Summer.
‘Hindi ba at umalis ako sa bahay para makalimutan si Summer? Bakit siya parin?’ Tanong niya sa sarili.
Umayos ng upo si Adam. Alam naman niya sa sarili niya ang sagot para sa tanong niyang yun. Mahal na mahal niya si Summer at hindi na ito papaya na mawala pa sakanya ang dalaga. Minsan na siyang nagpadala sa sakit na idinulot ng pang-iiwan nito sakanya at hindi na siya papayag pa na maulit ito lalo na at alam niyang malapit lang si Summer sakanya.
Makalipas ang halos dalawang oras na pagmamaneho ay itinigil na ni Adam ang sasakyan niya sa tapat ng isang malaking bahay. Ito ay mayroong dalawang palapag and by the looks of it ay talagang mayaman ang may-ari nito.
“Dito tayo magsstay?” Tanong ni Chloe na medyo napa-nganga sa nakitang bahay.
Tumango lang si Adam bilang sagot at lumabas sa sasakyan niya dala dala ang bag nito. Sinarhan niya ng malakas ang pinto kaya natauhan si Chloe. Nag-ayos naman ito ng buhay atsaka hinablot ang dala dala niyang bag.
Nasa may front door na si Adam nang makalayo na si Chloe sa sasakyan.
“Adam! Cutiepie! Patulong naman oh.”
Tinignan lang siya ni Adam at hindi na pinansin pa. Nag-pout naman si Chloe nang marealize niyang hindi siya tutulungan ni Adam at inis na inis sa sarili kung bakit ang dami dami ng dala dala niya.
Nagdoorbell si Adam at agad namang may nagbukas para sakanya. Bumungad sakanya ang isang matandang may edad na at ngumiti ito sakanya.
“Adam hijo!” Masayang bati nito sakanya. “Pasok ka na!”
“Magandang hapon po tita Luz.” Nakangiting bati naman di Adam sakanya. Nagpatuloy lang sa loob si Adam na napansin naman ni Chloe.
“Cutiepie! Wait lang!” Sigaw nito.
“Cutiepie?” Takang tanong naman ng matanda kay Adam.
Nagkibit balikat lang si Adam at nagdiretso na ulit papasok.
“Tsk. Tsk. Napakasuplado talaga ng batang yun. Si Summer lang agn gamot jan eh.” Sabi ng matanda sa sarili.
“Ehem ehem. Kilala niyo po si Summer?” Tanong naman ni Chloe nang makarating siya sa front door.
Tinignan naman siya ni tita Luz from head to toe at iniwan nalang dun. “Paki-lock nalang ng pinto hija.” Habilin ba niya.
“Arg!” Pagdadabog ni Chloe. “Wala manlang bang tutulong sakin dito? Bwisit naman oh.”
Sa kabilang sulok naman ng bahay ay nandun si Adam at Will. Nagkamustahan na ang dalawa nang magkita sila sa may salas.
“So.. Makikitira ka na ba sakin?” Pabirong tanong sakanya ni Will.
“Gago, tatlong araw lang ako. Makaabala pa ako sainyo ng mga babae mo.”
“Well, tama ka jan.” Pagsangayon naman ni Will. “Speaking of babae, ano nang nagyare kay..”
Tinignan naman siya ng masama ni Adam. “Hwag muna nating pag-usapan, pagod ako sa byahe.”
Sabay namang tumayo ang dalawa at akmang didiretso na sa hagdan nang makakinig sila ng isang bagay na nabasag.
“Sa may front door yun a.” Sambit ni Will na dumeretso doon.
Napailing nalang si Adam na parang may idea na siya kung ano ang dahilan ng pagkabasag na iyon.
Nang makarating sila sa may front door ay tumambad sakanila ang isang basag na vase. Napakunot ang noo ni Will ng makita nya yun at napansin na may babae na nakatayo malapit dito.
“Tita Luz! Bakit po kayo nagpapasok ng pokpok dito?” Sigaw niya sa bahay.
Natawa naman ng bahagya si Adam sa sinabi ni Will samantalang gulat at galit ang expression ni Chole. Alam naman talaga ni Will na si Chloe yung babae e, gusto lang niya itong galitin dahil sa mga naikwento sakanya ni Adam at mukha nga namang nagalit ito.
Agad namang dumating si tita Luz, ang kasambahay ni Will, at naghingi ng paumanhin. Niligpit narin nito ang nabasag na vase.
Umalis narin si tita Luz matapos niyang bitbitin ang mga nabasag na bubog ng vase gamit ang dust pan.
“Hoy ikaw!” Pasigaw ni Chloe habang nakaturo kay Will. “Sinong nagbigay sayo ng karapatan para tawagin akong pokpok?”
Nagtaas naman ng dalawang kamay si Will na parang sumusuko. “Ops, joke lang yun. Masyado ka naman affected.”
Nag-roll eyes lang si Chloe matapos sabihin ni Will yun.
“By the way, I’m Will. At sure ako na ikaw si chloe, di ba?”
Agad namang nagbago ang expression ng mukha ni Chloe at ngayon ay mukha ng kinikilig. Iniabot pa nito ang kamay niya kay Will.
Tinignan naman ni Will si Adam na nasa likod niya. Nagkibit balikat lang ito at tumingin na ulit kay Chloe. Aabutin na sana ni Will ang kamay nito ng bigla niyang bawiin.
“Ay sorry. Baka magselos cutiepie ko eh.”
“Cutiepie?” Natatawang sabi ni Will. “Adam, ikaw ba yun?”
Iiling na sana si Adam ng biglang sumabat ng oo si Chloe. Pinabayaan nalang siya nung dalawa kasi alam naman nila na medyo may sayad ang kapitbahay ni Adam.
Nagpatuloy ang maghapon na itinour nila ang nagiinarteng si Chloe sa malaking bahay ni Will. Masyodo kasi itong nagpumilit kaya naging tour guide pa si Will ng wala sa oras. Samantalang si Adam, wala ng ginawa kundi ang magsisi ng magsisi sa pagpayag niya kay Chloe na sumama.
‘This is going to be one hell of a visit.’

BINABASA MO ANG
The Bachelor's Club
General FictionFour bachelors, four stories. It started as a simple game, then became a competition on who will marry before 30 and collect all of their invested money. Will they break the one and only rule of the club? Well, there's one thing to find out.. READ...