Chapter 3
“Hey. A-adam. Are you okay?”
Wala, tulala parin si Adam. Nag-flash sa kanyang isipan ang nangyare 8 years ago nung iniwan siya nito. Natabunan ng sakit na naramdaman niya ang halos apat na taon na pagsasama nila ni Summer noong college. Naaalala niya ang noong dapat ay desisyon niyang pakasalan ito pagkatapos nilang mag-aral. Nagbalak siyang suwain ang nag-iisang rule ng bachelor’s club nila…
Woof, woof, woof!
Tahol naman ng tahol si Prince at dinilaan ang kamay ni Adam. Natauhan naman siya at napansin niyang hindi na nakayakap sakanya si Summer. Ngayon lang nag-sink in lahat, na naandito talaga siya sa harap niya. Halos walang nagabgo sa kanya besides the fact na mas pumuti siya. Oo, ang ganda parin niya, mahaba parin ang buhok at mamula-mula parin ang mga labi.. Ang mga labi na noo’y nagpapagaan ng loob niya..
“Su-summer... Wha-what are you doing here? Di ba.. Di ba dapat nasa New York ka ngayon?” Hindi parin gaanong nakakarecover si Adam sa state of shock. “And how did you know where I live?”
Nakasimangot lang si Summer. Halo halo ang lungkot at guilt na nararamdaman niya. Pero hindi maipagkakaila ang tuwa dahil nakita niya na ulit si Adam, ang taong minahal, mahal, at alam niyang mamahalin parin niya.
“May I come in first? Ang lamig kasi dito sa labas e…”
Naupo si Summer sa sofa sa loob ng bahay ni Adam. Iniintay niya si Adam lumabas ng kusina dahil nagtitimpla pa ito ng kape para sakanilang dalawa…
Sa loob ng kusina…
Nakatulala lang doon si Adam, iniintay niya uminit yung tubig para makapagtimpla na siya ng kape.
Kani-kanina lang nagrereklamo ako na paulit-ulit ang nangyayare sa buhay ko tapos ngayon, ito ang bumulaga sa akin? Amazing. Hindi ko ito ineexpect. Pero naandito na e. Mukhang magiging interesting ulit ang buhay ko. Pero si Summer ito e. May nakaraan kami pero burado na talaga sa akin yun, sa pagkakaalam ko… Hindi ko alam ang gagawin ko. Pano kung makikipag-balikan pala ito? Ano gagawin ko? Haay. Ewan. Ayaw ko mag-assume. Pati sapat na ang minsa’y iniwan niya ako ng wala manlang paalam. Masakit, masakit talaga. Pero wala na ako magagawa…
Napatigil naman si Adam sa pag-iisip niya ng biglang umirit yung initan ng tubig, medyo umawas pa nga ito e. Pinunasan nalang niya ito, kumuha ng dalawang mug, at nagtimpla ng kape..
Lumabas na si Adam sa kusina at nakita si Summer na nakatulog sa sofa…
Haay. Tulog na siya,ano ba yan. Kung sabagay, pagod siguro ito at halata naman sa itsura niya…
Ibinaba nalang ni Adam sa may coffee table ang dalawang mug at umupo sa sofa habang pinagmamasdan si Summer. Matagal tagal din niya siyang pinagmasdan. Mukha parin siyang anghel habang natutulog. Napabuntong hininga nalang si Adam. Napagdesisyunan niyang umakyat para ayusin ang guest room para doon patulugin si Summer.
Pagkababa niya, dahan dahan niya itong binuhat paakyat ng hagdan at inihiga sa guest room. Umupo siya uli sa gilid ng kama at kinumutan si Summer. Muli niya itong pinag-masdan at nag-isip.
“Good night Summer…”
Tumayo na siya, pintay ang ilaw at sinarhan ang pinto. Muli, nagbuntong hininga siya. Wala na siyang ibang ginawa kundi gawin ito ngyaong gabi. Bumaba ulit siya para impisin ang mug at hinugasan niya ang mga ito. Matapos niyang gawin ito, naisipan niyang tawagan ang pinaka-kaclose niyang kaibigan na si Will…
Calling William Jamilano…
Ring..
Ring..
Ring..
“Ah, ano bay an hindi niya sinasagot…”
Ring..
Ring..
“Uhhhh. Hello? Adam?” Pabulong na sinabi ni Will. Halata sa boses niya na bagong gising siya.
“Will. Nandito siya…”
“Naandiyan? Sino? Nako Adam, mumu nanaman ba? Natatakot ka ulit? Ang bakla mo talaga…”
“Baliw ka dre! Hindi mumu no! At anong bakla?!”
“Chill, chill. Sino ba kasi ang nandyan?”
“Si..Si Summer…”
“Ha?! Si Summer? Weh? Nasa ibang bansa kaya yun! O dinadalaw ka ng kaluluwa niya? Hindi kaya patay na siya? Or are you hallucinating? Naka-drugs ka ba?!”
“Sira! Ang dami mo’ng sinasabi jan, wala manlang tumama kahit isa. Kahit kelan ka talaga..”
“Huh? Edi, teka… Andyan talaga siya? Pero bakit? Parang imposibleng mangyari e. Nakakabigla ka naman..”
“Walang halong biro, siya talaga ito. Nandun siya sa guest room, natutulog, mukhang pagod e. Hindi ko nga alam purpose niya para magpakita ulit. Bukas ko nalang siguro kakausapin…”
“Kaya mo ba dre?”
“Haay. Kaya ko, kaya ko to. Tutal, tapos nanaman yun di ba?”
“Oo, pero.. Hindi mo rin alam kung ano ang pwedeng mangyari.”
“Ano ba naman kaya ang mangyayari?”
“Alam mo na, baka balikan ka niyan. Alam mo namang hindi yun malabong mangayre, ang gwapo mo kaya! Hahaha!”
“O-oy! Nababakla ka na sakin no?”
“Nagbibiro lang naman ako! Mas gwapo kaya ako sayo!” Wala nang pinatutunguhan ang pag-uusap ng dalawa at napansin naman ito ni William… “Pero seryoso, alam ko namang hindi biro ang pinagsamahan niyo at hindi madali ang pinagdaanan mo. Baka masakit masyado para sayo ang presenya nya at lumuwag nanaman yang turnilyo mo pag hindi naging maganda ang mga mangyayari sa inyo jan, alam mo namang mag-aalala nanaman kaming tatlo, pati narin ang tatay mo…”
“Haaay. Oo, alam ko. Bahala na bukas. Sige, pasensya nalang sa istorbo. Kailangan ko kasi ng makakausap e…”
“Ayos lang yun. Hala! Matulog ka na!”
Toot toot toot…
Nahiga na si Adam sa kwarto niya at nakatulala sa kisame. Magaala-una na, hindi parin siya makatulog. Binubulabog talaga siya ng isipan niya. Masyado talagang biglaan ang lahat. Siguro hindi talaga siya makaktulog nito.. O gawa lang ng inubos nya ang dalawang mug ng kape???? xD
--------------------------
Okay. Sorry maiksi lang yung mga update at natatagalan. Every weekend lang kasi ako nakakagamit ng internet access ng matiwasay e. Sa ibang lugar ako nag-aaral for college kaya tuwing nauwi lang ako nakakapag ganito. Pati maiksi po ito kasi baguhan lang ako :) Salamat kung may nagbabasa man nito :>
![](https://img.wattpad.com/cover/720714-288-k418523.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Club
Aktuelle LiteraturFour bachelors, four stories. It started as a simple game, then became a competition on who will marry before 30 and collect all of their invested money. Will they break the one and only rule of the club? Well, there's one thing to find out.. READ...