Prologue

2.9K 16 10
                                    

Prologue

It’s a bright and sunny day. Pumunta ako sa labas para mabantayan ang anak ko at ang mga kaibigan niya na naglalaro sa labas, tutal wala pa naman masyadong gawain sa shop.

Nakakagaan sa kaloobang tignan ang anak ko’ng si Adam na masaya kasama ang mga kaibigan niyang sina Will, Patrick at Jonas.

Habang naglalaro ang mga bata, biglang nagtipon tipon ang mga ito at mukhang may may seryosong pinag-uusapan.

Matapos ang ilang minuto, nagapir-an sila at biglang dumeretso sa akin ang anak ko kasama ang tatlo niyang kaibigan…

Pa! Pwede po ba kaming humingi ng favor?” Masiglang sinabi sa akin ng anak ko’ng si Adam.

Sa likod nya, makikita mo ang mga kaibigan nya na naka-ngising nakatingin sa akin..

Ano naman iyon anak?

Ahm, gagawa po kasi sana kami ng isang club…” Seryosong sinabi ni Adam at gumaya naman ang tatlo sa ekspresyon ng mukha niya.

Ano namang club yun? At ano ang maitutulong ko?

Bachelor’s club po!” Sabay sabay na sinabi ng apat na bata.

May rule din po kasi kami kaya kailangan naming ang tulong nyo..” Mahiya naming sinabi ng pinaka-bata na si Pio.

Hmm. Mukhang maganda yan a. Ano ba yang rule na yan sa club nyo?”

Si Adam na tinatapik ng kanyang mga kaibigan ang nagsabi ng rule nila sa sinasabi nilang Bachelor’s Club nila..

Maghuhulog po kami sa iyo ng pera araw araw… Napagkasunduan po namin ba bawal kaming mag-asawa hanggat hindi pa kami nagiging 30 yrs old…

Mga batang ito nga naman o, kung anu ano ang nalalaman e.

Ganun ba? Sigurado ba kayo jan?

Opo!” Sabay sabay nilang sinabi sa akin.

Ang hindi po makasunod sa rule naming ay may parusa” Singit naman ni Patrick

Ano naman ang parusang nasa isip nyo?

Nagtinginan lahat ng bata at tumango. Halatang nagkakasundo sila at seryoso sa mga pinagsasabi nila a?

Hindi po sya makakakuha ng kahit magkano sa pera na ihuhulog nya!” Sambat naman ng pilyong bata na si Jonas.

Kung ganun, sige. Willing akong magtago ng pera nyo. Yun ay kung kaya nyo ha? Pwede pa magbago ang isip nyo hangga’t maagap pa.

Seryoso po talaga kami Pa!” Sambit ni Adam na may seryosong mukha..

"Haay. Kayong mga bata kayo. Ano naman kaya nakain nyo at naisipan nyo yan? Pero pag tinatawag na kayo ng pag-ibig, hwag na hwag kayong magdadalawang isip na lumingon at tanggapin ito ha?"

o_O .. o_O. .. o_O .. o_O

"Ah! Hahaha. Anong mga mukha yan? Hwag nyo nalang isipin yun! Basta pumunta nalang kayo sa shop ko araw araw, may ilalagay ako doong malaking alkansya ha? Dun kayo maghuhulog ng pera nyo."

Mukhang naguguluhan ata itong mga ito sa sinabi ko a. Sabagay, mga bata pa nga naman sila. Siguro hindi nila ako ganung naintindihan. Nagpaalam nalang ang mga bata at nagpasalamat sa akin at itinuloy na nila ang paglalaro nila. Bumalik nalang ako sa shop sasaraduhan ko na ito, baka nababagot na dun ang pansamantalang taga-bantay ko e..

Mukhang mapapasubok ang mga batang ito a. Tignan nalang natin kung matutupad nila ang rule ng Bachelor’s Club nila. Hindi rin biro yun e… At hindi madaling labanan ang pag-ibig. Trust me, I know ;)

Bawat isa sa kanila ay mapaglalaruan ng pag-ibig, subaybayan nyo nalang kung anu ano ang mangyayare after 20 years.. Oo, 20 years, at Sina Adam, Jonas at Patrick ay kasalukuyang 28 years old na samantalang si Will 27... Mananatli nga ba kaya silang bachelors? Tignan nalang natin... :)

The Bachelor's ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon