Chapter 13
Nagising si Adam at hindi narin masama ang pakiramdam niya. Nakangiti siyang bumangon at dumeretso sa kabilang kwarto. Nang mabuksan niya ito, nalungkot siya sa nakita niya. Wala parin tiong laman.
Umaasa kasi siya na totoo ang nangyari, lahat ng nangyari sa panaginip niya. Pero binigo ulit siya nito. Wala si Summer at hindi na siya babalik.
Dahil sa sobrang stress na naidudulot sakanya ng lahat ng pangyayaring ito, napagdesisyunan niyang magpahinga na ng tuluyan at pansamantalang ipinasara ang clinic niya.
‘Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang ito naisip, pero gagawin ko na. Kakalimutan ko na ng tuluyan si Summer.’ Sabi niya sa sarili niya.
Hindi na siya nagaksaya pa ng panahon at nag-ayos na ng gamit. Napag-isip isip kasi niya na mag out of town muna siya sa kahit kanino mang bahay sa isa sa mga kaibigan niya. Tinawagan muna niya si Jona para sabihing tatlong linggo siyang mawawala.
Nang papalabas na si Adam sa bahay niya ay agad tumumbad sa harap niya si Chloe.
“May pupuntahan ka ba cutie pie?” Sabi nito habang lumalapit sa kinatatayuan ni Adam.
“Wala.”
“Anong wala? E ang dami dami mong dalang gamit o!”
Adam cursed under his breath. ‘Bakit ba kasi ang kulit nitong babaeng ito?’ Iritadong sinabi niya sa sarili. At dahil alam niyang wala siyang takas dito ay nilampasan niya lang si Chloe at dumeretso sa sasakyan niya. Pero mapilit talaga si Chloe.
“Sasama ako!” Sigaw nito kay Adam pero hindi niya ulit ito pinansin. Katahimikan ang gusto niya. Hindi ang presensya ng pinaka-madaldal na taong kilala niya sa buong buhay niya.
Inistart na ni Adam ang engine niya ng biglang humara si Chloe sa dadaanan nito.
“Sasama ako, or else!”
Sumilip naman si Adam sa binatana niya at sinabi, “Or else what?”
Hindi alam ni Chloe ang sasabihin niya kaya napatahimik lang siya doon habang naka-hara parin sa drive way. ‘Sh*t! Ano na Chloe ngayon?’ Sabi niya sa utak niya.
Nawalan ng pasensya si Adam kaya pinaandar na niya ng bahagya ang sasakyan niya. Iiwasan nalang niya ng dahan dahan si Chloe dahil baka mabangga niya ito. At kung hindi talaga siya matatakot ay masusubukan niyang banggain ito ng tuluyan.
“Wait! Sasama ako!” Sabi pa ni Chloe habang mistulang nakikipag-patintero sa sasakyan ni Adam. “Sasama ako or else.. Or else..”
“Or else what?!” Galit na sigaaw ni Adam.
“Or else… Hindi ko sayo sasabihin kung nasaan si Summer!”
Nanlaki ang mga mata ni Adam ng marinig niya ang pangalan ni Summer. ‘Si Summer? Alam ni Chloe kung nasan si Summer?’
Hindi alam ni Adam ang sasabihin niya matapos sabihin iyon ni Chloe. Papayag ba siyang isama ito para makita ulit si Summer?
Habang nag-iisip si Adam. Nakaka-ramdam ng tagumpay si Chloe. Hindi naman talaga niya alam kung nasan si Summer. Ang gusto niya lang talaga ay ang makasama si Adam kasi mukhang magbabakasyon ito. At nagbabakasakali siya na sa bakasyong iyon, ay baka mabihag na niya ng tuluyan si Adam.
Sa huli, napapayag rin ni Chloe si Adam. Nadagdagan lang ang galit ni Chloe kasi panay ang tanong ni Adam kung nasaan si Summer. Pansin niya na mahal parin ni Adam si Summer kahit anong pag-tanggi nito. Sinabi nalang ni Chloe na pagkatapos ng bakasyon nila ay saka nila pupuntahan si Summer. Wala namang magawa si Adam kasi baka lalong hindi niya ulit makita ito.
Habang nagmamaneho, hindi parin mawala sa isip ni Adam si Summer. Kahit na ilang beses siya nitong iniwan, hindi parin ganung kadali mawala ang nararamdaman niya para dito. Nuong una, gustong gusto na niya itong makalimutan, pero kahit ano talagang pilit ay hindi niya ito magawa.
‘Summer.. What did you do to me? What did you do to my heart?’
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Club
General FictionFour bachelors, four stories. It started as a simple game, then became a competition on who will marry before 30 and collect all of their invested money. Will they break the one and only rule of the club? Well, there's one thing to find out.. READ...