Chapter 4

527 6 8
                                    

Chapter 4

Minulat ni Adam ang mga mata niya nang napansing tinatamaan na siya ng sikat ng araw. Sobrang bangag siya sa antok, pano’y kinulang sa tulog kakaisip. Ayaw pa niyang bumangon pero kailangan kasi niyang pumunta sa clinic. Wala pa siya sa sarili niya nang tinignan niya sa cellphone niya kung anong oras na…

“11:30am?! Tinanghali ako! Ano ba yan!” Dali-daling bumangon si Adam at dumerestso sa cr na malapit lang sa kwarto niya para magshower. Pagkatapos nun ay bumaba na siya at dumeresto sa kusina para mag-almusal..

“Uhh. Ang sama para ng paniginip ko.. Parang nakita ko si…”

“Good morning.”

Nabigla si Adam sa nakita niya. Akala niya kasi panaginip lang lahat ng nangyari. Natameme siya nang makita si Summer sa may lamesa at naghahanda ng almusal..

“Gising ka na pala. Kain na ka na rin. Medyo na-late ako ng gising e. Kaya brunch na rin natin to.”


“Ahh..” Wala nang naimik pa si Adam at umupo nalang para kumain. Nakatingin lang siya kay Summer na may halong pagtataka..

“A-Adam? May dumi ba sa mukha ko?”

Natauhan si Adam nang tanungin siya nito. “Ah, e, wala, wala! Kain na tayo.”

Tahimik nalang nilang tinapos ang pagkain nila. Nagprisinta na si Adam na siya na ang maghuhugas dahil si Summer naman ang nagluto ng pagkain.

And I'm so sick of love songs


So tired of tears


So done with wishing


You were still here

Said I'm so sick of love songs


So sad and slow


So why can't I turn off the radio?

Calling… Clinic

Napatigil si Adam sa paghuhugas ng pinggan ng mapansing niyang may tumatawag sa cellphone niya. Agad niyang pinunasan ang kamay niya at agad na sinagot ang tawag ng makita kung saan ito nagmumula..

“Hello? Jona! Anon a nagyayari sa clinic? Pasensya ha! Tinanghali ako ng gising e. Intayin mo ako jan at pupunta na ako.”

“Ah, doc? Hindi niyo na po kailangang pumunta.”

Natataranta si Adam paakyat ng kwarto niya para magbihis at napatigil nang marinig ang sinabi ng receptionist niya.

The Bachelor's ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon