Chapter 12
Dalawang buwan…
Dalawang buwan ang nakalipas nang huling nagkita si Adam at Summer.
Si Adam ay nawalan na ng pag-asa dahil hindi sinasagot ni Summer ang mga tawag ni Adam hanggang sa naging unreachable na ito. Sinubukan rin niyang maghanap ng mga posibleng lugar kung saan siya pwedeng magtrabaho.
Lahat ng may kinalaman sa music at bulaklak ay tinignan na niya, ngunit nabigo lamang siya. ‘Siguro nga ay nakalayo na ito’, ang mga salitang tumatak sa isip niya simula ng mawalan na siya ng pag-asa.
Wala naman masyadong nagbago sa buhay niya, maliban nalang sa pagkatamlay niya na laging napapansin ni Jona. Madalas na nga ding hindi natanggap si Adam ng appointment, at ang dahilan niya lang ay either masama ang pakiramdam niya, or plain old tinatamad.
‘Summer, Summer, Summer.. Bakit? May mali ba akong nagawa? Akala ko magiging maayos na ang lahat pero hanggang akala lang pala ako. Bumalik ka lang ba para ulitin ang sakit? Ang sakit na unti unting pumatay sakin noon...’
--
Sa kabila ng pagka-depress ni Adam ay siya naman ikinatuwa ni Chloe.
Oo, nung nabalitaan niya na tuluyan na ngang umalis si Summer, halos magpamisa na siya kasi sinagot nga daw ng langit ang kanyang mga dasal.
Nasa isip niya na sa wakas ay mabibihag na niya si Adam. Sa wakas masosolo niya ito. At sa wakas, sakanya lang itutuon ang atensyon nito.
Ang hindi lang talaga niya napansin ay dati naman, noong wala pa si Summer, ay hindi parin napapalapit ang loob ni Adam sakanya. Na kahit anong lapit niya dito ay pilit parin siyang iniiwasan. Na walang nagbago kahit na dumating man o umalis si Summer. Besides the fact na nagkaroon siya ng pagseselosan.
Yun na nga, marahil ay kahit kalian, hindi yun maiisip ni Chloe. Tsk tsk
Halos dalawang buwan narin niyang nililigawan si Adam.
OO. Siya ang nanliligaw. Wala narin naman siyang pake kung payag man si Adam o hindi. Wala rin siyang pake kung ano ang isipin sakanya ng mga tao. Basta gusto niya, gagawin niya. Gagawin niya ang lahat, makuha lang si Adam. Tutal, uso naman na daw ngayon ang babae ang nanliligaw.
Heto ngayon si Chloe na papunta sa bahay ni Adam for the nth time today. Nabalitaan kasi niya sa clinic na may lagnat daw si Adam ngayon kaya’t pabalik balik ito sa bahay ng binata.
Noong una, akala niya ay gumagawa lang ng palusot si Adam dahil kilala nga niya ito, at alam niya ang kalagayan nito ngayon. Pero totoong may lagnat talaga siya.
Basta basta nalang pumasok si Chloe sa bahay ni Adam dahil hindi naman ito naka-lock. Buti nalang at ligtas sa village nila at walang magnanakaw.
May dala dala siyang porridge para ipakain kay Adam. Dali dali siyang umakyat papunta sa kwarto nito at naabutan siyang tulog.
“Haaay. Ang gwapo mo talaga.” Sabi ni Chloe with matching beautiful eyes pa na animo’y kita siya ni Adam na nagpapacute. “Akin ka nalang kasi.”
Umupo siya sa maliit na sofa at ibinaba ang dala dalang porridge sa side table ni Adam. Ayaw niya kasi itong gambalain. Balak lang talaga niyang titigan si Adam buong magdamag..
Halos kalahating oras narin siyang nakaupo dun nang mapansin niyang gumagalaw si Adam.
“Cutie pie, gising ka na ba?” Tanong ni Chloe, pero hindi sumagot si Adam.
Patuloy parin ito sa paglilikot at mukhang nananaginip siya.
“Hwag.. Hwag mo akong iiwan…” Sambit ni Adam habang natutulog.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Club
General FictionFour bachelors, four stories. It started as a simple game, then became a competition on who will marry before 30 and collect all of their invested money. Will they break the one and only rule of the club? Well, there's one thing to find out.. READ...