Chapter 1

101 6 1
                                    


Nakaupo lamang si Maria sa balkonahe ng kanilang tahanan ng ang kanyang ama ay dumating at may kasama ito.

Papa! tawag niya dito at agad na sinalubong ng yakap ang ama.  

Maria anak! at agad na ginantihan ng yakap ang anak.

Nasaan ang iyong mama? tanong nito kay Maria.

Nasa inyong silid po papa. Nakangiti niyang sagot sa tanong nito.

Tumangutango naman ang kanyang ama.

Siya nga pala anak...
Sabay baling niya sa kanyang kasamang lalaki.
Ipinakikilala ko sa iyo si Castor Facundo.
Castor si Maria Felicita Solidad, ang aking pangpitong anak.

Buenos días Maria.
Magalang nitong bati.

M-magandang araw din sa iyo ginoong Castor.
Nahihiyang sambit ni maria.

Oh siya! Maupo na muna kayo sa balkonahe. Maiwan ko muna kayong dalawa anak at pupuntahan ko pa ang iyong mama sa aming silid. Ikaw na munang bahala sa ating bisita anak ha? Wag kang magkukulit hhmm?!

O-opo papa.
Sabay ngiti nito ng bitin.


*********

How old are you now Maria?
Paunang salita nito ng sila na lamang dalawa ang natira sa salas.

La-labing apat na taong gulang.
Nakayuko niyang sambit dahil sa siya ay nahihiya pa rito.

Tumango naman ng ilang ulit ang binata.

Kung ganoon ay limang taon ang ating pagitan.

Otomatiko namang napatingin si Maria dahil sa kanyang tinuran.
Napatulala siya ng makita ng maayos ang kabuohang hitsura ng binata na nakangiting nakatingin sa kanya.
Hindi niya kasi ito natignang mabuti kanina dahil panay lamang ang kanyang yuko na tila gustong itago ang mukha. Napakakisig nito at nakakaakit ang mga ngiti.

Hindi halata sa kanyang mukha! Para lamang kaming magkasing edad. Sa isip ng dalaga.

Kitang kita sa mukha nito ang pananalaytay ng dugo ng mga dayuhan. Agad naman na nagbalik ang kanyang ulirat ng magsalitang muli ang makisig na binata ngayon sa kanyang harapan.

Napakaganda mo Maria.
Turan nito habang titig na titig sa dalaga.

Ito ang unang beses na nakita niya ang dalaga sa malapitan dahil madalas ay sa malayo niya lamang ito nasisilayan at sa pagkakataong ito ay mas lalo pa siyang humanga sa kagandahang taglay ng binibini.

Puno ng paghanga sa angking kagandahan ng binibini ang kanyang mga matang nakatitig dito. Mababakas din sa magandang mukha ng dalaga ang pagkakaroon niya ng dugo sa mga dayuhan. Kapwa sila mga hindi purong pilipino.

Hindi maiwasan ni Maria na mapangiti dahil sa tinuran ng ginoo.

Salamat.
Nakangiti niyang sabi.
Ito ang kaunaunahang lalaki na nagpuri sa kanya maliban sa kaniyang ama at mga kapatid kung kaya't tuwang tuwa siya. Kung sa bagay ay ito palang din naman ang kaunaunahan niyang nakausap na lalaki maliban sa kanyang mga kapatid na lalaki at ama.

Habang tumatagal silang nag-uusap ay nawawala na ang kanyang pagiging mahiyain sa binata.
At heto na nga't di nagtagal ay lumabas na ang kanyang pagiging makulit at isip bata. Hindi masama dahil labing apat na taong gulang pa lang naman siya.

Wilingwili naman sa kaniya ang ginoo.

Napakasuwerte ko sa iyo Maria.
Biglang usal ng binata na ikinakunot naman ng noo ng dalaga.

Anong ibig mong sabihin Castor?

Kkkkrrriiiiiikkkkkk
(tunog ng pagbukas ng pintuan.)
Iniluwa nito ang kaniyang ama at ina.

Maria anak!

------------------

A/n: Isipin niyong mga taong 1940 ito :)

Please don't forget to vote and comment! Lulubusin ko na follow me na din hehe  ^_^

Facundo Saga : My Young Wife (On Hold & Editing) Where stories live. Discover now