Chapter 12

11 1 0
                                    

Agad nagsipag-ayos ng tayo sila Maria ng mapansin ang mga ginoo na nakatayo sa may pinto at nakatingin sa kanila.

A-aaahhh......aaaahhhmmm m-mabuti't narito ka na.

Alanganing sabi ni Maria

Aaahhh b-binisita lang namin ang aming kaibigang si Maria Ginoong Castor. Hindi ba Leonora at Andrea? Sabi ni Josefina.

Oo! Tama Ginoo. Sabay na turan nilang dalawa at may patangutango pang kasama.

Napunta ang tingin ni Castor sa kanila ng magsalita ang mga ito. Nginitian niya muna sila bago siya nagsalita.

Masyado naman yata kayong pormal. Castor na lang ang inyong itawag sa akin. Nais kong maging kaswal ang ating pakikitungo sa isa't-isa. Maaari ba iyon?

Nagtinginan silang tatlo bago sabay na nagsalita.

Oo naman C-castor. Alanganing sambit nila sa pangalan nito.

Siya nga pala mabuti at dumalaw kayo dito sapagkat batid ko na bagutnabagot na dito ang aking mahal na asawa.

Sabay lapit niya kay Maria at kinintalan ng halik sa noo ang asawa.

Agad na pinamulahan ng pisngi si Maria dahil sa tinuran at ginawa ng kanyang kabiyak.

Iiiiieeeeehh.......! Mahinang tili ni Andrea.

Siniko siya ng kanyang dalawang katabi sa kaliwa at kanan.

Umayos ka nga Andeng. Bulong ni Josefina at Leonora sa magkabilaan niyang tenga.

Iiiieeeehh...! Kasi naman nakakakilig sila. Di tulad ng iba diyan.

Mahina niyang sabi sa dalawang kaibigan ngunit hindi naman ito nakalagpas sa matalas na pandinig ni Fernando na hindi kalayuan sa kanilang kinalalagyan.

Tttss.-Fernando

Dahil dito ay nabaling ang tingin ng lahat kay Fernando.

Oh! Amigo bakit? May problema ba? Tanong sa kaniya ni Edwardo.

Wala! Sabay alis niya sa harapan ng mga ito at humiga sa balkonahe.

Nagkibit balikat na lamang sila sa inasta ni Fernando.

Huwag na muna kayong umalis agad. Dito na lang kayo mananghalian tutal ay dito din naman manananghalian ang aking mga kaibigan. Magandang pagkakataon narin ito upang makilala at upang magkapalagayan tayong lahat ng loob. Nang tuluyan ng mawala ang pagkahiya at ilangan ng bawat isa sa atin.

Mahabang sabi ni Castor.

Aking prinsesa halika sa hapagkainan. Narito na ang iyong nais kai-

Naputol ang sasabihin ni Castor dahil sa biglaang sunudsunod na katok sa kanilang pintuan.

Tok-tok-tok!

Tao po!

Tok-tok-tok! Tok-tok-tok!

Tao po! Senyorito Castor?

Agad binuksan ni Castor ang pintuan.

Oh! Manong Piyo bakit po?

Aaayyy....... Senyorito may naghahanap po kasi sa inyo. Galing daw po sila sa kabilang isla.

Ganoon po ba? Nasaan po sila?

Ayun po! Sabay turo ng matanda sa mag-asawa.

Halika kayo! At agad na lumapit ang mag-asawa sa kanila.

Ano pong kailangan niyo sa akin?

Magalang na tanong ni Castor sa mga ito.

Eeehhh... May nakapagsabi po kasi sa amin na kayo daw po ang makakatulong sa amin. Garalgal ang boses na sabi ng lalaki.

Aaahhh... Sandali lang po ah. Pasing! Pasing! Tawag ni Castor sa kanilang kasambahay.

Nariyan na pooooooo! Ano po iyon Senyorito?

Itong pagkain pakiayos mo na lang para sa Senyorita Maria mo at ng makakain na siya.

Sige po Senyorito ako na pong bahala huwag po kayong mag-alala.

Salamat Pasing. Sige na aking prinsesa sumunod ka na kay Pasing.

Tinanguan siya ni Maria at sumunod na nga kay Pasing.

Salamat ho manong Piyo. Ako na pong bahala sa kanila.

Sige po Senyorito aalis na ako.

Tumango si Castor bilang tugon dito.

Everyone!(sabay tingin ni Castor sa mga kaibigan niya at ni Maria)

Please feel at home. Babalik din ako agad. Kung sakaling kayo'y mabagot ay maari kayong maglibutlibot dito.

Yes we will.-Benito

Don't worry Cas kami ng bahala sa mga binibini.-Edwardo

~Sa opisina ni Castor~

Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?

Kailangan po kasi namin ng malaking halaga upang maipagamot ang aming nag-iisang anak. Umiiyak na turan ng babae.

Pakiusap tulungan niyo po sana kami ng asawa ko. Dumulog na po kami sa aming Gobernador at Mayor ngunit niisa sa kanila ay wala man lang nais tumulong sa amin. Maawa po sana kayo sa amin. Kayo na lang po ang pag-asa namin. Tulungan niyo po kami. At akmang luluhod sa harapan ni Castor ang mag-asawa mabuti na lang at mabilis niya itong naagapan.

Hindi niyo po kailangan pang lumuhod. Tama na ho ang inyong pagtangis sapagkat tutulungan ko kayo. Ako na po ang bahala sa lahat ng inyong gastusin maipagamot lang ang inyong anak.

Naku! Salamat sa panginoon. Hulog ka ng langit Senyorito Castor sa mga katulad naming nangangailangan ng tulong. Totoo nga ang mga sabisabi na walang kasingbusilak ng inyong puso.

Maraming maraming maraming salamat ho! Mangiyakngiyak na turan ng mag-asawa.

Makalipas ang isang oras ay umalis narin ang mag-asawa at naiwan ng mag-isa si Castor sa kanyang opisina.

Hhhhuuuu! Pang ilang ingkwentro ko na ang mga ito aahh! Talaga palang naglipa na sa gobyerno ang mga taong may matitigas na puso. Kung sabagay hindi na katakataka lalo na sa panahong ito ngayon na pulos kaguluhan at pananakop ang nangyayari. Sana balang araw ay maging mapayapa na ang lahat ng bansa at wala ng pananakop na maganap. (Sigh)

Samantala sa paglipas ng ilang oras ay nakaramdam na ng pagkainip ang mga kaibigan nila Castor at Maria. Napagdesisyonan ng mga ginoo na ayaing ilibot ang mga kaibigan ni Maria sa kanilang tahanan.

Nais niyo bang libutin ang tahanang ito? - Benito

Sige! Sabay na sagot ng mga ito

Saan niyo nais mag-umpisa? -Edwardo

Sa kanan- Leonora

Sa kaliwa- Andrea

Sa gitna- Josefina

Sabay at magkaiba nilang sabi kung kaya't agad silang nagkatinginan sa isat-isa at nagtalo.

Anong kanan! Gitna! Kaliwa dapat!Kanan! Hindi! (pagtatalo ng mga ito)

A-alright?! Alanganing sabi ni Fernando

What now? - Edwardo

Pakiusap huwag kayong magtalo. Ganito na lang. Edwardo samahan mo si Leonora, ikaw naman Fernando kay Andrea at.......

ANOOOO!!! Sabay na sabi ni Andrea at Fernando

Oo. Bakit may problema ba dun?

Wala naman. - Fernando/Andrea

Napipilitang sabi ng dalawa at naramdaman ito ni Benito kung kaya't napataas na lamang siya ng kaniyang kilay at sinabing.....

Mabuti kung ganoon ako naman ay kay Josefina. Halika na Josefina?- Benito

At nag-umpisa na nga silang libutin ang tahanan ng mag-asawa.

Facundo Saga : My Young Wife (On Hold & Editing) Where stories live. Discover now