Sa kalagitnaan ng mahimbing na tulog ni Castor ay nagising siya dahil sa pagyugyog ni Maria sa kaniyang balikat.
Hhhhhhmmmmm. Ano iyon aking prinsesa?
Antok na sabi ni Castor.
Nais kong kumain Castor.
Ngunit masyado pang maaga. Matulog na lang tayong muli hhhmm?!
Malambing niyang sabi sa asawa.
Ngunit nagugutom na ako! Gusto ko ng kumain Castor. Ngayon din!
Naiinis niyang sabi.
O sige huwag ka lang magalit. Anong nais kainin ng aking prinsesa?
Malambing na turan ni Castor.
Hhhhmmm..... Gusto kong kumain ng..........mga lamang loob ng baboy!
Masaya at may halong pagkatakam na sabi ni Maria.
O_O Ano!
Gulat na sabi ni Castor.
Ano namang klaseng pagkain iyon!
Mababakas kay Castor ang pandidiri .
Bakit naman lamang loob aking prinsesa? Pwedeng laman na lang ng baboy?
Lamang loob ng baboy ang nais kong kainin iyon lang Castor.
S-sige. Kong iyan ang iyong nais kainin. Dito ka lang ha? Matulog kang muli. Babalik din ako agad pagnahanap ko na ang pagkaing iyong nais kainin.
Gracias Castor!
Masaya niyang sabi sabay yakap kay Castor.
Paalis na sana si Castor ng biglang may pahabol na sinabi si Maria.
Siya nga pala. Nais kong ikaw ang magluto ng kakainin kong iyon ha! :)
Iyon lang! Patay tayo neto!
Sa isip ni Castor sapagkat hindi naman siya nagluluto.
Agad na tinawagan ni Castor ang kaniyang mga kaibigan sa telepono upang matulungan siya ng mga ito.
Amigo. Bakit mo kami pinatawag?- Edwardo
Por favor anong kailangan mo? Ang aga aga pa!-Benito
Oo nga! Ang sarap sarap pang matulog amigo. -Fernando
Excusa amigos(paumanhin mga kaibigan) ngunit kailangan ko ang inyong tulong. Lalong lalo na....... ikaw Benito. Hilig mo ang pagluluto hindi ba?
Oo. Bakit?-Benito
^__^ - Castor
////////////////////////////////////
Sumisilip na si haring araw ng makabalik si Castor kasama ang kaniyang mga kaibigan.
Nangunot ang noo ni Castor ng mula sa tarangkahan pa lamang ng kanilang tahanan ay may naririnig na siyang mga ingay mula sa loob ng bahay.
Bakit maingay? Iyan ang laman ng isipan ni Castor.
Pagkabukas ni Castor sa pinto ay agad na bumungad sa kaniyang paningin ang kaniyang napakagandang asawa na si Maria na abot tenga ang ngiti na nakikipaglaro sa mga kaibigan nitong babae.
Napangiti na lamang si Castor sa kaniyang nakikita at nasabi ang mga katagang........
My young wife.
To be continued.........
A/N:
Mabilisang UD lng po ito.
Mas matatagalan ang UD that's all thank you for waiting readers.
Don't forget to...
VoCom para inspired si ako 😁
YOU ARE READING
Facundo Saga : My Young Wife (On Hold & Editing)
Historical Fiction••• *A not so happy yet not so sad story. ••• Dumapo tayong muli sa mga panahon kung saan sa murang edad na 12-15 taong gulang ay may asawa na agad ang mga kababaihan o di kaya'y magkakaasawa na. Isa sa mga kababaihang ito ay si Maria Felicita Solid...