Mama! papa!Agad namang nakalapit sa kanila ang kanyang ama't ina.
Magandang umaga po.
Magalang na bati ni Castor sa ginang.Magandang umaga din sa iyo ginoong Castor. Nasabi na sa akin ng aking asawa ang iyong layunin sa aming anak na si Maria. Sigurado ka ba sa iyong nararamdaman para sa aming anak?
Opo.
Magalang niyang sagot habang ang kanyang tingin ay nakapako lamang kay Maria.Kung ganoon ay makakaasa kang hindi kami tututol sa iyong nais na mangyari. Turan ng ginang.
Palibhasay maganda ang repotasyon ng binata at maganda ang istado nito sa buhay kung kaya't pabor na pabor sila dito sapagkat nakakasigurado silang magiging maayos ang buhay ni Maria sa piling nito.
Si Maria naman ay walang maintindihan sa nangyayari. Ang nasa isip niya na ngayon ay ang kanyang mga kaibigang babae.
Gumuhit ang mumunting ngiti sa kanyang labi sa pag-iisip na anumang segundo ay darating na ang mga kaibigan niya upang ayain siyang makipaglaro.
At di nga siya nagkamali. Mayamaya pa ay may sumisigaw na sa bukana ng kanilang pintuan at niyayaya siyang maglaro. Agad siyang bumaling sa kanyang ama't ina. Tumango ang mga ito bilang sinyales na pinapayagan siya kaya naman abot tenga ang kanyang ngiti.Salamat po.
Masayang turan ni maria.Agad na siyang tumakbo upang puntahan ang kanyang mga kalaro.
YOU ARE READING
Facundo Saga : My Young Wife (On Hold & Editing)
Historical Fiction••• *A not so happy yet not so sad story. ••• Dumapo tayong muli sa mga panahon kung saan sa murang edad na 12-15 taong gulang ay may asawa na agad ang mga kababaihan o di kaya'y magkakaasawa na. Isa sa mga kababaihang ito ay si Maria Felicita Solid...