Dedication? Just comment below or pm me.
BTW
I dedicate this chapt. to SPRAngel dhil ikaw ang unang nag vocom ty ^_^Thank you for waiting here's the UD.
Enjoy =)
Eh mahal. M-mahal mo ba ako?
Kinakabahang turan muli ng binata.Hindi nakasagot si Maria sa tanong nito at nakaramdam siya ng pagkailang.
A-ayos lang k-kahit hindi mo muna s-sagutin ito ngayon.
C-castor.....
Aaahhh Maria nais mo bang mamasyal tayo sa bayan?
Huwag kang mag-alala nagpaalam na ako sa iyong ama't ina kanina at pumayag sila ngunit ibig ko munang malaman kung nais mo bang mamasyal kasama ako.
Pag-iiba ni Castor
Dahil sa sinabi ng binata ay agad nawala ang pagkailang na naramdaman ng dalaga at napalitan ito ng pagkasabik. Hindi pa kasi ito nakapunta sa bayan.
Kung ganoon ay oo Castor! Masiglang sabi ni Maria.
P-paumanhin. Masyado lang akong nasabik.
Malumanay niya ng pagkakasabi ngunit mababakas parin sa kanyang boses ang pagkasabik.
Hindi mapigilan ng binata na mapatawa. Talagang wiling wili siya kay Maria.
Hahaha ayos lang aking prinsesa.
A-aking p-prinsesa?
Oo sapagkat hindi ka pa naman katandaan kaya mas nababagay na tawagin kitang prinsesa kaysa sa reyna.
At dahil malapit kanang maging akin kaya ang itatawag ko sa iyo ay aking prinsesa.
Panandaliang natulala si Maria dahil sa sinabi nito. Nang makahuma na ito ay nagsalita na siya.An—
Hindi na naituloy pa ni Maria ang kanyang sasabihin sapagkat agad ng nagsalitang muli ang binata.Halika na aking prinsesa.
Sabay hila niya sa kamay nito.
Kailangan na nating umalis agad sapagkat malayulayo pa ang bayan dito sa ating baryo.Nagpatianod na lamang si Maria sa kaniya at binalewala na lang ang sinabi nito.
**
Pagkatapos maglibutlibot at mamili ng kung anu-ano ay sa wakas nakaramdam din sila ng pagkahapo at pagkalam ng kanilang mga sikmura kung kaya't narito sila ngayon sa isang pagkainan. Ang pinakasikat na pagkainan sa kanilang bayan ang •••••••••••••
Cchuumm..cchuumm...cchhumm.. Hhhmm.....! Ang sarap sarap talaga Castor. Ngayon lang ako nakakain ng ganitong mga putahe.
Masayang sabi ng dalaga.Mabuti naman at iyong nagustuhan. Seryosong sabi ng binata.
Castor ayus ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na napakaseryoso mo. May problema ba? Nag aalala niyang tanong.
Naiinis lamang ako Maria.
Bakit? Kunot noo niyang tanong sa binata.
Napabuntong hininga ang binata bago sagutin ang tanong nito.
YOU ARE READING
Facundo Saga : My Young Wife (On Hold & Editing)
Historical Fiction••• *A not so happy yet not so sad story. ••• Dumapo tayong muli sa mga panahon kung saan sa murang edad na 12-15 taong gulang ay may asawa na agad ang mga kababaihan o di kaya'y magkakaasawa na. Isa sa mga kababaihang ito ay si Maria Felicita Solid...