Nicky's POV
Natapos yung taong 2015 na maganda para saken.Isa to sa mga taon na hindi ko makakalimutan. Parang sa 12 buwan lang ay andami na agad nangyari. Lumipat kami ng bahay, naging kaklase ko yung online crush ko,naging kaibigan ko sya tapos ngayon boyfriend ko na pero syempre hindi naman pwedeng puro saya lang may malulungkot din na pangyayari at isa na dito ay yung nangyari samen ni kuya lee na dahilan ng pagkawala nya dito sa bahay. Malungkot syempre pero ganun talaga ang buhay. Andami ko ngang natutunan ngayong taon eh, una change is inevitable; kaya hanggang nasa piling mo pa yung pinakamamahal mong tao, mahalin mo na siya ng lubos kasi malay mo mamaya, bukas o samakalawa mawawala na lang siya bigla kaya dapat wala kang sinasayang na oras hangga't kapiling mo pa sila para pag nagbago na ang lahat madali mo na lang matatanggap. Pangalawa, you must keep on going no matter what, sabi nga diba it's never too late kaya hangga't pumipintig yang puso mo at buhay ka pa hindi nauubusan ng chances kailangan mo lang ipagpatuloy yung buhay mo kasi ayun lang naman ang kaya mong gawin eh, ang magpatuloy.
Andito kami ngayon ni Russell sa isang fastfood chain habang kumakain ako, sya naman hindi magkamayaw kakadutdot ng cellphone nya. Para nga syang balisang balisa.
"Uy anong ginagawa mo? Baka naman gusto mong pansinin yang pagkain mo noh, ikaw din baka magtampo ang grasya" Saad ko dahil naiinis na ko, parang wala akong kasama dito
"Ay sorry, sorry G. Eto na nga kakain na." Ang sagot na lamang nya
Habang nasa umiikot kami sa mall ni Russell ewan ko ba pero parang ang lalim ng iniisip nya at hindi nya na napapansin na kasama nya ako.
Pero inintindi ko na lang at tiniis kong hindi magtanong. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi matanong, It's either ako na mismo maghahanap ng sagot o hihintayin kitang sabihin mo na lang sa akin.
Lumipas pa ang mga araw at palaging ganun si Russell. Balisa, walang gana, wala sa mood, palaging malalim ang iniisip at minsan nga ay hindi na kami nakakapag-usap.
Nagtatampo? Siguro oo pero ang magalit sakanya di ko siguro magagawa yun. Kaya eto ako nakatingin lang sakanya habang nagdidiscuss ang prof namin. Napapaisip din na lamang tuloy ako kung ano ba talagang problema nya. Mahirap kasi sa part ko na nakikita ko syang hindi maayos at wala akong magawa, naiisip ko tuloy ngayon na wala akong kwentang boyfriend.
Pagkatapos ng klase ay biglang lumabas ng classroom si russell na hindi man lamang ako hinihintay. Kaya napakunot ang noo ko. Teka, sobra naman na ata to. Kaya hinabol ko sya at agad hinila. Hindi ko sya matiis.
"Russell anong problema. Ilang araw ka ng ganyan. Please pakisabi naman sakin oh." Gusto ng bumulwak ng mga luha ko pero magaling ata tong magpigil bes.
Nakita ko na lamang na biglang kumurba ang kanyang labi at kahit papaano ay para bang nabawasan ang nararamdaman kong lungkot dahil sa ngiting iyon.
"Sorry G kung lately ganito ako ha. Sorry talaga, pero promise babawi ako sayo at sisimulan ko yun ngayon kaya tara na sa bahay at ipagluluto kita."
Nakailang thank you Lord ako dahil sa sinabi nya. It was definitely a relief for me.
Kaya eto kami ngayon nagkekwentuhan habang naglalakad, gusto nya sanang sumakay ng tricycle pero sabi ko maglakad na lang kami para makapag kwentuhan pa.
Ayokong mabilis ang lahat kapag kasama ko sya. Gusto ko dahan-dahan para lahat ng segundo ay nana-namnam HAHAHAHA so nagiging madrama na pala ang utak ko anuna besh hahaha
Andito na kami sa bahay nya ngayon. Tinititigan ko sya habang topless na nagluluto. I wss like #blessed Hahahahaha. Pero seryoso, napakaswerte ko dahil sa akin napunta tong lalaking to. Aba andami daming may perlas ng silanganan dyan pero ako pa rin ang napili nya, ni wala ngang umaalog sakin kapag tumatakbo maliban sa pisngi ng pwet ko eh hahahaha.
"G pwede pakihalo at bantayan to sandali may kukunin lang ako sa taas?" Saad nya sabay tingin sa orasan.
"Oh sure, why not"
"Thank youuuu, love youuu" Sabay halik sa pisngi ko, clingy af pero gusto ko rin naman
Atsaka ako na ang humalili dun sa niluluto nya na patapos na din naman. Nang maluto ay naghanda na rin ako ng plato namin at umakyat para tawagin sya.
"--syang iwan ma" ayan ang narinig ko na sabi ni russell sa kausap nya sa telepono.
Tila ba nagulat sya ng makita nya ako at agad na binaba ang telepono na kanyang hawak hawak.
"Uhmmmmm ready na yung pagkain, let's eat?" Medyo alinlangan kong sabi dahil I don't know what's going on?
Ayun maayos naman kaming kumain. Kwentuhan, tawanan, kulitan at syempre di mawawala ang lambingan hahahaha.
Sana palagi na lang ganito. Palaging masaya, palagi ko syang nakikitang nakangiti at tumatawa. Sana palagi kaming magkasama sa kahit anong pagsubok na ibibigay ng buhay.
Pero hindi ata yun ang trip ng tadhana. Baka kabaliktaran ng lahat mga sana ko ang gusto nyang mangyari. Gaya ng sabi ko kanina "Change is inevitable".
BINABASA MO ANG
FanGay (boyxboy) COMPLETED
Romance[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story Cover made by @thisShin