Fan20-HugotLordzzz

6.3K 220 15
                                    

A/N: Hello po ^_^ thanks po sa lahat ng sumusuporta dito ,ngayon alam ko ng may nagbabasa nito dahil malapit ng mag 10k reads haha ,tapos 400+ na yung votes ,hindi ko naman pwedeng gawin yun mag isa hahah ,sana po tuloy tuloy nyo lang tong suportahan kahit madalang na ako mag-update ,pero promise tatapusin ko to bago mag2015 hahahah Thank you sa lahat ng nagfa-flood votes ,sa mga nagcocomment,sa mga nagdedemand ng update ,haha sa simple pong mga ganyan napapasaya nyo Okay masyado ng mahaba Alabyuu oll muah muah ;) Btw next chapter pa po yung collab with ate kai ^_^

 Nicky's POV

Nandito kami ngayon sa Canteen kasabay nga kaming kumain  ni-- uhmm wait  ,di ko pa pala natatanong pangalan nya

"Uhmmm ano nga pala ulit pangalan mo?" tanong ko kasi sabi nya magkaibigan na daw kami pero di pa namin alam ang pangalan ng isa't isa

"Hahahha ,oo nga noh, Vivienne pala , Feel free to call me Beng" taray ume-english at yung nickname nya Pamatay huh? BENG! (Joke yun guys ,tumawa kayo puhleasse ,kahi tatlo lang)

"Nicky pala"sabi ko at patuloy na kaming kumain

Pagkatapos namin kumain ay pumunta sya sa Coop para kuhain yung Libro dito sa school kaya sinamahan ko na

Bale 6 na libro yun .Sa english, filipino, social studies ,science , math  at  MAPEH

"Ambigat naman nito" sabi nya at sinusubukang buhatin ang lahat ng libro ,ayaw pang magpatulong kunwari tch hihihi

"Yung Boobs mo nga nakakaya mong buhatin tas yan di mo kaya?" Mahina kong sabi baka marinig nya ,hihihihii bad bad nicky

"Huh anong sabi mo?" tanong nya

"Wala sabi ko tulungan na kita dyan ,nahihiya ka pang magsabi kaya nga kita sinamahan eh" sabi ko atsaka tinulungan na sya at sabay na kaming pumunta sa floor nang room namin tutal magkatabi lang naman ang room namin

Imbis makapaglandi ako , naging matulungin pa ako ngayon tss sayang yung isang araw sa freedom weeks ko ,Kainis!

"Thanks Nicky " sabi nya sabay

*Tsup*

"o-okay" aba ,matindi to huh ,nachansingan ako ,pero keri lang babae naman sya hihihihi walang malisya

Pagkapasok ko ng room ay may naramdaman akong nakatitig sakin , Si russell pala ,at hindi lang basta titig masamang titig

Kaya nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis ,hahha bahala sya dyan , Freedom weeks nga diba?

pagkaupo ko sa tabi ya ay bigla syang nagsalita ,wala pa kasi yung next teacher namin

"Sino yung Kumiss sayo?" sabi nya na madilim pa rin yung mukha

"diba nga sabi ko sayo strangers muna tayo?"

"Pag-strangers bawal mag-usap ? sagutin mo na lang yung tanong ko" sabi nya ng seryoso ,kala nya naman matatakot ako , eh kinikilig pa nga ako eh , ang gwapo ng mag seryoso hahahah kahit saang anggulo gwapo sya ,Kainis hahah

""Uhmmm New friend?" di ako sure sa sagot ko kung kaibigan ko na ba yun si beng

"Pag kaibigan kailangan may kiss?" daming tanong

"Ganun talaga beso-beso ,para sosyal" sagot ko hbang pinupunasan ang pawis sa mukha ,ang hot kasi ng katabi ko eh

"Siguraduhin mo lang nicky, pag natapos talaga yang Freedom freedom week na yan , paparusahan kita ng pinaka masarap ng parusa sa buong buhay  mo" bigla naman akong kinilabutan dun sa sinabi nya ,shemss tama ba ang iniisip ko ?

Buti na lang at dumating na yung teacher namin sa social studies , medyo nakaka-inis lang tong subject nato eh , bat pa naimbento yung past is past kung pag-aaralan ang nakaraan ,pero dahil gusto ko ng mataaas na grades kailangan kong makinig

"okay class bago tayo magstart ay may sasabihin muna ako , next next week na ang ating fieldtrip natin"sabi ng teacher namin at naghiyawan naman ang mga kaklase ko ,at nagrecruit na ng makakatabi nila sa upuan

" andito sakin ang mga itenerary ,at sasabihin ko na sa inyo  Una ang Blahblahblahblah....... at ang huli ay ang enchanted kingdom ,kasama na sa tuition nyo ang bayad sa fieldtrip kaya lahat kayo ay pweng sumama ,nagkakaintindihan ba tayo?" sabi ng teacher namin, bigla naman may kumalabit sakin

"Nicky tayo mgkatabi huh " si Vince pala

"Huh?" sabi ko

"Hindi pwede magkatabi na kami eh " bigla namang singit ni Russell

"Joke lang yun vince ,di talaga kami magkatabi nyan ,sige payag ako ikaw ang katabi ko " sabi ko hahahahah ,dun ko na lang lulubos-lubsin yung freedom week ko

"YES! " malakas naman na sabi ni  vince kaya napatingin sa kanya ang lahat at nagsorry na lang sya

"Sorry not sorry " sabi ko kay russell na lukot na lukot na yung mukha at mukhang inis na inis na hihi yaan mo sya

------------------------------------------------------------

Pagkatapos nang klase ko ay pumunta muna ako sa  isang fast food habang naghihintay ako sa pila ay nagmamasid muna ako sa mga tao

" maam may 5 pesos po ba kayo?" tanong nung crew dun sa umo-order

"Alam mo para kang ex ko eh ,binigay ko ng ang lahat ,nanghihingi pa ng sobra" awtsuu hugot to si ate huh, may pinagdadaanan sa buhay , napatingin na rin yung mga katabi namin na umo-order din

"Hindi naman po kami humihingi ng sobra , nanghihingi lang kami ng maliit na halaga para mapalitan  namin kayo ng tama" at nagtawanan naman yung nasa paligid pa ,pati ako natawa FTW tong crew na to hahahah

"isa nga pong large fries ,jolly hotdog ,isang coke float and Sundae "sabi ko dun sa crew na namahiya sa babae at binigay na ang aking bayad

"May 2 pesos po kayo?" Sabi nya at agad akong nagbigay ng two pesos ,baka ako naman ang mapahiya

Pagkatapos kong kumain ay napagdeaisyunan ko ng umuwi at ngayon ay nasa jeep na ako

"Kuya pasuyo ,bayad po "sabi nung katabi kong babae at inabot ko naman

"Isa lang po ba to?" Tanong nung driver

"Opo ,sanay naman po akong mag-isa eh" Hala! Si ate may matinding pinagdadaanan Jusko lord ano na bang nangyayari sa earth ,lahat na lang naaply sa peg-ebeg na yan ,Sakit sa bangs KAINIS!

FanGay (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon