Nicky's POV
Pagkatapos umalis ni kuya ay umupo muna ako sa isang gilid at tinitigan ang kahon na ibinigay nya. Inisip ng mabuti ang nangyari
Ganun lang kabilis ang lahat
Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa naiisip ko pagkatapos nun ay tumayo na ako at pumasok sa bahay atsaka nilagay muna ang regalo ni kuya lee sa aking kwarto at dali daling lumabas muli sumakay ng tricycle papunta sa mall
Pagdating sa mall ay dumiretso ako bookstore upang bumili ng mga novels wala na kasi akong binabasa at syempre regalo ko na rin sa sarili ko hinanap ko yung mga libro ni James patterson yung women's murder club series ,meron na ako hanggang 7th heaven kaya hinanap ko agad yung the 8th confession hanggang 12th of never paperback lang binili ko kasi hindi kasya yung pera ko pag hardbound huehuehue .
Pagkatapos kong lumabas ay nagikot-ikot muna ako sa loob ng mall .
Window shopping lang talaga ang balak ko eh,kaso ang ganda talaga nung tee sa oxygen eh tas yung bag na baymax tas yung topsider ,yun ubos pera birthday ko naman eh Lakampake!
papunta na ako sa exit dahil pagod na pagod na ang aking kawawang mga paa pero ewan ko ba bigla akong napalingon sa flowershop na malapit sa exit parang sinasadya yung mga nangyayari
May nakita akong isang pamilyar na pigura, upang siguraduhin kung sya nga iyon pumasok ako sa loob ng flowershop na yun
At sa hindi inaasahang pagkakataon sya nga iyon at may kausap na babae na hindi ko masyadong maaninag ang mukha dahil nasa natatakpan sya ni Russel
Nakakatawa HA HA HA ,bat sa araw pa na toh? bat kung kelang birthday ko? bat kung kelan monthsary namin magii-status na ba ako nito sa facebook ng "Feeling blessed"?
Masakit sa mata ,SOBRA
Hindi ko namalayan na may tumutulo na pala dito ,tumakbo na lang ako papalabas ng flower shop pero dahil sa katangahan ko nauntog ako sa glassdoor ,AWESOME ISN'T IT?
Syempre ano pa bang inaasahan nyo syempre napalingon si Russel sa akin na nakasalampak sa sahig at umiiyak, pero agad akong tumayo at pinunasan ang aking luha di ko na pinansin ang mga taong nakatingin sa akin basta ang mahalaga makatakas ako sa "bangungot" na to
Pagkatapos kong buksan ang walanghiyang pintuan na iyon ay agad akong kumaripas ng takbo ,narinig ko pang may sumigay na G pero pakshit sya GG nya mukha nya
GAGO SYA!
Dahil sa pagtakbo ko hindi ko namamalayan na may nabangga pala ako pero ako yung natumba
Pag-angat ko ng ulo ko ay nakakita ako ng lalaki ,wala akong pake sa itsura di ko yun napapansin sa mga panahon na to
"Ayos ka lang po ba?"sabi nya saken sabay abot ng kamay nya para itayo ako ,kaagad ko namang kinuha iyon at tumayo na
"ah oo, sorry pala sa pagkakabangga ko sayo" paumanhin ko sa kanya na medyo nakayuko kasi hanggang ngayon di ko pa rin mapigilang tumulo yung mga luha sa mata ko
"Hala! Umiiyak po ba kayo?" nakayuko na nga ako napansin pa rin
"Ahh hindi nagexercise kasi tong mata ko kaya pinagpapawisan sya ,sorry ulet" at tumakbo na ulit ako papuntang sakayan
Habang nasa tricycle ako hindi mawakli sa isipan ko yung mga nakita ko .Pano kaya nangyari yun? Bakit nya kaya ginawa yun? Siguro hindi ako sapat . HA HA nakakatawa naman hindi ko lang siguro naisip agad na tama yung mga sinasabi ni ate ,siguro masyado lang akong tanga para hindi maniwala na WALANG STRAIGHT NA LALAKI ANG PAPATOL SA BAKLANG KATULAD KO
Oh well that's life ,Mas maigi na to para di sayang sa oras at panahon .Mas maigi rin to para mas maaga natapos yung panloloko nya saken
"Andito na po tayo" Di ko namalayan na nandito na pala kami .Kumuha agad ako ng barya sa wallet at binigay sa mama at lumakad na papasok ng gate
Pero nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko
Russel's POV
"G?" nagulat ako ng makita ko kung sino yung bumagsak pero mas nagulat ako ng makita ko ang mga mata nyang umiiyak .Anong nagawa ko?
Agad-agad tumakbo si Nicky papalabas ng flower shop at hindi na ako nakapag isip kinuha ko na lang ang bulaklak na binili ko at hinabol ko na rin sya kaagad at habang tumatakbo ako napagtanto ko na lang kung bakit sya umiiyak
"Ugh tangina" nasabi ko sa dahil sa inis
Hindi ako tumigil sa paghabol kay nicky mabuti na lang at nadapa sya para maabutan ko pa sya dahil ang bilis nya talagang tumakbo .Nakita kong sumakay sya sa tricycle ,sumabit ako at nang nakita ako ng driver ay sasabihin nya sanang "Special to" pero inilagay ko na lang ang hintuturo ko sa bibig upang sabihin na tumahimik sya at binayaran ko na lang sya ng isang daan.
Pagkababa ni nicky sa tricycle ay para syang tinanggalan ng lakas .Nakayuko tapos ang bagal pa nya maglakad
"Tangina pasurprise surprise pa kasi ako" nasabi ko na lang sa isip ko dahil sa nakita ko kung anong nangyari kay nicky
Agad kong hinablot akong kamay nya para mapatingin sa akin pero ng makita nya ako ay agad nya akong binigyan ng isang mag-asawang sampal
"Andami namang araw na pwede mong gawin yun ,Bakit ngayon pa?" sabi nya habang pinipigilang tumulo ang kanyang luha
Hindi na ako sumagot at binuhat ko na lang sya na parang sako ng bigas para di na sya makapalag
"Hoy ibaba mo ako dito" pagpaglas nya saken habang kinakampay kampay ang paa nya
"Hoy sinabi ng --Ahmp" Pinalo ko sya sa pwet para tumahimik
kaya wala na syang nagawa at tumahimik na lang
nang nadaanan namin ang bahay nya ay sumigaw sya ng malakas upang humingi ng tulong sa mama at papa nya pero nagulat sya ng nakita nyang tumatawa lang ang mga ito .Hindi nya alam kasabwat ko ang mga ito sa gagawin namin ngayong gabi.....
A/N : Miss me? hahah miss you to i don't know why kung bakit di ko to matapos tapos .Writer's block ,katamaran at marami pag ibang hindrance .Sana may sumuporta pa rin dito kahit napaka walang kwenta nung author hahaha labyu oll guys ;)
BINABASA MO ANG
FanGay (boyxboy) COMPLETED
Romance[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story Cover made by @thisShin
