Fan30-Akala

3.8K 138 10
                                        

"Para sa mga taong nasaktan, iniwan ,umasa pero bumangon, kinaya at nagumpisa muli. Para sa inyo to!"

Nicky's POV

Akala ko pagkatapos nyang sabihin na babawi sya sa akin ay magiging maayos na ang lahat, na babalik na sa dati yung relasyon namin pero wala mas lalo pa atang lumala.

"Guuuuurl, miss you so much long time no talk ah" si beng pala to di ko mapansin. Nandito kasi ako ngayon sa canteen at nagpapanggap na kumakain

Nagpapanggap dahil di ko naman ginagalaw yung pagkain na nasa harapan ko.

"Uy beng, musta na"

"Ikaw ang kumusta? You look pale at parang pumayat ka, anong nangyayari sayo" sabi nya habang pinagmamasdan ako.

"Ikaw ba naman ang pwesto dito sa kalagayan ko" sabi ko na lang sakanya.

"Uhmmmmm what do you mean?" Nagtataka nyang tanong

"Ewan ko pero parang nanlalamig na si russell, tapos minsan di na sya pumapasok ng hindi man lang nya sinasabi ang dahilan. Tinatry ko syang kausapin pero palagi nyang sinasabi na wala naman daw syang problema. Tapos everytime na pumupunta ako sa bahay nila walang tao." Gustong gusto ko ng maiyak pero ayaw kong makita ako ng ibang tao na mahina.

"Ow that escalated quickly. Hindi ako yung the best person para hingan ng advice pero sige para sayo i'll do it." Sabi nya na parang awang awa na sa akin.

"Tch paano ba to. Siguro bigyan mo pa sya ng time. Oras lang naman yan eh, siguro hindi pa sya handang sabihin sayo. As of now kung gusto nyang i-isolate yung sarili nya then let him be. Baka ayaw ka lang nyang madamay sa problema nya." I'm so thankful na may mga kaibigan akong for keeps. Yung mga taong kahit di nila kaya gagawin pa rin nila para sayo.

"Pero I mean we're couple, ano man lang ba yung sabihin nya sa akin yung problema nya diba? Baka makatulong pa ako."

"I agree to that. Ganto na lang puntahan mo sya sa bahay nya at mag usap kayo pero as of now kumain muna tayo at pagkatapos ay magpamake over tayo sa salon after class. You know? Pamper time naman besh wag puro stress. Kailangan pag nakita ka ni russell parang nakakita sya ng dyosa pak ganoin" napangiti na lang ako dahil sa kakwelahan nitong babaeng to. Kung naging lalali siguro akp niligawan ko pa to. Pero sorry not sorry hahaha.

Ayun nga habang kumakain kami ay nagkekwentuhan kami atleast diba kahit sandali nakalimutan ko yung mga iniisip ko.

Pagkatapos naman naming kumain ay dumerecho na rin kami sa mga classroom namin.

Sa kalagitnaan nang paglelesson ang adviser namin ay biglang may kumatok. Pero nung binuksan ng teacher namin ang pinto isang hindi inaasahang tap ang pumasok

Namiss ko sya grabe.

Si vince, pero hindi man lang sya tumingin sa akin. Nag excuse lang sya dun sa adviser namin. Siguro yung mga kailangan nyang school papers para dun sa nilipatan nyang school.

Gusto ko syang kausapin, gustong gusto pero baka pag tinawag ko sya ay mapahiya lang ako at hindi nya ako pansinin. Kaya nga sya umalis dito diba? Dahil sa akin.

Pagkatapos nun ay pinagpatuloy ng adviser ang lesson nya pero wala na akong ganang makinig.

"Oy beng tapos na klase namin antayin kita dito sa waiting shed" text ko kay beng dahil maagang nagdismisa ng klase yung last subject namin. At dahil nga pupunta kami ng salon ay hihintayin ko sya.

FanGay (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon