Nicky's Pov
"Anak ikaw ,na muna mag luto ng almusal mo ah, may sinangag na dyan magluto ka na lang ng hotdog ,inaantok pa ako eh" Sabi ni mama habang nakahiga pa ,tsk tsk nekeketemed
"Sige ma " Sagot ko na lang ,atsaka bumaba na ako para magluto ng almusal
Kumuha ako ng hotdog sa ref ,kumuha ng frying pan at sinindi ang stove at inilagay ko na ang hotdog
Habang iniikot-ikot ko yung hotdog para pantay ang pagkaluto ,iniisip ko pa rin yung nangyari kahapon ng lumipat kami sa bahay ni russell
At Take Note dun pa mismo sa kwarto nya
Hindi naman masyadong makalat , may onting nakakalat na brief ,sando boxers , barbell at kung anu-ano pa ,Hindi talaga masyadong makalat, PRAMIS
Flashback
"Ay sorry huh ,di pa ako nakakapagligpit eh"kinuha nya yung mga damit nyang nakakalat at tinambak dun sa basket nya, mga maruruming damit nya ata
"Okay lang :)"Syempre ako naman okay lang ang sinagot kahit hindi talaga ,ayoko talaga sa lahat yung marumi
"Teka upo ka muna dyan sa kama ,bubuksan ko lang tong aircon" Sabi nya ,ako naman umupo sa kama at naghubad na ng damit para masimulan na ang paggawa namin ng baby , Jowk Hihihih
umupo naman ako sa kama nya habang naglilinis sya
Habang nakaupo ako sa kama nya ay may nakapa ako sa kumot nya na parang basa at malagkit ,anu to?
"Uhmmmm , Russell parang may basa dito sa kumot mo ba malagkit anu to ?"tinignan ko yung side table nya may lotion ,kaya pala ang kinis nya naglolotion (A.N: If you know what i mean :3)
"Ah w-wala yan , t-tubig lang yan natapon kanina sorry" anyare dito parang nauutal tsaka tubig pero malagkit?
Tapos kinuha nya yung kumot at isinama dun sa maduduming labahan
"Tutulungan na nga kita ,para mabilis tayo matapos"at ayun tinulungan ko sya kinuha yung mga balat ng chichirya ,papel etc.
Pagkabukas ko ng trash-can sa kwarto nya , Nakakita ako ng sandamakmak na tissue ,Bat ang daming tissue dito?
"Bat ang daming tissue sa trash can mo , may sipon ka ba?"tanong ko sa kanya dahil sa Curiosity
"h-huh o-oo m-may si-si-sipo ako "sagot nya na nauutal pa rin problema nito? Pa-utalan game ba itu?
"ahh okay :)" sagot ko na lang sa kanya kahit hindi ako convinced
"Upo ka na lang dyan , bubuksan ko na lang yung aircon "sabi nya saken habang ako naman ay sinunod na lang sya
"Tara game na!"sabi nya pagkatapos buksan ang project at umupo sya sa tabi ko
"Huh anong game na?"
"Game na tayo gumawa ng project "sabi nya, ahhhhh
"Ahhh " sagot ko na lang
"Ikaw talaga kung ano-ani iniisip mo "sabi nya sabay gulo sa buhok ko ,yung totoo sinuklay ko pa tong buhok kong hanggang leeg tapos guguluhin mo yung totoo talaga ,
Yup ,Hanggang leeg po ang buhok ko ,pwede to sa school ko ngayon at sa school ko noon ,at ayaw ko ng ipaliwanag nakakatamad -_-
At sinimulan na namin yung project kahit dalawa lang kami ,kahit ang hot ng katabi ko at all time crush ko pa ,napigilan ko pa rin ang paglalandi at mas nanaig ang Edukasyon ! Cheerrssss Hihihihi
Flashback ends
"Oy nicky yung hotdog na niluluto mo may balat pa oh!" si ate madilyn pala ,nung tinignan ko yung hotdog nasusunug na atsaka parang may plastic pang nakabalot ,
BINABASA MO ANG
FanGay (boyxboy) COMPLETED
Romance[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story Cover made by @thisShin
