"We had a beautiful tragic love affair"
Nicky's POV
Nagising ako dahil sa sinag na tumatagos dito sa----
Teka nasaan ba ako?
Inikot ikot ko ang paningin ko at narealize kong nasa loob ako mg isang blue na tent.
Masakit pa rin ang ulo ko pero kaya ko naman ng tumayo.
Tinignan ko kung ano ang suot ko. Isang pantulog na malayong malayo sa naalala kong huling suot ko.
Teka nasaan ba ako?
Inunzip ko yung tent at lumabas. Bumungad sa akin ang puting buhangin at mapayapang karagatan.
Andun sya nakaupo at tinititigan ang pagsikat ng araw.
Ano pa bang gagawin ko? Alangan naman tumakbo nanaman ako. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako eh atsaka nanakakapagod din. Kaya napagdesisyunan kong maglakad at tumabi sa kinauupuan nya.
"Gising ka na pala. Ayos ka na ba?" Sabi nya na halatang nag aalala nang makita nya ako. Nilagay nya pa nga palad nya sa noo ko para icheck kung mainit pa ako.
"Ayun! Buti naman at kahit papaano ay bumaba na ang lagnat mo."
Hindi ko na sya sinagot bagkus tinitigan ko na lang din ang kapaligiran. Yung puting langit, bughaw na dagat na umaalon-alon pa at yung araw na papasikat pa lamang.
Ang sarap titigan parang mawawala ang lahat ng problema mo kapag naging isa kayo ng kalikasan.
"Ang ganda nung araw noh" sabi nya habang nakatingin pa rin sa sunrise. Pinagmasdan ko sya nakangiti habang nasisinagan yung mukha nya.
"Bakit mo ako iniwan?" Kaswal na tanong ko sa kanya, ayaw ko ng dagdagan pa ng drama tong sobrang drama naming ending.
"May hepatic cancer ako nun nicky, stage 3 at kailangan kong magpagamot sa states. Sa oras na nalaman ko yun ay napagdesisyunan kong wag ng sabihin sayo kasi ayaw kong mag-alala ka, ayaw kong makita mo kong makitang mahina at ayaw ko rin na may gumugulo sa isipan ng mahal ko." Nakikita kong pinipigilan nyang tumulo yung mga luha nyang gustong-gusto ng bumagsak.
"TANG INA NAMAN RUSSELL! KALA MO BA MASARAP SA FEELING NA HINDI KITA NAKIKITA? SA TINGIN MO MASARAP ISIPIN NA MAY PROBLEMA KA AT HINDI KO ALAM? FEELING MO BA MASARAP ISIPIN NA NAGHIHIRAP KA AT WALA AKO SA TABI MO? TANGINA TALAGA." hindi ko na napagilan yung sarili ko, masisisi nyo ba ako? Pati yung luha ko kala mo may sariling buhay at tuluyan ng umagos. Sabi ko ayaw ko na ng drama eh.
"Alam mo gusto kong murahin sarili ko, antagal kong umasa, antagal kong nagpakatanga. Russell boyfriend mo ko nun, naisip mo ba kung anong mararamdaman ko pag ginawao sakin yun?" Sumbat ko pa sakanya.
"Masakit din sakin yun Nicky, gabi gabi akong umiiyak sa hospital at ang tangi nagpapalakas sa akin ay yung mga litrato naten. Sabi ko sa sarili ko hindi pwedeng hanggang dito na lang, magpapakasal pa kami ni Nicky kailangan kong lumaban at eto nga ko gumaling, bumalik sa Pilipinas para sayo. Dahil itong pusong to para sayo lang tumitibok." Sabi nya habanh pinupunasan ang luha ko. Kahit papaano ay kumalma ako.
BINABASA MO ANG
FanGay (boyxboy) COMPLETED
Romance[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story Cover made by @thisShin