THE END
Pagkatapos kong i-type yang mga katagang yan ay agad kong nilapag ang laptop ko at pinunasan ang kakaunting luha na patulo pa lang sa aking mata.
Tapos na, masarap balik balikan ang naging kwento namin ni Russell pero at the same time masakit din.
Pagkatapos nung gabing yun sinubukan ko pa syang tawagan pero walang sumasagot, pinagtanong ko din sya sa pinsan nya, yung nakita ko na kasama nya sa flower shop pero maski sya hindi nya din alam o ayaw nya lang talaga sabihin.
Matagal bago ako sumuko kasi nga mahal ko sya. Pero napapagod din naman ako at ayaw kong nakikita ng mga tao sa paligid ko na hirap na hirap na ako.
Nang nararamdaman kong nakakamove-on na ako kahit papaano sa tulong na rin ng mga kaibigan at pamilya sabi ko sa sarili ko na ishe-share ko ang istorya namin ni Russell dito sa wattpad after 5 years. At eto na nga. Napa-pangiti ako kapag binabalikan ko yung masasayang ala-ala namin ni Russell at masakit man isulat ko mismo ang naging katapusan ng relasyon namin ay kailangan para na rin sa mga mambabasa. Para mabigyan sila ng pag-asa na hindi porket nasaktan ka, iniwan ka, pinaasa ka ay hindi ko na pwedeng bumangon at magsimulang muli.
Ngayon isa na akong chef, siguro isang successful chef dahil sa isang fancy restaurant ako dito sa Pilipinas nagtatrabaho, ayaw ko kasi umalis dito kahit maraming offer sa ibang bansa dahil naghihintay pa rin ako malay mo isang araw bumalik sya.
May mga umaaligid-aligid at nagpaparamdam din na gustong manligaw pero ayaw ko muna.
Kahit papaano ay mayroon pa rin natitirang puwang sa puso ko si Russell at hindi muna ulit ako papasok sa isang relasyon na hindi pa rin yun nawawala.
"Oh ano bessy, tapos na ba yang nobela mo? I mamarathon ko talaga yan." Si beng pala kasama si vince at oo nagkatuluyan sila siguro magfo-four years na rin sila at sobrang saya ko para sa kanila.
"Nah, panigurado naman ako ang unang makakatapos nyan" banat naman ni mars, syempre hanggang ngayon sila pa rin ni justin. Saludo nga ko dito sa dalawang to eh antagal na din nila.
Napaisip tuloy ako kung sinagot ko kaya si justin o si vince tatagal din kaya kami? Pero okay lang atleast nabigyan ko pa ng lovelife tong mga kaibigan ko hahahahaha eme.
"Sige nga kung sino unang makaunang makatapos ililibre ko ng milkshake." At napatawa na lang yung tatlong lalaki. Oo tatlo, kasama din namin si Jude.
Naalala nyo yung nakabangga ko nung tumakbo ako dahil nakita ko si Russell sa flower shop? Sya yun at sya rin yung nagbigay ng regalo nung birthday ko.
Same school lang kami. Nagkagusto daw sya sa akin simula nung day na nakabangga ko sya pero nahihiya daw syang lumapit sa akin.
Pero nung graduation ay nagpakilala sya sa akin at ayun naging magkaibigan kami at hanggang ngayon ay iniintay nya pa rin kung kelan nya na ako pwedeng ligawan.
Ang saya lang isipin na lahat kami ay successful na, kahit noon minsan tinatamad kami mag-aral isama mo pa yung mga heart breaks at iba pang problema. Pero tignan nyo naman kami ngayon natupad na yung mga pangarap sa buhay.
Nasaan na kaya si Russell? May bago na kaya sya? Ganun pa din kaya sya kagwapo?
Biglang nagring yung mga nakasabit na chains sa pinto dito sa pinagtatambayan naming coffee shop. Biglang natigil anf masayang kwentuhan at pagtatawanan namin.
Ayaw ko sanang umasa pero naamoy ko yung amoy nya.
Ayaw ko sanang umasa pero naramdaman ko ulit yung naramdaman ko nung una kaming nag kita.
"One wintermelon milk tea please"
Ayaw ko sanang umasa pero narinig ko yung boses na nag pakilig sa akin nuon.
Tumingin ako dun sa lalaki.
Ayaw ko sang umasa pero nakit ko ang pigura na nagbibigay sa tiyan ko ng mga bulaklak at paru-paro.
Sya nga.
Yung taong nagpakilig ng sobra sa tuwing tinititigan ko ang mga pictures nya sa screen ng computer.
Sya nga.
Yung taong naging kaklase, kaibigan at higit sa lahat kasintahan ko.
Sya nga.
Yung taong nagpakilig sa akin at nagparamdam na pwedeng may umibig sa mga katulad ko.
Sya nga.
Yung taong bigla na lang ako iniwan sa kawalan.
Ewan ko kung dapat ba akong matuwa maiyak. Hindi ko din alam kung dapat ba akong manatili o tumakbo pero sa huli napili ng mga paa ko na umalis sa kinalalagyan ko.
"Nicky?"
Narinig ko yung boses nya na tinawag ako. Nararamdaman ko rin na hinahabol nya ako, hindi ako tumigil. Hindi ko din alam kung bakit, siguro para naman maramdaman ko kung anong pakiramdam na mang-iwan.
Nagpatuloy lang ako sa pag takbo habang umiiyak wala na akong pake sa mga nakakakita sa akin. Sa araw na rin to biglang bumuhos ang ulan tulad nung araw na iniwan nya ako. Bakit ganito ba tong ulan palaging nakikisabay sa nararamdaman ko
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paang to pero bahala na.
"NICKYYYYYYYYY!!!!"
Ayun na ang huli kong narinig pagkatapos nun wala na akong maalala.
A/n
You guuysssssss. Grabe 3 years din tumagal to bago to matapos epilogue na lang tapos tapos na. Please comment comment comment. Thank you sa lahat ng sumusuporta dito til the enddddd thank youuu. Love lots xoxo
BINABASA MO ANG
FanGay (boyxboy) COMPLETED
Romance[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story Cover made by @thisShin
