Fan24-WhoIsShe?IGetdrunkOnJealousy

5.7K 196 19
                                        

Nicky's POV

Andun na si Russell kausap si Unknown girl ,sino kaya sya infairness maganda,makinis OKAY! nai-insecure ako ,eh sino ba naman kasing hindi .Una sa lahat babae yan may pearly shell tapos mukhang  hindi lang basta fan ni russell mukhang kilala nya kasi sya mismo yung lumapit so ,wala ba akong karapatang mag-selos?

"Oy Mars ? anong tinutunga-tunganga mo jan?" biglang nagsalita ang halimaw kong bestfriend 

"Huh?" sabi ko kasi wala talaga ako sa wisyo .nag-ooverthink nanaman ako

"Hayyy feeling ko alam ko yang iniisip mo eh" sabi nya na sabay ngisi si justine naman ay nakatingin lang samin habang kinakain yung ice-cream

"Ano nga?" sabi ko sa kanya .,ganun ba ako kahalata?

"Nagseselos ka noh? kausap lang mars? selos agad?" okay ,natumbok nya ang halata ko nga

"hindi ah ,may iba akong iniisip" pagtanggi ko syempre ayoko umamin noh ,

"Mars ,ako pa lolokohin mo? eh magkapatid tayo sa ibang matres eh tapos lolokohin mo pa ako? huwag ako . Alam ko namang hindi ka aamin eh ,mataas ang pride mo eh kasing taas ng burj khalifa ,kaya nga tuwing nag-aaway tayo ako palagi ang nakikipag-bati eh .Pero eto lang mars ah just a piece of advice iwasan natin ang pagseselos huh? oo siguro ,pag nagseselos ka ibig sabihin nun mahal mo sya at ayaw mo syang mawala sayo pero sana mag tiwala ka rin sa kanya .isa yun sa mahahalagang sangkap ng relationship .okay?"Aba anong nakain nito? french fries o sundae? ang lakas maka-payo nagka boyfriend lang hahahah

"So nagiging love guru ka ngayon? san mo naman nakuha yan?" sabi ko sa kanya habang dina-digest ko yung mga sinabi nya .Humuhugot eh

"Sa Radyo mars .hahahah tama naman diba boo?" sabi sabay tingin kay justine ,Aba ang bruha nag-hanap pa ng padrino

"Oo naman boo,kaya nga mahal na mahal kita" sabi ni justine sabay  kindat sa kanya

"Ewan ko sa inyong dalawa .Hayst" suko na ako haha minsan talaga may sense kausap yang si Ralph Note:MINSAN HINDI MADALAS hahahahah

"G si cassy nga pala sya yung kini-kwento ko sayo na kaibigan namin ni vince yung lumipat ng school" hindi ko namalayan na andito na pala si russell at kasama yung kausap nyang babae kanina ,eto pala yun Maganda nga 

"Hi nice to meet you ,Cassy" sabi nya naman na may kasamang ngiti ewan ko kung totoo pero mukha naman kasi ang ganda talaga nya 

"Hi nice to meet you too! ,Nicky nga pala Russell's boyfriend" sabi ko na may kasamang proud smile 

"oww russell bat di mo na-kwento? nagpalit ka na pala ng gender orientation?grabe ka umalis lang ako di mo na ako ina-update sa buhay mo" eh bakit kailangan kang i-update sa buhay nya sino ka ba? girlfriend ka ba? diba kaibigan ka lang ? know your limits teh! ooopps sabi lang yan ng isip koo ,Keep calm nicky

"couz! andito ka lang pala ---- oh bat kasama mo sila nicky ? did you know each other?" nagulat ako ng biglang dumating si beng ,So magpinsan sila? Okay small world nga talaga

"Ahhh si russell kasi sya yung kinikwento kong bestfriend ko ,remember?" sabi nya naman kay beng

"Oh okay ,but we need to go Bye nicky Bye russ !" sabi ni beng at hinila si cassy na wala ng nagawa kundi ang mag-wave na lang ng kamay 

"ano na san na tayo punta?" bigang tanong ni ralph tsaka ako tumingin sa relos ko ,alas singko na at bigla akong tinamad ng di malaman kaya gusto ko ng umuwi

"Sa tingin ko kailangan ko ng umuwi" sabi ko kasi nga bigla akong tinamad 

"Huh uwi agad? alas singco pa lang oh sure ka dyan?"tanong ni russell na mukhang nagulat

"Hindi nag jo-joke ako ,Ulitin ko pa? " sabi ko na may kasamang kabadtripan ,ewan ko din eh baka nga nagseselos ako

"G? okay ka lang? may problema?"  agaran naman akong sinuyo ni russell 

"ahh i just want to go home " sabi ko na binalik ang kakalmahan sa aking sarili ,nagugulat din ako sa mga inaasta ko eh

So ,ayun na nga naghiwalay na kami nila mars at ni justin at andito kami ngayon sa labas ng gate ni russell

"G ,pag may problema sabihin mo lang sakin ah ,handa naman akong makinig eh .Ayoko lang na sinu sungitan mo ko nanghihina ako eh " Ha. Eh alam ko na kahinaan nya hahahahh

"Uhmmm sorry napagod lang siguro ako " sabi ko habang nakatingin sa sapatos ko

"G yung totoo naman ,i know you're lying, Dapat honest tayo sa isa't isa so pleaseee?" Sabi nya na nagpappa cute pa hayyy kailangan ko na nga talagang umamin

"Oo na nga ,Nagseselos ako kay Cassy ,eh kasi naman eh----"

"Bwahahahahahahahahahahhaha" Ayan tama yan halakhak pa more nag co confess ako tapis tatawanan ako ng ganyan

"Oy anong tina tawa-tawa mo jan" sabi ko sa kanya pero di pa rin sya tumitigil sa pagtawa may pahawak hawak pa ng tiyan

"Oy bakit ka ba tumatawa" aba't ayaw pa rin tumigil ,tuwang tuwa sa galak ah ,teka last na

"Bahala ka nga jan tumawa ka magdamag jan" sabi ko sabay talikod at akmang papasok na ng bahay pero gaya ng inaasahan ko pinigilan nya ako ha. Kala nya huh

"G ,ano ka ba bestfriends lang kami nun eh tomboy yun dati eh ,ewan ko nga dun kung bakit nagkaganun yun baka na-inlove kaya nagtransform kaya wag na wag kang magseselos dun ,mag selos ka na sa lahat ng babae wag lang sakanya hahhaha" sabi nya na tumatawa pa rin parang timang to Kainis!

"Ewan ko sayo ,oo na good night na ,itulog mo na yan" sabi ko na may pagka badtrip pa rin ang mukha

"Pero seriously G. Ikaw lang talaga ang laman nito "sabi nya sabay kuha ng kamay ko at pinwesto sa kaliwang dibdib nya "Kaya wag na wag kang magseselos sa iba .No one can give me the happiness that you always bring to me because you're different from them.  Only you , only you can make my heart beat fast and my mind crazy" Ha ? Ano daw? Di ko nagets ! hahaah joke lang Grabe should i say more ? No .kasi wala talaga ako masabi , mahimbing na gabi para sakin * insert ngiti ng dyosa here*

A/N
Helloooooooo eto na ang update para sa inyong lahat pasensya na po sa lahat ng naghintay (meron nga ba?) Haahha de joke it's good to be back, well di namman talaga ako umalis sa wattpad tinamad lang mag update so sorry ulit Labyaaaaa alls And happy 50k+ reads haah nagulat ako nung chineck ko labya readerssss

FanGay (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon