Nicky's Pov
Andito ako ngayon sa kwarto ko ,nakadungaw sa bintana pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan ,Nagsesenti lang ,Feeling Emo
Nag-iisip kasi ako kung tama yung sinagot ko kay Vince Nung sinabi nya yun eh, Natatakot ako na baka masaktan ko lang sya ,natatakot ako na baka hindi ko masuklian ang pagmamahal na ibibigay nya sa kin ,natatakot ako na matulad lang Sya kay Justine
O di kaya baka pinagti-tripan lang nya ako kasi diba alam ko namang straight sya ,madami na syang naging girlfriend Pero nung sinasabi nya yung mga katagang yun sincere talaga ,hindi kaya pinaractice nya yun? Aish ! ewan
Ayan tuloy nagdadalawang isip ako kung tama ba yung sinagot ko ,Kung tama ba na um-Oo ako na ligawan nya
"Nak Milo oh"Si mama ,Pumasok sa kwarto ko at iniabot ang mug na may mainit na may Milo ,Sarapppp lalo na't malamig
"Thanks ma"Sabi ko kay mama
"Lalim ng iniisip mo ah ,kailangan bang hukayin?"Sabi ni mama
"Ma ...Kasi....ano"Di ko masabi sa kanya ,tsk
"Anak ,Mama mo ako kahit ano pa yan iintindihin ko kahit Nabuntis ka nung kung sino-sinong lalaki, tatangapin ko"Aish !Talaga to si mama maloko
"Ma!"Sabi ko
"To' naman di mabiro may regla ka " nang makita ni mama na sumimangot ako nag sorry sya
"Joke lang nak,Ano ba talaga kasi yun ,wag kang magdalawang isip na lumapit sakin kung may problema ka ,malay mo makatulong pala ako" seryoso nyang sabi
"Ma ano kasi ,may nanliligaw sakin ,Ambait nya tapos gwapo tas mabango basta nasakanya na lahat ng hahanapin mo ,Boyfriend material talaga kaso ang problema..."Mahaba kong sagot sa kanya
"Ano ?tuloy mo pabitin effect ka huh" Natuwa ako sa mukha ni mama nakikinig kasi talaga sya
"Dun ako sa bestfriend nya may gusto"sabi ko kay mama sabay inom ng Milo
"Kilala ka ba nung bestfriend nya?"tanong ni mama
"Actually ma ,pareho ko silang kaibigan ,kaya syempre kilala nya ako"sagot ko kay mama
"Alam ba nung bestfriend nya na may gusto ka sakanya?"Tanong ulit ni mama
"Hindi ko alam "sagot ko sa kanya
"Uhmm.. Pano ba nya sinabi sayo na liligawan ka nya?"tanong uli ni Mama
"Ma, diba kagabi di ako dito natulog ,Dun ako sa kaklase ko natulog tatakas sana ako nun sa bahay nila ,kasi nahihiya ako na makitulog dun pero nakita nya ako at malakas pa ang ulan kaya di natuloy ang pagtakas ko kaya dun na sya umamin tapos tinanong nya ako kung pwede daw ba manligaw"mahaba kong sagot kay mama
"Anong sinagot mo?"tanong nya
"Oo ?" sagot kong patanong dahil hininhintay ko kung ano magiging reaksyon ni mama
"Bakit Oo sinagot mo ,eh alam mo naman sa sarili mo na wala kang gusto sa kanya"sagot ni mama
"Kasi ma ,ambait nya tsaka ayaw ko syang masaktan ,magiging awkward yung pakikitungo namin sa isa't isa ,magkakailangan kami"sagot ko kay mama
"Alam mo anak nung sinagot mo syang Oo ,dun palang parang sinaktan mo na sya ,kasi parang pinapaasa mo lang sya sa wala ,parang papagudin mo lang sya tapos sa dulo wala rin naman syang mahihita sayo" Asar bat parang nakonsensya ako dun
"Diba ma ,natututunan naman kung pano mahalin ang isang tao?Baka matututunan ko syang mahalin"sabi ko kay mama
"Anak ,may pagkabuang ka rin eh noh?Sabi mo pareho mo silang kaibigan ,Kapag nandyan yung manliligaw mo andyan din yung bestfriend nya ,So pano mo sya matututunan mahalin kung umaaligid yung totoo mong mahal "Sabi ni mama ,Bat hindi ko yun naisip
BINABASA MO ANG
FanGay (boyxboy) COMPLETED
Roman d'amour[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story Cover made by @thisShin