Hallo! Sorry po sa mga nag-aantay ng update (Nagfe-feeling lungss) Dedeicated itiz kay @myenamor at @JayceeLMejica Labyoo too ^____^
Nicky's POV
Pagkatapos nung nangyaring yun ay agad pinalayas nila papa si kuya , at nalaman ko din na ampon lang pala si kuya , anak ng kumare ng mama ko ,anak daw sa pagkadalaga si kuya at iniwan sila nung tatay nyang kano ,kaya yung nanay nya nag-ibang bansa para "daw" mabuhay si kuya pero hindi na ulit nagpakita yung totoo nyang nanay ,at ako na lang ang hindi pa nakaka-alam sa buong pamilya
Oo ,siguro may galit pa rin ako kay kuya pero nung nalaman ko yan lahat ay mas nangibabaw ang awa ko sakanya, ewan ko kung san na nakatira si kuya ngayon ,ewan ko rin kung anong meron sakin at ako pa ang nagustuhan nya ,andaming babae sa mundo eh ,bat ako pa kaya?
Hindi ko kailangan mag-mukmok sa nangyari ,kailangan ipagpatuloy yung buhay ,just move on ,para bang wala nalang nangyari ,hindi ko na rin ito ipapaalam sa mga kaibigan ko ,sana nga hindi narinig ni russell yung away eh ,kapitbahay lang namin sya
papasok na ako ngayon ,hindi kami sabay ngayon ni russell dahil maaga akong umalis ng bahay ,gusto ko munang mag-isa ,gusto ko munang mag isip isip ,alam nyo na ,magulo pa rin ang utak ko
Nang makarating ako sa room ay wala pang tao ,kaya dun muna ako umupo banda sa may bintana para mahangin tsaka kinuha ko na rin yung headset ko para total package na yung page-emo ko
Maya-maya pa ay may narinig akong pumasok hindi kasi naka-full volume yung earphones ko kaya nakakrinig pa rin ako kahit papano
"Bat hindi ka sumabay sakin?" Nagulat ako ng malamang si russell pala yun ,naka busangot ang mukha ,kaya agad kong sinagot
"Uhmmm... kasi...ang tagal mo eh kaya nauna na ako"sagot ko naman, wala na akong maisip na dahilan eh
"Tss ganyan ka naman eh , ang aga-aga pa ,tignan mo nga tayo pa lang dalawa dito eh "sagot naman nya ng naka-nguso , Pacute naman to , sabagay cute naman sya
"Sorry na, mapapatawad mo pa ba ko?" sagot ko naman na may pagka-sarcastic ang tono
"Tch!" Hala sya nagtampo na ,yaan mo na nga
------------------------------------------------------------------------------------------
"Galit ka pa rin?" Math time na namin ,pero tinatamad akong makinig ,pero sya titig na titig sa teacher namin di man lang ako pinansin
"Bahala ka nga dyan malapit na nga kitang sagutin eh" sabi ko nang mahina pero napalingon sya buti na lang at lumipat sa harapan si vince at di nya maririnig hihiihihihi
"Anong sabi mo pakiulit?" Hahahah nakakatawa yung itsura nya FTW
ako naman ang di pumansin sa kanya ,bahala sya ganti ganti lang
"Pssst ,anong sabi mo paki-ulit?" sabi nya ulit pero di ko parin sya pinapansin nakatitig lang ako sa teacher namin sa math pero sa kanya nakatuon ang utak ko (ano daw? ewan)
"Sir may we go out?" sabi naman nya na ikanagulat ko ,tumango naman ang teacher namin at naghiyawan ang malisyoso naming mga kaklase si vince naman ay nakatitig lang samin
pagkalabas namin ay dumiretso kami sa likod ng building at tsaka sinandal nya ko sa pader at hinarang ang dalawa nyang kamay
"Ano ulit yung sabi mo?" sabi nya habang palipit ng palapit yung mukha nya sa mukha ko , amoy na amoy ko naman yung mabango nyang hininga , Me is Kilig Kilig hahaha
Tinaasan ko lang sya ng kilay pero di ko arin sinasagot
"Di mo talaga uulitin " halos magkadikit na yung mga mukha namin ,pero dahil gusto ko syang pahirapan umiling ako hahah
"Di mo talaga uulitin hahalikan na kita" sige sige i want -sabi ng malandi kong utak pero dahil ka-apo-apohan ako ni maria clara pakipot aketch kaya sinagot ko na ang tanong nya
"Sabi ko, mlapit na ako ma-ihi"pagsisinungaling ko Hahhahahah parusa nya yan sa hindi pagpansin sakin
"yun ba talaga? ayoko sa lahat yung sinungaling" Natakot naman na ko kasi nanlilisik na yung mata nya ,bwisit na toh
" oo na oo na sasabihin na nga eh eto na oh, Sabi ko malapit na kitang sagutin " bigla namang nagning ning ang mga mata nya
"Ngayon na ba yan ? tayo na ba?" sagot naman nya na parang buang
"Sana nakakintindi ka ng malapit noh?"sagot ko naman
"Mga kailan ba?"sabi nya
"Basta malapit na pero meron munang kondisyon"sabi ko hahah sure magtataka toh
"Ano sabihin mo na dali ,kahit ano pa yan " sagot nya naman
"Bago kita ,sagutin magkakaroon muna ako ng "Freedom Weeks" sabi ko naman ,kita ko naman sa mukha nya ang pagtataka
"Ano yun ?" sabi na eh
"Uhmm pano ko ba to i-eexplain , Ah basta kailangan bigyan mo muna ako ng 2 linggo bago kita sasagutin ,LALANDI muna ako sa iba kasi pag naging tayo na di na ako pwedeng lumandi tapos hindi ka din pwedengf lumapit sakin kunwari strangers muna tayo ,ano deal?" explain ko naman sakanya
"Eii? san mo naman yan natutunan? ako hindi walang "Freedom Weeks"? tanong naman nya
"Unag sagot sa iyong unang katanungan ,kay ate madilyn ko iyon natutunan pagnagkakaboyfriend sya ganun palagi nyang ginagawa , pangalawa isang malaking WALA ,ako lang pwede" sagot ko sakanya
"Ganun ang unfair mo naman" aba sumasagot pa -_-
"Bahala ka dyan kung gusto mong magkaroon ka rin ng "Freedom Weeks" sagutin mo sarili mo bahala ka dyan ayaw mo pala eh" sabi ko sakanya at akmang aalis na ko pero hinawakan nya uli yung braso ko ,alam ko namang gagawin nya yun papilit lang ako hahaha
"Sige na sige na, basta isa isa lang lalandiin mo huh ,tapos wag mo masyadong landiin madali akong magselos ,tapos 2 weeks lang huh tapos Landi landi lang walang Kiss ,Chansing basta walang touch touch " mahaba nya namang daldal
"Ano kaya yun ? pano ako lalandi nun?"sagot ko naman
"Basta ayoko sabi eh ,akin ka na ,sinagot mo na ako after 2 weeks nga lang yung official na" buang na siguro to ,parang wala ring effect yung freedom weeks ko
"Basta sinabi ko na sayo kung ano yung freedom weeks ayon yung gagawin natin ,okay? at magsisimula yun ngayon"
--------------------------------------------------------------------------------------
Hindi muna kami sabay na mag-break ni Russell ,si vince naman maraming ginagawa kaya ayun free ako
Tinititigan ko nun si Russell at nginingisian na parang inaasar ,at binelatan ko sya sabay takbo
Di ko napansin na may nabunggo pala akong babae
Awtomatiko ko namang pinulot ang mga nalaglag nyang gamit
"Salamat" sabi nya pagkatingin ko ,Napa-OMG ako
Mga bhe! Yung hinaharap nya nagmumura! ang laki
"O-okay lang"sabi ko nakaka-ilang kasi yung ano nya parang naghahamon,kaya sa mukha nya na lang ako tumingin
At infairness, maganda sya parang inosente pero ang laki talaga nung ano eh ,hahahah XD
"Bago ka dito ,parang ngayon lang kita nakita"sabi ko sakanya
"Ahhh oo ,kaka-transfer ko lang ,bale ngayon ang first day ko dito , at wala pa akong kaibigan ,pwede ba kitang maging kaibigan?" tanong naman nya kaya nabigla ako ,ganun ba makipag-kaibigan ? pero mukhang mabait naman sya ,sige go tayo dyan
"Tara sabay tayong mag-break wala din akong kasabay eh" sabay hila ko sa kanya para pumuntra sa canteem
BINABASA MO ANG
FanGay (boyxboy) COMPLETED
Romance[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story Cover made by @thisShin
