Nicky's Pov
"Teh ,pano ba matanggal tong mga black heads sa ilong?"Sabi ko kay ate Madilyn habang nakaharap sa salamin at kinakalikot tong ilong ko, Bwisit kasi tong mga black heads na to ,nasarapan sa pagtambay sa ilong ko
"Toothpaste"Sagot ni ate madilyn
"Huh ,anong gagawin ko dun sa toothpaste?"
"Ipahid mo dyan sa ilong mo malamang"Sagot nya habang nakahilata sa kama nya
"Ei ? Talaga ? Baka pag pinahid ko yung toothpaste sa ilong ko ,magkaroon ng ipin to?" tanong ko ulit
"Gaga you? ,sa lahat ng sinabi mo yan ang pinaka-walang kwenta, Teka nga bat parang na-concious ka dyan sa mukha mong wala namang kaganda-ganda?"Pang-aasar naman nitong ate kong bruha ,Teka bat nga ba ako na-concious sa mga blackheads na to ,dati naman di ko to pinapansin
"Wow!Coming from you talaga huh ,kamusta naman dyan sa mukha mo ,nung nag-paulan ng kagandahan ang himbing ng tulog mo!" Hindi ko pa sinasagot yung tanong nya ,wala akong ma-isip na sagot -,-
"Nye~nye~ nye ,eh di ikaw na maganda ,Ano nga bat pinapansin mo yang mga itim sa ilong mo?"Tanong nya ulit
"Ay ,ate na-kwento ko na ba sayo na kaklase ko si Russell?" tanong ko sa kanya ,simula kasi nung makita ko si Russell sa court di na ako uli nakapag-kwento sa kanya
"Owws?" Tss bat parang ang hirap paniwalain ng mga tao ngayon
"Tapos kapit-bahay lang natin sya ,as in katabi lang ng bahay natin!"sabi ko ulit sakanya
"Alam ko ,nakita ko kaya sya kanina ,kinindatan pa nga ako eh"sabi nya
"Eh?Totoo nga ,alalahanin mo teh, AKIN LANG ANG ASAWA KO!"Hahaha
"WALANG SAYO MONICA ,AKIN LANG SI ADRIAN !"Hahaha Nahawa na kami sa the legal wife
"Bwahahahahaha..Pakyu ka teh, Si Nicky ako tsaka si russell yung asawa ko"Sabi ko kay ate habang tawa parin kami ng tawa ,mga abno talaga kami eh noh?
"Pakyu ka din kala mo naman aagawin ko yung russell mo noh ,Meron ng naka-reserve dito sa puso ko noh"Sagot naman nya
"Mabuti naman at nagkakalinawan tayo"Sabi ko sa kanya
"Pero nakita ko talaga sya ,Pero di nya ako kinindatan ,hindi nga nya ata ako nakita eh"Sabi nya
"Haist ..akala ko natalbugan mo na yung ganda ko eh"Pabiro kong sabi sa kanya
"Asan ang Gandang sinasabi mo ,Pakibigyan mo nga ako ng mapa,at pakituro kung saan"Pang-aasar naman nya
"Pakyu!"
"Oy !Bunganga mo"
"Sarrey"
"Teka lang huh ,sabi mo nung nasa manila pa tayo crush mo lang sya ,Nag-improve ba kahit konti nung makita mo sya" Ano bang isasagot ko ,teka, isip isip isip
"Hindi ko na lang sya crush noh ,diba nga asawa ko na sya ,kulit"pabiro kong sagot
"Seryoso -,-"Sabi nya
"Uhmmm... Pag sinabi kong inlove ako sa kanya anong gagawin mo ?"tanong ko naman sa kanya ,Bakit hindi ako ma-iinlove kay Russell? ilan taon ko na syang pinagpapantasyahan tapos hindi pa sya snob
"Uhmm.. Eh di hahayaan kita ,mainlove sa kanya ,hanggang sa ma-realize mo na di kayo pwede at iiyak ka ng iiyak at maglalabas ka ng sama ng loob sa akin,ganun lang,I can see the Future!"Sabi nya sakin with matching hand gestures ,Bat ba ang nega nito, sa buong pamilya namin si ate Mads lang ang may alam sa mga kalandian ko sa buhay
BINABASA MO ANG
FanGay (boyxboy) COMPLETED
Romance[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story Cover made by @thisShin
