A.N.-Hello po ,noon ko pa gustong magsulat ng boyxboy love story ,ewan ko lang kung may magbabasa hihihihi
BTW ,Sorry sa mga typos kung meron man, pero alam ko marami, kasi sa Cp lang ako nag-uupdate kung saan mahirap magtype
Nicky's Pov
"Oh anak, mukhang nangangalumata ka? Hindi ka ba natulog?"si mama pagkapasok sa kwarto ko, excited much kasi ako eh
"Oo ma ,sabi mo kasi madaling araw tayo aalis eh kaya nagmovie marathon na lang ako"sagot ko naman
"O,siya maligo at mag-almusal ka na at aalis na tayo " si mama yess!!! excited na mehh
" Sige Ma,"sagot ko na lang kay mama
Pagkatapos ay kumuha ako ng damit na kagabi pa nakahanda, at dumiretso sa C.r. ,pagkatingin ko sa salamin para magsipilyo ay nagulat ako,ang laki ng eyebags ko sh!t na malagkit
Pero okay lang sa byahe na lang ako matutulog ,para maganda ako pagdating sa bagong bahay namin
Pagkatapos maligo ay dumiretso ako sa kusina kung nasaan silang lahat at kumain na pandesal at nagtimpla ng kape para mahimasmasan
Maya-maya pa ay dumating na yung jeep na inarkila nila mama para dun ilagay ang gamit namin at kami naman ay sa kotse, yah may kotse kami ,diba nga sabi ko sa inyo sakto lang ang pamumuhay ;) kaming tatlo ay sa backseat at ang mag dadrive ay si mama ,yes si mama ang nagdadrive, hindi marunong magdrive si papa kahit motor , kalalaling tao tss
Habang nasa kotse ay binuksan ni papa ang Radyo ,ang ganda talaga ng mga tugtog sa radyo tuwing madaling araw nakaka-senti ,ang sarap gumawa ng music video Hanudawww??!
Habang bumabyahe ay sinabayan ni mama ang kanta sa radyo,ang ganda talaga ng boses ni mama nakaka-antok ang lakas maka-jigglypuff
Habang nasa byahe ay di ko namalayang naka-idlip ako
"Oy gising na bunso!" si kuya habang marahang niyuyugyog ang aking balikat
Kinusot kusot ko muna ang mata ko bago tuluyang dumilat
Pagkadilat ko ay nakita ko ang bahay namin ,maayos naman hanggang second floor at townhouse ituu kaya magkakamukha ang bahay ,pagbaba ko ay nakito ko sila papa at yung driver na nag-bababa ng mga gamit namin ,napansin ko lang na wala kaming dalang mga furnitures pati yung kama ko ,matanong nga kay mama
"Mama bat wala tayong dalang mga furnitures galing sa bahay?"tanong ko sa kanya
"bumili na kami ni papa mo nung isang linggo pa ng mga bagong furnitures ,hassle kasi kung dadalhin pa natin yung mga luma kaya yung mga appliances na lang ang mga dinala"sagot naman ni mama ,mukhang maraming pera to sila mama ah ,si papa ay isang freelance architect ay si mama ay may mga pautang na sinisingil nya weekly ,mukhang maunlad na kabuhayan ituuuu hahahahahaha
Hindi muna kami pumasok ng bahay dahil hindi pa tapos maglipat ng gamit kaya pinagmasdan ko muna ang paligid ,gaya nga ng sabi ko kanina magkakamukha ang mga bahay ,magaganda at may court pa malapit sa bahay namin ,
Suminghap ako ng sariwang hangin , dahil alas 6 palang wala pang masyadong sasakyan na dumadaan ,ang sarap titigan ng araw habang papalitaw ito
"Pwede na kayong pumasok ,tapos ng ilipat ang gamit, baka gusto nyo namang tumulong sa pag-aayos para hindi masyadong nakakahiya"sabi ni papa na nagpabalik sa akin sa realidad
Pumasok na sila mama ,ate at kuya sa bahay pero ako ay nagpahuli para may suspense thingy hihihihi
Papasok na ako
tan.
tan.
tan.
Well maganda ang bahay tamang tama lang para sa aming lima yung tipong magkakakitaan pa kami ,ang ganda din ng mga bagong furnitures , may limang kwarto, as usual tag iisa kaming magkakapatid at kila mama yung masters bedroom at yung isa naman ay gagawing guest room
,oh diba ang yaman pakinggan ng guest room hihihihi
Bago ako tuluyan tumulong ,Ay nagselfie muna ako ,hihihihi at dali daling pinost sa fb at nilagyan ng caption na 'hello new house :)'
,thanks to free fb globe ;)
Di ko na hinintay kung may magcocomment at tumulong na lang muna ako sa pag-aayos ,syempre inuna ko yung magiging kwarto ko hihihihi,ang cute tamang tama lang yung laki ,At kulay violet at andun na din yunf mga bagong gamit ko ,This Room is Heart Heart <3 <3
itutuloy
Si Russell yung nasa media --->
BINABASA MO ANG
FanGay (boyxboy) COMPLETED
Romance[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story Cover made by @thisShin
