Nicky's Pov
Andito na kami ngayon ni Russell sa isang restaurant ,hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Vince, hanggang ngayon nakokonsensya pa rin ako dahil sa pag-alis namin ng walang paalam
Hinihintay lang namin ni russell yung mga inorder namin ,nya lang pala sya lang nag-order, tinitignan-tignan ko ang paligid nag babakasakaling makita ko si Vince
"Ayos ka lang ba? Ako kasama mo pero parang iba iniisip mo"sabi ni russell na mukhang malungkot ang mukha ,Hindi naman sa ayaw kong kasama to' actually ang saya saya ko nga eh ,biruin mo ba naman ayain ka ng date DAW ng crush mo ,eh di halos maihi ka na nun' sa kilig ,Pero hindi din naman ganun kasama ang ugali ko para iwanan ang isang tao na nanliligaw pa sakin ,Parang sobrang nakaka-guilty naman yun
"Uhmmm... ano.. Wala ,wag mo na lang akong pansinin kain na lang tayo"sagot ko kay russell ,sakto naman dumating yung mga pagkain
"Sige sabi mo eh ,basta sana ngayon ako muna ang isipin mo ,Please "Sabi nya sakin at hinawakan ang kamay ko kukunin ko pa lang kasi sana yung kutsara sa gilid pero pinatong nya yung isa nyang kamay
"Uhmmm....Russell?"sabi ko sa kanya ,parang na a-awkwardan ako sa sitwasyon namin ,parang ang romantic masyado
"Hindi ko alam pero bigla ko na lang naramdaman to sayo Nicky ,Hindi pa nangyayari sakin to ,Sayo ko lang to naramdaman kaya sana wag mo akong tanggi--"Sabi ni russell ng nakahawak sa kamay ko at nakatingin sa mata ko ,Naputol ang kanyang pagsasalita dahil may biglang nagsalita
"RUSSELL CRUZ PAPICTURE!!"Sabi na eh ,mga fangirls nya ,mga bastos nagmomoment kami ni Russell mah loves eh!
"Kuya pwede pakikuhaan naman po kami"Sabi sakin nung isang babae ,dalawa kasi sila
Pag ako di nakapagpigil kukuhaan ko talaga kayo ,kukuhaan ko kayo ng buhay
"Ah sige sige"Tumango na lang ako at nginitian sila ng plastic
Hindi ko nabilang kung ilang shots ang nakuha ,pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh,tumigil na lang sila nung napuno na yung memory card ng Camera nila ,halos magasgas ngayong hintuturo ko kaka-click eh ,may pakiss-kiss pa nga bago umalis ,Nagtooth brush kaya sila, pasalamat sila may taglay akong kabaitan,
"Sorry huh ,ginawa ka pa tuloy cameraman nung dalawang yun ,sorry talaga,kain na tayo"Sabi ni Russell pagkatapos ng Photoshoot nila nung dalawang babae ,malamig na yung pagkain kaya tinitigan ko kung kakainan ko pa ba
"May problema ba?"sabi ni Russell bago sumubo ,at nung natikman nya nalaman nya ang problema
"Ay malamig na pala ,order na lang tayo ulit, sorry talaga"Sabi ni russell nung matikman nyang malamig na ang pagkain
"Ay wag na ,okay na to' ,maraming taong nagugutom tapos itatapon lang natin to ,Okay na to ,kainin na natin" Sabi ko ,bago sya tumawag ng waiter ,sayang naman yung pagkain noh ,kung itatapon yun ,sabihin na nating malamig pero di naman nabawasan yung lasa nun
"Ibang klase ka talaga"sabi ni russell pero di ko masyadong narinig
"Huh?"tanong ko sa kanya habang may lamang pasta yung bibig ko
"Wala sabi ko kumain na tayo"sabi nya sabay punas ng tissue sa gilid ng labi ko ,may dumungaw palang pasta ,nekekeheye pere nekekekeleg
"Asan pala parents mo Russell hindi ko sila nakikita kahit nung pumunta tayo sa bahay nyo para gumawa ng project"sabi ko sakanya para hindi puro titigan ang ginagawa namin ,tsaka ngayon sinigurado kong wala ng laman ang bibig ko
"Ah sila ba? May business trip ata eh ,Madalas talaga yung wala sa bahay mga once every three months"Sagot nya ,Mukhang hindi pa sya sigurado ah
"Ah ganun ba "Sagot ko sa kanya ,at tinuloy na lang namin ang pagku-kwentuhan about sa Family ,nakwento kong anim kaming magkakapatid ,pero yung tatlo sumakabilang bahay na ,At kung ano ano pa
BINABASA MO ANG
FanGay (boyxboy) COMPLETED
Romance[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story Cover made by @thisShin
