Chapter 2

169 4 1
                                    

Chapter 2 

Perfect one hundred

Hindi naman naging mahaba ang byahe patungo sa dorm ng Seventeen, pero medyo hindi na namin gaanong maaninag ni Kuya'ng Driver yung van nila kanina kaya tinext na lang ni Michael yung address na agad ko naman hinanap gamit ang GPS ng phone ko. Eto kami ngayon at ligtas na naka-punta sa dorm nila. 

Lumabas na ako ng sasakyan at nagpasalamat sa driver na agad na ding umalis. Ngayon naman ay nasa harap na ako ng gate ng dorm nila magdo-doorbell na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko namang tiningnan ang phone ko kung sino ang nag-text. 

From: Manager Michael

Pasok ka na lang sa loob. :)

Agad ko namang sinunod ang utos ni Michael. Walang kiber-kiber ay pumasok na ako at agad na sinara ng maayos ang gate. Agad naman akong napatingin sa kanuuan ng dorm na 'to. Hanggang second floor lang ang dorm pero ang lawak naman, tamang-tama lang ang sukat para sa isang malaking grupo. Doon ko lang din napansin na nakapatay ang lahat ng ilaw sa dorm na yun. Nasa loob na kaya sila?

Nagkibit-balikat na lang ako at dumiretso na sa pintuan, walang pagdadalawang-isip na binuksan ko ang pintuan. Agad akong nagulat sa pagbukas ng ilaw at kasabay nun ay ang mahihinang pagputok na naglabas ng confetti. 

"Welcome!" Sigaw nilang lahat sabay palakpakan. Nakita ko si Dino at The8 na may hawak nung paputok na may confetti at si Hoshi na nakita ko malapit sa switch ng ilaw. Nakita ko naman si S. Coups na may hawak ng isang maliit na cake. 

Ngiti ang sumilay sa aking labi dahil sa nakita ko. Kanina lang ay medyo hindi pa ako welcome at si Dino, The8 at Hoshi lang ang madalas kumausap sa akin tapos yung iba naman ay tumutungo lang at ngumingiti sa akin. Napatingin naman ako sa sofa at agad napawi ang ngiti ko sa aking labi dahil nandoon si Wonwoo, Mingyu at Jun na naka-dekwatro lang at naka-crossed arms pa. 

"Welcome to the family Manager Seilah!" Sabi ni Jeonghan na sobrang ganda at niyakap pa ko. Sumunod namang yumakap sa akin ay si Dino at The8. 

Doon ko lang na-isip na dapat ay hayaan ko muna yung tatlo, for sure naman ay makakasundo ko sila kapag nagtagal. Nag-aadjust pa siguro sila sa akin. Mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang iba nilang mga ka-miyembro na tanggap na agad ako. 

"Okay guys. Magpakilala na tayo sa bago nating manager." Sigaw ni S. Coups agad naman tumakbo sila The8 at Dino na nasa tabi ko at yung tatlong bibe naman ay tumayo na din. 

Oo simula ngayon tatlong bibe na ang tawag ko sa kanila, kay Jun, Mingyu at Wonwoo. Hmp. 

"Hana, dul, set! Say the name! Seventeen! Annyeonghaseyo we are Seventeen!" Sabay sabay nilang sabi with matching hand gestures pa. Napahagikgik ako at sinabayan ko pa ito ng palakpak. Ang cute nila. 

"Tapos na ba? Pwede na ba akong umakyat sa taas?" Sabi ni Wonwoo sabay tingin sa akin. Agad naman kumalabog ang puso ko sa sandaling yun. What the? 

"Wonwoo, magbigay ka naman ng konting respeto sa bago nating manager. Pwede ka namang umupo sa sofa na lang at makinig e." Sabi naman ni Joshua. Narinig ko ang kanyang pagtikhim at bumalik ulit sa sofa katabi pa yung dalawang bibe. 

Sakit nila sa bangs. 

"Tara kainan na!" Sigaw naman ni Seungkwan at tumakbo papuntang kusina. Katabi ko pa din si Dino at The8 at kinukulit ako ng kinukulit. Pagpunta namin sa kusina ay agad silang nagkainan. Sumunod naman yung tatlong bibe at tahimik na kumakain. Ako naman ay tahimik lang din silang pinapanood, katulad ng sabi ko kay Manager Michael I'm here for observation. 

[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon