Chapter 3

190 2 1
                                        

Note: Korean - Italic (Tapos yung mga normal font is English or Filipino. Thank you.)

Chapter 3 

Sexy

"Bye noona! Kita na lang tayo sa Entertainment bukas! Maagang gigising ha? Maaga tayong lalakad bukas!" Maligalig na sabi ni Hoshi at sila-sila pa nila Dino at The8 ang nagsisiksikan sa pinto para makapagpaalam. 

"Oo ba! Kita na lang tayo bukas." Sabi ko habang kumakaway palabas ng gate. Kasama ko ngayon si Michael oppa kasi ihahatid niya ako sa apartment na kinuha nila para sa akin. 

Konting lakad lang ang ginawa namin at nakarating na kami sa apartment na sinasabi niya. Oo nga't walking distance lang talaga sa dorm. Pwede ko silang takbuhin kapag may magnanakaw na pumasok sa loob ng apartment na 'to. 

"Seilah nandyan na din yung mga gamit mo. Pinadala ata ni Mr. Kim." Sabi ni Michael Oppa. 

"Salamat Oppa a? Sige kita na lang tayo bukas." Masaya kong sabi sa kanya. 

"Naku wala yun. Saka nga pala, mukhang nagugustuhan ka na ng ibang members ng Seventeen a?" Ani ni Michael na may nakakalokong tono ng boses. Parang nang-aasar na ewan. 

"Oo nga e buti yung tatlong bibe na lang yung hindi ko kasundo." Sabi ko naman. 

"Huh? Tatlong bibe?" Naguguluhang tanong niya. 

"Wala wala. Sige oppa alis ka na gabi na din o." Sabi ko at tumango na lang siya bilang tugon at nagsimula nang maglakad paalis. 

Agad naman na akong pumasok sa loob at agad na binuhay ang ilaw. Maganda naman ang apartment at kompleto na ka-agad sa gamit. Halatang hindi ang agency ang nag-provide nito kundi ang ama ko. Napabuntong hininga na lang ako. Wala na pala akong gagawing pag-aayos ng mga gamit. 

Pumasok na lang ako sa kwarto na nandoon at tiningnan ang closet kung nandoon ang mga gamit ko. Agad naman ako kumuha ng bihisan at dumeretso sa bathroom. 

Nag-abala pa talaga si Papa para sa bathtub a? Agad ko nang pinunuan ng tubig ang bathtub, habang nag-aantay ay agad naman akong tumipa ng mensahe para kay Papa. Ilang sandali lamang ay napuno na ito kaya nilagyan ko ng iilang petals ng roses at agad nang lumusong. Niligay ko na muna sa gilid ko ang phone ko at hiniga ng maayos ang katawan ko sa bathtub. 

Pinikit ko ang aking mga mata, agad namang gumana ang aking photographic memory  at rumagasa ang mga alala ko. 

Hindi pa din ako gumagalaw sa  kinatatayuan ko dahil ramdam ko pa din si Wonwoo sa likuran ko. Malalim ang mga hiningang kanyang pinapakawalan na tumatama sa bandang batok ko. Nakakapanaas balahibo and at the same time nakakakiliti.  

"Why so quiet Manager?" Tanong na nito pabalik sa korean. Hindi pa din ako nagre-response sa mga sinasabi niya. Gulat at kaba ang namamayani sa buong sistema ko, halo-halo na din at hindi maayos ang naiisip ng utak ko. 

"Wonwoo! Hanap ka ni Manager hyung!" Rinig kong sigaw ni Woozi galing sa sala. Nakakarinig ako ng mga yabag ng paa patungo sa kusina. Agad naman akong nakaramdam ng kaba sa mga sandaling yun. Paano na lang kung makita nila kami sa ganung pwesto? Ano na lang iisipin nila?  Narinig ko ang pagtikhim ni Wonwoo at agad na umalis sa kusina. 

[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon