Chapter 11

166 6 2
                                    

Note: Korean - Italic (Tapos yung mga normal font is Tagalog or English na. Salamat.)

Chapter 11 

Hulog 

"Wala na ang only rose between the twelve thorns ng Seventeen." Puna ni Defconn kay Jeonghan na may maikling buhok. 

"Ne, para 'to sa comeback namin ngayon." Reply naman ni Jeonghan sabay hawi sa buhok niya. 

"Syempre naman 'no kailangan ng bagong look kapag nagka-comeback ka." Ani naman ni Hyeong Don habang kausap si Defconn. 

"Kamusta naman ang Seventeen ngayon? S. coups?" Tanong naman na para kay S. coups. 

"Uhm, we give our best sa lahat ng bagay na ginagawa namin para maging proud sa amin ang mga Carats namin." Sabi ni S. coups kaya nagpalakpakan na naman sila. 

Tiningnan ko naman itong katabi ko kaya siniko ko siya. 

"Bakit?" Tanong ni Saturn habang naka-taas ang kilay. 

"Thank you. Laking tulong mo sa amin." Sabi ko sabay angkla ng braso ko sa braso niya. Agad naman siyang nagpumiglas sa hawak ko kaya napahagikgik na lang ako.

"Kadiri ka kamo." Sabi niya habang pinapagpagan ang braso niya na hinawakan ko. Hinampas ko siya dahil sa ka-artehan niyang pinapa-iral. 

"Well dahil may bago silang kanta dapat nang sumalang ang Seventeen sa...." Pabitin na sabi ni Hyeong Don. 

"Random Play Dance!" Sigaw nilang dalawang host with matching hand gestures pa. 

"So alam niyo naman na ang mechanics ng Random Play diba? Kapag nagawa niyo ng isang try lang, pwede kayong humingi ng kahit ano." Paliwanag ni Defconn. 

"Ikaw Seungkwan, anong gusto mo ngayon. Appliances, pagkain, anything." Sabat naman ni Hyeong Don. 

Napa-isip naman ako kung ano ang hihingin si Seungkwan.

Pero dahil siya si Seungkwan naisip ko na ang hihingin niya ito yun ay...

"Chicken!" Sigaw niya kaya nagkagulo din ang ibang members. Pinagtalunan pa nila kung anong klase ng luto ang gusto nilang piliin. 

"Fried! Fried! Fried!" Sigaw ni Vernon at Hoshi sa mga ka members nila na gusto ng seasoned. 

"Seasoned! Seasoned! Seasoned!" Sigaw naman nila Wonwoo at Jun. 

Kaya ngayon hati na ang grupo nila. 

Napa-face palm na lang ako sa ginagawa nila. Hanggang dito ba naman pagkain pa din?

Baka chicken din ang maging dahilan kung bakit sila mag-aaway-away.  

"Okay fried na lang daw." Sabi ni Woozi. Talo ang #TeamSeasonedChicken at talagang namayani ang #TeamFriedChicken with Hoshi and Vernon as there leader. 

[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon