Chapter 10

139 4 1
                                        

Note: Korean - Italic (Yung mga normal fonts is Filipino and English na. Thank you, enjoy reading.)

Chapter 10

Leave

Dumilat nang kusa ang mga mata ko dahil sa mga ingay na galing sa sala. Agad naman akong napabalikwas ng tayo nung marinig ko iyon. 

Kahit wala pang ayos sa sarili ay bumangon na agad ako at lumabas ng kwarto ko. 

"OMG! Good morning couz!" Bati sa akin nito habang naka-pink floral apron pa at may sandok pang hawak. House wife na house wife lang ang peg.

"O gising ka na pala Sei?" Tanong naman nung isa na nakahiga sa sofa habang nakatutok ang buong atensyon sa phone niya. 

"Baby!" Eto na naman siya at naka-lingkis sa akin. 

"Kuya ano ba!" Na-iimbyerna kong sabi. Nakita ko naman siyang nag-pout sa akin kaya lumapit na lang ako kay Saturn na nasa kusina. 

"Girl! Bakit hindi ka pa naka-bihis? Like duh dapat lagi kang presentable!" Maarte niyang sabi sa akin habang maarte niya din akong dinuduro. 

"Hoy Saturn! Tantanan mo nga yang kabaklaan mo sa katawan!" Sabi naman ni Kuya Drake na naka-tayo na sa harapan ng naka-taas ang kilay na si Saturn. 

Go beks! Keri mo yan. 

"Hoy! Drake umayos ka baka hindi kita matancha!" Pagbabanta naman nito sa kasagutan niya. Nagsalin naman ako ng inuming tubig sa baso at ininom ito habang pinapanood itong dalawa.

"Bakit anong gagawin mo sa akin?" Maangas pa ding sagot ni Kuya Drake. Natatawa talaga ako sa dalawang 'to laging nagtatalo.

"Hoy! Kahit pinsan kita bet kita 'no! Reypin kita dyan makita mo!" Bigla naman akong nasamid sa sinabi ni Saturn kay Kuya Drake na ngayon e nandidiring parang ewan. 

Bigla namang may lumipad na throw pillow na sumakto sa mukha ni Saturn. 

"Kadiri ka talaga! Pinsan ba kita ha?" Over naman na sabi ni Kuya Caleb. 

Tama, nandito lang naman ang Kuya Caleb at ang dalawa kong pinsan sa pamamahay ko dito sa Korea. Sila din ang dahilan kung bakit lahat ng ilaw sa bahay ay bukas at bakit ang gulo-gulo ng bahay ko kagabi.

"Bilsan mo na ngang magluto! Nagugutom na ko!" Ani ni Kuya Drake.

Alexander Drake Kim, isa sa mga pinsan ko sa father side. Isa din sa mga youngest bachelor in Asia kasama si Kuya Caleb.

Kilala sila sa mga naggagandahan nilang mga eight stars hotel nila sa buong mundo. May business din sila dito sa Korea at hindi ko alam na bilang panganay nila Tito Ricardo at Tita Angelica ay dito siya naka-base. 

"Ikaw kaya magluto 'no Mr. Hottest Bachelor in Asia! Wait lang patapos na, pakain ko sayo tong kawali e." Sagot naman ni Saturn kay Kuya Drake.

 Saturn Coronel Kim, pinsan ko din sa father side. Well he is a gay and tanggap naman siya ng buong angkan namin. Pinaka-close ko sa aming magpipinsan bukod sa mga babae kong pinsan.

Isa sa mga kinikilala din sa mundo ng fashion at even sa agricultural things. Talent niya talaga ang paggawa ng mga damit kaya sinuportahan siya ni Tita Coronella at Tito Samuel sa pag-oopen niya ng clothing store worldwide. Hilig na lang niya ang pagko-culture ng mga halaman lalo na ng iba't-ibang kulay ng mga roses. 

"Baby! May trabaho ka ngayon?" Usisa naman sa akin ni Kuya Caleb. Umiling na lang ako sa kanya at tumayo na para tulungan si Saturn sa ginagawa niya. 

"Matapos mo kong piliting mag-leave ng tatlong araw ora-orada tatanungin mo ko kung may pasok ako, sabog ka ba?" Tanong ko sa kanya na kinatawa naman ni Saturn na nagse-set-up ng lamesa. 

[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon