Chapter 12
Iyak
Sinapo ko kaagad ang noo ni Vernon upang tingnan kung bumaba na ba ang lagnat niya. Kinuha ko naman ang thermometer na nasa kili-kili niya at agad na tiningnan ang temperatura niya.
"38 degrees." Napa-iling-iling naman ako sa nakuha kong numero.
"Noona?" Tawag ni Minghao sa labas ng kwarto ng Hip-hop unit. Nang hindi ako sumagot at siya na ang nagpapasok sa sarili niya na may hawak na basin na sa tingin ko ay may lamang tubig.
Kahit gusto kong ma-cute-tan sa suot na pajamas ni Minghao ay hindi ko magawa dahil sa sitwasyon namin ngayon.
Nilapag niya naman iyon sa gilid ko at piniga na yung towel.
"Eto na noona o." Sabi naman ni The8 at binigay na sa akin ang towel.
"Salamat. Pasabi sa iba na matulog na ulit. Anong oras pa lang o." Sabi ko sabay nguso sa wall clock na sinisigaw na ala-una pa lang ng madaling araw.
"Sige noona, sasabihin ko na lang sa kanila." Reply niya sa akin habang humihikab pa. Tumango naman ako at tuluyan na nga siyang umalis sa kwarto ng Hip-hop Unit.
Pinunasan ko naman ng basang towel ang noo ni Vernoo--- este Vernon.
"Noona." Rinig ko namang sabi ni Vernon kaya agad ko s'yang dinaluhan.
"O bakit? Nagugutom ka? Nilalamig ka?" Agaran kong tanong. Napansin ko naman ang pag-iling niya kaya agad akong napa-kunot ng noo.
"Balik ka na lang sa pagtulog mo, ako ng bahala sa---" Hindi na niya napagpatuloy ang sasabihin niya dahil sa malalakas na ubo na ginawa niya.
Napa-iling na lang ako sa sitwasyon ni Vernon. Mukhang malala talaga ang sakit niya.
"Magpahinga ka na lang diyan okay." Ani ko at agad na inayos ang tatlong patong ng makakapal na kumot na naka-pulupot sa kanya. Nakikita ko naman ang patuloy niyang panginginig, halatang nilalamig talaga siya.
"Paano yung---" Sabi niya na naputol na naman ng pag-ubo niya.
"Yung performance namin mamaya. Malulungkot ang mga Carats kung hindi kami kumpletong magpe-perform." Kahit may sakit ay nag-aalala pa din siya sa magiging performance ng grupo.
"H'wag kang mag-alala pagagalingin kita kaagad." Ani ko at pinunasan naman ang braso niya. Kahit sinabi niyang nilalamig siya ay talagang ipinilit ko na kailangan niyang mag-punas para lumabas yung init na galing sa katawan niya.
"Punasan mo muna yang katawan mo. Labas lang muna ako." Agad kong sabi at tumayo at kinuha ang basin. Nagmadali akong lumabas ng kwarto ng maramdaman kong naghuhubad na siya ng suot niyang t-shirt.
"Magpalit ka na ng damit mo ha! Mag-pajama ka din!" Sigaw ko sa labas ng kwarto nila at bumaba na papuntang kusina.
Pagkarating ko doon ay agad na sumalubong sa akin ang tatlong Hip-hop unit members. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako napansin man lang na dumating.
"Diba sabi ko matulog na kayo?" Gulat ang mga mukha nila nung nag-salita ako. Nakahawak pa si Mingyu at S. coups sa dibdib nila habang si Wonwoo ay bumagsak sa kinauupuan niya.
"Seilah! Bakit ka ba nang gugulat!" Medyo gulat at takot na sabi ni S. coups.
"Hindi ako nang gulat a. Masyado lang kayong magugulatin." Depensa ko at tumungo sa freezer nila at kumuha ng mga ice cubes na inilagay ko naman agad sa basin na hawak ko.
BINABASA MO ANG
[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire
FanficI am Seilah Kim, a billionaire's daughter and I'm Seventeen's new manager. Updates Schedule: Once or Twice a week, it depends on my schedule on our school. (Mostly Wednesday and Saturday)