Note: Korean - Italic (The rest is English at Filipino na.)
Simula
"Welcome to South Korea, Miss Kim." Salubong sa akin ng isang lalaki na may bitbit na banner na may nakalagay na "Kim Sei Lah from Philippines! Welcome to South Korea!"
Agad namang kinuha ng isa pang lalaki yung maletang dala - dala ko.
"Thank you." Tugon ko sa isa at agad akong lumingon sa lalaking may dalang banner dahil mukhang may sasabihin ata.
"We're going straight ahead to Pledis Entertainment. Our CEO wants to meet you already." Agad naman akong napa-irap sa narinig kong balita. Like seriously? Kakarating ko lang kaya, hindi man lang nila ako dadalhin sa tutuluyan kong hotel or kahit condo?
Sumakay na ko sa ihinanda nilang sasakyan para sa akin at agad na nila 'tong pinaandar.
Napatingin naman ako sa bintana dahil unti - unti nang lumulubog ang araw.
It's been two years. Ang laki na din ng naging pagbabago ng bansang 'to. Bansang dati ko na ring nilisan at ngayon heto ako, nandito na naman.
Hindi naman naging matagal ang aming byahe at nakarating na kami agad sa lugar na 'yon.
"Pledis Entertainment." Utas ko sa aking sarili. Actually ngayon pa lang ako tutungtong sa Entertainment na 'to. Medyo kinakabahan din ako at medyo pinagpapawisan na din ang kamay ko.
Agad naming pinasok ang kasag-sagan ng building na yun at agad na sumakay sa isang bakanteng elevator. Agad ding nagpipipindot yung men in black kong kasama at namayani na ang katahimikan namin sa loob ng elevator.
Agad kong tiningnan ang phone ko dahil bigla itong tumunog, hudyat na may text message na bagong dating.
From: Papa
Where are you?
Agad ko namang tinipa ang phone ko upang agad na mag-reply.
To: Papa
Nandito na ko. Nasa elevator.
Tumunog na parang bell ang elevator, hudyat na nandito na kami sa destinasyon naming floor. Naglakad naman ng mabilis ang mga men in black na kasama ko at agad na pumasok sa isang malaking kwarto. Bago ko binuksan ang pintuan ay napa-hinga ako ng malalim at agad na pumasok sa loob ng kwarto.
Kaya mo 'to Seilah! Aja!
Agad kong nakita ang isang mahabang presidential table at nandoon si Papa at agad na tumayo at lumapit sa akin.
Agad naman akong napayakap sa kanya na tunugunan niya din ng isang mahigpit na yakap.
"I'm glad your safe. Welcome to Korea sweetie." Malambing na sabi ni Papa sa akin at kumalas na sa yakap. Nakita ko namang lumapit sa amin ang paniguradong CEO ng kompanyang ito.
"Hang Sung-soo. Pledis Entertainment's CEO." Naglahad siya ng kamay na agad ko namang tinanggap.
"Kim Sei Lah." Sabit ko sa aking pangalan nang may ngiti sa aking labi.
"Take a seat." Agad niyang sinabi na ginawa naman namin ni Papa.
"Sorry Mr. Kim but my English is too poor so can I speak in Korean instead?" Magalang na sabi niya kay Papa.
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Papa sa gilid. Agad naman siyang naka-bawi sa pagtawa at agad na ngumiti.
"Of course you can. 'Wag mong pahirapan ang sarili mo Mr. Hang. Speak in Korean, nakaka-intindi naman kami parehas ng anak ko ng lenggwahe n'yo." Sabi ni Papa at agad na nag-salita ng Korean.
BINABASA MO ANG
[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire
FanfictionI am Seilah Kim, a billionaire's daughter and I'm Seventeen's new manager. Updates Schedule: Once or Twice a week, it depends on my schedule on our school. (Mostly Wednesday and Saturday)