Chapter 5

159 3 3
                                    

Note: Korean - Italic (Tapos yung mga normal font is English or Filipino. Thank you.)

Chapter 5

Success

"Hahahahaha! Go Seungkwan!" Sabi namin habang ako ay ito at gumu-gulong dito kakatawa. Nandito kami ngayon sa living room at nag-decide na mag-laro ng truth or dare. Hindi na nga truth or dare ang nangyayari dahil puro dare lang ang ginagawa namin. Hindi naman kompleto ang Seventeen dahil nasa loob lang ng kwarto ng performance unit si Jun. Habang si Manager Michael ay lumabas muna at bumili ng lunch namin.

Hanggang ngayon tawang-tawa pa din ako sa ginawa ni Seungkwan. Siya kasi natapatan ng bote kanina at ang dare sa kanya ni Joshua ay sayawin niya yung Like Ohh Ahh ng Twice. Game na game naman siya kanina habang sumasayaw at sinasabayan pa ng pagkanta, talagang bigay todo.

Agad namang pina-ikot ni Hoshi ang bote na agad naman tumapat kay Woozi. Nagpalakpakan kami at nagtawanan habang nakikita naming pinagsusuntok ni Woozi si Hoshi.

"Pa-kantahin yan!"

"H'wag na yun sayaw na lang!"

"Aegyo!" Parang bata kong sabi at pakiramdam ko e kumikislap-kislap pa ang mga mata ko nung sinabi ko yun. Bigla naman silang natahimik kaya agad ko silang tiningnan. Ti-nilt ko yung ulo ko na para bang nagtatanong kung bakit. Nagulat na lang ako ng bigla silang mag-hiyawan at mag-kanchawan.

"Wa! Ang cute ni Manager!"

"May iku-cute ka pa pala Noona!"

"Isa pa ulit Manager!"

Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisgi ko. Shet nakakahiya naman yun.

"Na-inlove ata ako." Bigla naman akong napatingin sa dako ni Wonwoo na nagsabi nun habang nakapangalumbaba pa nung sinabi yun habang tinitingnan niya ko.

"Walang aagaw kay Noona!" Sabi ng pareho kong katabi na si Dino at The8 na agad akong niyakap. Agad ko namang ginulo ang buhok nung dalawa at agad na pinakalas ang pagkakayakap nila sa akin.

Tiningnan ko ulit si Wonwoo pero nakita ko na siyang nakikipag-kwentuhan kay Mingyu. Nagkibig-balikat na lang ako sa sinabi niya kanina. For sure naman na joke lang yun.

"Sige na Oppa! Isang aegyo naman dyan!" Pa-cute kong sabi at talagang tinawag ko pa siyang Oppa para mapilit siya. Kasi kahit cute at charismatic si Woozi e talaga namang sobrang manly niya at medyo naa-awkward-an siya kapag nage-aegyo siya.

Napa-irit na lang ako bigla nung nasa harapan ko na siya at doon siya mismo sa harap ko ng aegyo. Juice colored, yung puso ko ata nahulog.

"Ang daya! Ba't kay manager mo lang pinakita?" Sabi ni Hoshi kay Woozi habang bumabalik sa upuan niya. Nakita ko naman ang pamumula ng tenga niya at inambahan ulit si Hoshi ng suntok.

"E si manager naman ang nag-dare sa akin nun e. Bakit ba nakita n'yo din naman a? Kay manager lang ako tumapat." Sabi niya kay Hoshi at siya na ang nagpa-ikot nung bote na agad namang tumapat kay DK.

"Hampasin kita ng gitara yun yung dare ko sa'yo DK. Halika dito." Sabi ni Woozi kaya agad na nag-tago si DK sa likuran ko.

"Manager o! Si hyung nananakit!" Pagsusubong na parang bata ni DK. Humarap naman ako kay Woozi at tinaas ko ang kamay na parang magsa-suggest.

"Uhm, pwedeng iba na lang? Mukhang masakit yung dare mo e." Sabi ko kay Woozi. Agad namang nagpapapalakpak si Dino sa tabi ko.

"Alam ko na! Sulat mo na lang yung pangalan ni Manager Seilah gamit ang butt mo." Masayang sabi niya na sinang-ayunan ni The8 at Jeonghan.

[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon