Chapter 6

172 3 1
                                    

Note: Korean - Italic (Tapos yung mga normal font is English or Filipino. Thank you.) 

Chapter 6

Ngiti 

"Putangina." Sabi ko habang sinusuklay ang basa kong buhok. Hindi ako madalas magmura pero pwedeng isa pa? Putangina lang talaga.

Bakit ngayon pa nagka-traffic? Late na nga akong nagising, late pa dahil sa traffic. Packing tape lang talaga.

Biglang tumunog ang phone ko, hudyat na may tumatawag. Agad ko naman iyong kinuha habang nakatingin sa kalasada na puno ng sasakyang hindi umuusad.

"Hello?" Patanong na pambungad ko. Pinipilit kong pakalmahin ang beastmode ko na sistema.

"Hello Seilah saan ka na ba? Five minutes ka nang late. First day mo as the official manager ng Seventeen." Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa nangyayari sa araw na 'to.

"Sorry Michael oppa sobrang naipit ako dito sa traffic." Sabi ko at agad na pinaharurot yung sasakyan dahil medyo umunti at umarangkada na ang mga sasakyan. Muli akong humingi ng pasensya at agad na nagsabing papunta na, at doon natapos ang tawag.

Tiningnan ko ulit ang oras sa phone ko na sumisigaw na 7:10 na ng umaga. Pinapamukha ata ng phone na 'to na sampung minuto na kong late.

Isang malalim na pag-hinga ang ginawa ko. 

Pa-isa pa ulit. Putangina.

Agad akong minaniobra ang sasakyan ko at itinigil sa parking lot ng Pledis. Sa wakas! Nasa Pledis na din ako. Banzai!

Time check, 7:37. Talagang pinalipad ko ang sasakyan ko para lang hindi ma-late ng sobra. Nag-retouch ako ng kaunti at agad kong sinuot ang eyeglasses ko at tinali na din ang buhok ko.

News Flash: First day mo ngayon at late ka na nga, haggard ka pa!

Agad akong bumaba ng sasakyan at agad nalakad patungo sa main entrance ng Pledis Entertainment. Maraming fans at mga fansites ang nandoon pero hindi naman 'to naging hadlang para makapasok ng matiwasay sa loob ng agency.

Smile lang Manager Seilah! You can do it.

Lakad-takbo na ang ginagawa ko para mabilisan ang galaw ko. Agad akong sumakay ng elevator at doon ko nakita si S. Coups kasama si Woozi at Hoshi.

"Sa wakas nandito na si Manager!" Sabi ni S. Coups at umakbay naman sa akin. Medyo nag-init ang ulo ko kaya padarag kong hinawi yung kamay niya na kinagulat nilang tatlo.

Tumunog ang parang bell sa elevator, hudyat na nakarating na kami sa second floor. Na-una akong naglakad habang yung tatlo ay tahimik lang na sumusod sa akin. Agad kong binuksan yung pintuan na naka-pangalan sa SVT.

"O nandyan ka na pala Seilah." Bungad sa akin ni Michael oppa na tinanguhan ko na lang. Wala ako sa mood bumati ng "Magandang buhay!" sa kanilang lahat.

"Noona!" Yayakapin sana ako ni Dino pero umalis agad ako sa pwesto ko at tumabi sa harapan ng SVT kasama si Manager Michael.

Nakita ko ang mga gulat sa mga mata nila. Hindi siguro nila ine-expect ang gagawin ko kay Dino. Bigla na lang siyang napatingin sa sahig, halata ang pag-sama ng loob kaya inaya na lang siya nila DK na umupo muli pabalik sa sahig.

Hangga't maaari kasi ay ayokong nagkakaroon ng mga physical contact kapag ganitong bad trip o galit ako. Hindi ko kasi napipigilan ang sumigaw o suminghal kapag ganun. Mabilis akong mairita kumbaga. Baka lalo lang lumaki yung away o misunderstanding.

Nakita ko naman sila Jeonghan, Joshua at Seungkwan na nagbubulungan. Agad naman silang nagbawi ng tingin sa akin. 

Nakaka-guilty a? 

[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon