Chapter 13

154 5 3
                                    

Chapter 13 

Video call 

"Saan ba tayo pupunta manager? Ang layo ata ng binabyahe natin." Angal ni Joshua habang pinipilit kumuha ng chips na hawak naman ni Wonwoo.

"Chill lang kayo okay?" Sabi ko at bumaling ulit sa bintana para makita ang mga nagdadaanang sasakyan.

"Kanina pa tayo nasa byahe e! Ang sakit na ng pwetan ko." Medyo nagre-reklamong ani naman ni Jun at ihinilig ang ulo niya sa balikat ni Minghao na manghang-mangha naman sa kakatingin sa mga nadadaanan namin.

"Malapit na tayo promise!" Hinayaan ko na lang silang mag-reklamo at mag-ingay habang ako ay inabala ang sarili ko sa kaka-ayos ng schedule nila at sa mga pahabol na pinapagawa ni Papa sa akin.

"Nandito na tayo!" Nagtatatalon pa ako habang tinitingnan silang nababa ng sasakyan.

"Magpapa-massage tayo?" Medyo naguguluhang tanong ni S. coups. 

I don't mind them at agad na nag-marcha papunta sa loob ng spa. 

"Good day Ma'am and Sir." Bow ng isang receptionist na may kasamang tatlong babaeng staff. 

"Good day." Balik ko ng bati sa kanila at agad na binalingan ang labing-tatlong lalaki at sinenyasan na bumati din.

Awkward naman silang nag-bow sa harap ng apat na staffs ng spa na 'to. 

"I guess kayo po si Ms. Seilah Kim?" Magalang na tanong ng isa pang staff. Agad naman akong tumango-tango.

"Yes, that's me." Sagot ko naman na may ngiti sa aking labi. Walang patumpik-tumpik ay agad na nila kaming in-entertain. 

"Manager, ano ba talagang gagawin natin dito?" Pabulong na tanong sa akin ni Jeonghan. 

Agad ko naman silang nilingon. They still wearing that confused look on there faces. 

"Magpapamasahe lang naman tayo dito?" Patanong kong sagot sa kanila at saka sila tinalikuran para sundan yung staff. 

Narinig ko pa ang ilang tanungan nila sa isa't-isa pero hindi ko na sila inintindi. 

Para rin naman sa kanila 'to...

"Ang sarap." Seungkwan said while the masseur hit a good spot on his back. 

"Uhm..." Tanging nasabi ni Joshua dahil sa sarap ng pagmamasahe sa bandang hita niya. 

"Wait lang, nakikiliti ako." Saway naman ni Woozi sa nagmamasahe sa kanya nung hawakan yung bandang bewang niya. 

"Ganun ba Sir? Sige, ibang part na lang ang ima-massage ko." Sagot naman nung masahista sa kanya. 

"Vocal team. Lipat muna ako sa room ng performance team ha? Dyan na muna kayo." Paalam ko sa kanila. 

"Ne!" Sabay-sabay naman nilang sabi. Agad akong lumabas ng kwarto nila at agad tinahak ang kwarto kung nasaan ang Performance team.

Habang naglalakad ako ay nakikita ako ng sign na nagsasabing "Wet Floor" kaya medyo nagdahan-dahan naman ako sa paglalakad. 

"Ma'am pasok kayo." Ani nung masahita na nagbukas sa akin ng pinto. 

"Hahahaha! Dahan-dahan lang! Wait-- hahaha!" Bungad kaagad sa akin ni Hoshi na nakadapa at sobrang gaslaw sa bed niya.

"Hyung 'wag kang masyadong maingay." Malumanay naman na sabi ni Dino. 

"Sino yung pumasok?" Tanong naman ni Minghao. 

[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon