Chapter 9
Gulat
Tahimik ang buong byahe namin. Tahimik lang ako dito sa front seat habang ang Seventeen naman ay tahimik lang sa likod.
"Guys magka-comeback na din pala ang Twice 'no?" Sabi ko nang makita ko sa isang blog na puro K-Pop updates.
"A ganun ba manager?" Tanong ni S. Coups. Tahimik pa din sila at wala pa ding reaksyon.
"Oo. Nabasa ko lang dito sa blog." Dugtong ko at dinungaw sila sa likod.
"Edi kasabay pala namin silang magka-comeback manager?" Si DK naman ang magsalita.
Nahampas ko na lang ang kamay ko sa noo ko.
Ito kasi ang araw kung kailan sila magka-comeback. Halata naman sa kanilang kinakabahan sila. Hindi mapakali at sobrang tahimik.
"Seventeen!" Sigaw ko bigla ns kinabigla nila. Lahat naman sila ay naka-tingin sa akin dito sa harap.
Huminga muna ako ng malalim at nilagay ang dalawa kong naka-clench na kamay sa gilid ng pisngi ko.
"Seventeen Oppas hwaiting! Good luck sa comeback n'yo! Oppa buing buing!" Sabi ko at kinapalan ko ang mukha ko at nag-aegyo sa harap nila.
Next time sasabihan ko na lang sila ng "Fighting kaya niyo yan! Go go! Fight fight! Seventeen."
O di kaya babatukan ko na lang sila para matanggal yung kaba nila.
Pwede din na pakain ko na lang sila ng chicken para hindi sila kabahan.
Kahiya talaga!
Naka-pikit pa rin ako nung marinig ko silang magpalakpakan, mahiyawan at magtawanan.
"Ang cute ni Noona!"
"Navideo-han niyo yun?"
"Manager ulitin mo ulit."
"Isa pa Manager!"
Napatakip na lang ako ng mukha sa ginawa ko. Doon lang nag-sink in sa utak ko yung ginawa ko.
Nakakahiya talaga.
"Seilah ulitin mo ulit bi-videohan ka lang namin." Sabi ni Jeonghan habang aligagang kinakalikot ni Joshua ang phone niya at itinutok sa akin.
"Ayoko nga!" Sigaw ko sa kanila at hinayaan silang magtawanan.
"Ang cute-cute mo talaga manager nung ginawa mo yun." Sabi ni DK habang hinahampas-hampas siya ni Seungkwan na tuwang-tuwa at hindi maka-get-over sa ginawa ko.
"Bakit mo naman yun biglang ginawa Seilah?" Takang tanong ni S. coups at pinipigilan na lang ang sarili na tumawa.
"E kasi kayo e!" Sabi ko sabay turo sa kanila.
"Bakit kami?" Doon ko lang na-realize na kasama din nilang tumatawa si Wonwoo. Nagpupunas pa siya ng luha na galing sa mata niya habang pinipigilan na din ang pagtawa.
BINABASA MO ANG
[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire
FanficI am Seilah Kim, a billionaire's daughter and I'm Seventeen's new manager. Updates Schedule: Once or Twice a week, it depends on my schedule on our school. (Mostly Wednesday and Saturday)