Chapter 4

159 2 0
                                        

Chapter 4

Happiness 

Natapos ang unang araw na puro laro lang ang ginawa nila. Halatang ninanamnam nila ang sandali dahil pagbalik nila sa Pledis ay trabaho na ulit ang gagawin nila.

Hindi pa rin ako makasali sa kanila dahil pursigido ako tapusin ang financial breakdown na dapat kanina ko pa ginawa sa byahe. Kaso nga lang ay gumawa talaga ako ng katangahan nung nasa byahe pa kami. Napahawak naman ako sa sintido ko habang nakaharap sa laptop.

"Konti na lang." Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Kanina pa ako nagkukulong dito sa kwarto ko. Pasalamat na lang ako kay S. Coups at siya ang tumitingin-tingin ng mga kwarto kung may tao ba o wala, hindi ko na kayang makakita pa ng ganun ngayong araw. Kontento na ko sa isa. 

Dapat ko na 'tong matapos para mai-send ko na kay Papa at ma-enjoy ko naman 'tong bakasyon na ito. Dahil ka tulad ng SVT, magsisimula na din ang trabaho ko bilang manager nila pagbalik namin sa Pledis.

Narinig ko na may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, agad naman akong sumigaw na pwede siyang pumasok.

"Seilah noona, kain na daw tayo." Sabi ni DK na nakatanghod sa pintuan.

"Sige salamat. Baba na din ako." Ani ko at inayos ang mga gamit ko bago bumaba sa hapagkainan.

Nandoon na silang lahat at masayang nag-aagawan ng pagkain, bigla naman tumigil sa pakikipagtawanan at pagkain ang tatlong bibe. Tiningnan naman ako ni Jun at Mingyu ng masama, pero nabigla ako sa padarag na pagtayo ni Wonwoo sabay tingin sa akin gamit ng malalalim niyang mata. Medyo nag-init ang ulo ko sa ginawa niya dahil natigil sa pagkain ang iba niyang ka-grupo. 

"Hyung." Bulong ni Jun habang pinapa-upo ito.

"Ayokong kumain ng kasama siya." Strike two. Pinilit kong ngumiti habang lumalapit sa lamesa.

"Tara kain na tayo, Wonwoo upo ka na ulit." Sabi ko pinagpapawalang bahala yung dalawa niyang strikes.

"Ayoko nga sabi e!" Sigaw niya. Nakaramdam ako ng panlalamig dahil sa boses niya, pero sorry siya dahil naka-strike three na siya. Agad akong tumayo at medyo lumapit sa kanya.

"Ano bang problema mo ha Jeon Wonwoo?" Sigaw ko pabalik sa kanya. Nakita ko ang pagka-gulat sa mata niya pero agad naman siyang naka-bawi.

"Ano problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit ka ba naging manager namin? Okay naman si Manager hyung a? Ba't ka ba nang-aagaw ng trabaho ng iba? Bago ka lang diba? Dapat doon ka sa department ng mga trainee nagma-manage hindi sa grupo namin!" Tuloy-tuloy niyang sigaw. Hindi ko alam pero sobrang sakit para sa akin yung mga sinabi niya.

Gusto ko siyang patigilin magsalita gamit ang sampal pero hindi ako ganung tao. May point naman siya. Pero sobrang babaw naman ata ng dahilan na yun para magalit siya sa akin ng ganyan.

Pinikit ko ang mga mata at huminga ng malalim sabay ngisi ko.

"Tapos ka nang magsalita?" Yan lang ang lumabas mga salita sa bibig ko. Mukha siyang nagulat sa naging reaksyon ko, hindi siguro yun ang inaasahan niyang sasabihin ko.

"Yun lang ba Wonwoo? Yun lang ba ang sasabihin mo?" Tanong ko ulit. Agad namang bumagsak ang tingin ng mga mata niya sa sahig. Na-guilty ata, pero wala akong pake.

"Kung wala ka nang sasabihin, akyat na ko sa taas, at may tatapusin pa kong gawain. DK, Jun diba kayo ang toka sa ligpitin ngayon? Pagkatapos niyong kumain ligpit niyo na lang yan." Hindi ko maiwasang gawing malamig ang tono ng pananalita ko dahil sa mga nangyari.

[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon