Chapter 8

153 3 0
                                    

Chapter 8

Sasabog 

Agad akong bumaba sa sasakyan ko pagkarating ko ng Pledis. Inasikaso ko pa kasi yung mga financial reports para sa mga branches namin dito sa Korea, Japan at China.

Tapos na din ang kanta at choreography ng sayaw ng Seventeen. Polishing na lang ang ginagawa nila sa sayaw.

"Manager!" Bati nila Mingyu at S. Coups sa akin. Lahat sila ay nandito sa parking lot at halatang hinihintay na lang akong dumating.

Ngumiti naman ako at kumaway din at tumakbong lumapit sa pwesto nila malapit sa van nila.

"Excited na ko!" Masayang sabi ni Seungkwan na sinangayunan naman ng iba.

"Ilang linggo na lang tapos na 'to then comeback na ulit natin." Paalala naman ni S. Coups sa kanila.

"Oo nga e. Miss ko na din ang mga Carats." Dagdag naman ng kumakaing si Joshua habang inaagaw ni Woozi at Minghao yung chips na kinakain nito.

"Tara na?" Aya ko sa kanila at pumwesto sa front seat habang sila ay nagsi-pwestuhan na sa likuran.

Ngayon kasi ang araw na naka-schedule ang Seventeen sa paggawa ng music video nila para sa comeback song nila na Pretty U.

Puro sila laro, kantahan at kulitan sa buong byahe. Matagal ang byahe dahil sa layo ng pupuntahan naming set para sa music video na yan, kaya yung iba ay tulog at yung iba ay tahimik na nagkwe-kwentuhan.

Hinayaan ko na lang sila matulog kahit wala akong maka-usap. Well kailangan naman talaga nilang bawiin yung mga araw na sobrang puyat sila at halos isa o dalawang oras lang ang tulog. Masasabi ko talaga na todo ang binibigay nilang effort para sa comeback na 'to.

"Ma'am pwede naman din kayong matulog e." Malambing na sabi sa akin ni Kuya'ng Driver.

"Hindi sige lang, okay lang ako." May ngiti kong reply sa kanya. Pinaling ko na lang ang ulo ko sa bintana upang matanaw ko yung mga nadadaanan namin. 

Hindi ko na din namalayan na inabot na din ng isa pang oras ang byahe bago namin mapuntahan ang set para sa music video. 

"Nandito na po tayo Ma'am, Sir." Sabi sa akin ng Driver sabay baling sa mga bagong gising at nag-uunat pa na Seventeen. 

"Okay guys, sunduin n'yo lang ang directions sa inyo ng director okay? Para wala na ding maging problema at para maging mabilis na din ito." Paalala ko sa kanila. 

"Opo Manager!" Sigaw nilang sagot sa akin bago kami magsi-babaan ng sasakyan.

"Seventeen!" Agad kong tiningnan ang sumigaw na 'yun at namukhaan ko naman na yun ang director ng magiging music video nila. 

"Line-up na kayo for introduction." Utos ko sa kanila na agad naman nilang ginawa. 

"Say the name! Seventeen! Annyeonghaseyo we are Seventeen!" Masigla nilang bati sa mga staff at sa director na nasa harap nila. Agad namang nagpalakpakan ang mga staffs pati na din ang director. 

[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon