Chapter 1

167 4 1
                                        

Chapter 

Goosebumps

"Noona! Yohoo, noona!" Bumalik ang sarili ko sa katawan ko dahil sa pagtawag ni Dino sa akin. Napangiwi naman ako dahil feeling ko mukha akong sira habang malalim yung iniisip ko. 

"Bakit?" Tanong ko agad sa kanya. Nakita ko naman na nagpapa-cute siya dahil sa pagbi-beautiful eyes niya. 

Ba't ganito 'tong lalaking 'to. Masyadong cute. 

"Wala lang noona gusto lang kitang tumingin sa akin. Sige bye bye." Kaway niya sa akin habang tumatakbo palabas. Susunod ata sa mga hyung niya. Napa-iling na lang ako at tiningnan ulit ang folder na 'to. 

Hindi lang talaga ako makapaniwala na ang dami kaagad naka-line-up na activities para sa kanila. Habang iniis-scan ko yung papel ay agad lumipad ang isipan ko sa mga nangyari kaninang umaga. 

"Ano? Babae ang bago naming manager?" Gulat na napa-tayo at naka-turo pa sa akin ang isang lalaki. Hindi ko alam kung ito aba ang time para matawa at manlait pero natawa ako kasi ang liit niya at gulat na gulat pa, ang cute niyang tingnan. 

"Oo Woozi, siya ang bagong manager niyo si Seilah Kim." Sagot ni Senior manager doon kay Woozi ata ang pangalan.  

"Hala manager hyung paano ka na? You'll leave us?" Sabi naman nung isa na medyo mukhang Amerikano. In all fairness ang puti niya. 

"Hindi naman. Ako ang magiging assistant manager ni Seilah. Ako ang tutulong sa kanya kasi bago lang siya dito. Para mabilis din siyang makapag-adjust." Naka-ngiting sabi ni Senior sa kanila.

Naka-pinta naman sa mukha ng Seventeen ang lungkot at panghihinayang sa biglang pagpapalit ng manager nila.

Sa hindi ko malamang dahilan ay nalungkot din ako bigla. Parang ako yung masamang tao na maghihiwalay sa kanila sa manager hyung nila. Balita ko kasi, bago pa sila mag-debut ay si Senior na ang acting manager nila. So it means marami na silang napagsamahan sa ilang taon din nilang samahan.

Dahil sa isang selfish kong gawa madami akong damdaming nasagasaan.

"Manager hyung, bakit parang biglaan naman ata ang pagpapalit ng manager?" Tanong ng naka-all black na lalaki.

"Galing sa naka-tataas ang desisyon S. Coups wala tayong magagawa. Saka ayaw n'yo yun? New experience 'to para sa inyo. Kasi first time ng Pledis na magpa-handle ng boy group sa isang babae." Pangungumbinsi ni Senior sa Seventeen.

"Ayoko sa kanya." Malalim at malamig na sabi nung lalaki na nakatayo malapit sa pintuan. Bigla na lang ako nakaramdam ng pananaas ng balahibo ko sa buong katawan ko. Hala bakit ganito? Nakakatakot.

Aray ko bh3. Ang sakit din nung sinabi niya a. Medyo masungit din si Kuya o.

"Ako din, ayoko sa kanya." Sabi pa nung isa.

Ouch.

"Kung ayaw ni Wonwoo hyung sa bagong manager, ayoko din sa kanya." Sabi nung isa pa na gray ang buhok at medyo matangkad.

Ouch x3.

"Wonwoo, Jun at Mingyu. 'Wag naman kayong ganyan. Baka sumama ang loob ni Seilah sa mga sinasabi n'yo." Pag-saway sa kanila ni Senior.

[Seventeen Fanfic] Seventeen's New Manager is a Billionaire Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon