Chapter 7

26 1 0
                                    



Skyler's POV
So, ayun. Hanggang ngayon di pa rin kami nahahanap ng baliw na Axel na yun. Kanina pa kami nandito sa closet. Pero ok lang, kasama ko naman si Rian eh.

Nakapagkwentuhan naman kami dun. Sinabi niya na galing talaga ng U.S. ang Hylands. Nasabi niya rin kung paano sila nagmeet ni Damira doon. Natawa pa nga ako sa kwento ng pag-aaway nila ni Adrian.

Paglabas namin, nagring na ang bell. Which is ok lang sa amin kasi kanina pa tapos ang classes namin.

"Pwede kami pumunta sa house mo! Sleepover kumbaga!" -Rian. Payag ako dun. Payag na payag ako dun.

"That's a great idea! Time para makasama k-" Tinigil ko na salita ko kasi... Basta. Tinigil ko na lang.

"Time para makasama?"

"Kaibigan ko! Kaibigan, yes." Wooh! Galing palusot mo torpeng Skyler!

"At tutal mag-isa ka lang naman!"

"Basta bring food rin medyo taghirap ang Skyler ngayon!"

"Okay! See ya!" Umalis na sya at biglang...

"Wait!" pagtawag samin ni Axel habang hinihingal.

Rian's POV

Tumigil ako sa paglalakad pauwi ng tawagin ako pabalik ni Axel.

"Sumunod. Muna. Kayo. Sa akin!!" Hinawakan niya kamay ko at kamay ni Skyler at kinaladkad kami pataas.

Habang hila-hila ako, nakatingin lang ako kay Skyler. Hay... buhay... Naalala ko mga sinabi niya sa akin nung nasa closet kami. Yung prank nila, personality niya, at iba pang interesting topics. Sobra. Sobra niya akong napasaya ngayon.

"Hello?! Bumalik na ba sa mundo ang mataray na Rian?!" Naging normal ulit ako nang tawagin ako ng as-if-kuya ko.

"Uy, ano ba?! Makamataray naman dyan, oh!" Tanggol sakin ni Skyler. Hay... Hm...

"WAG NA TAYO MAG-AWAY, PLEASE! MAY NAKITA TAYONG BUTO!!" Sigaw ni Adrian. Mataray daw ako? Siya kaya? Hindi? Mang-aaway tapos papatigilin. Kuya, talaga... Ay, bakit kuya? As-if-kuya nga pala. Hihihi.

Axel's POV

Bakit kasi kay Timothy pinahawakan yung mga buto?! Nanginginig tuloy...

Pero wait, ano to? Bigla siyang nagsalita.

"Guys, may tape dito?" Nginig niyang sabi.

"What, Timothy my labs?" Ha?! Ba't ko sinabi yun?! Ay, Axel ang t*nga mo.

"Ha?" Nginig padin niyang tanong.

"Sabi ko, yung title Secret of this Lab tapos dinagdagan ko lang ng 's!' Kayo talaga!" Lusot! Yes!

"Punta tayo sa History Room. May player dun diba?"

Naglakad kami papuntang History Room. May iba pang estudyante kaming nadaanan na nagreview kaya nag stay muna.

Ayan, dito na kami. Nilagay na ni Romeo yung tape at yun nagplay na.

*Secret of the Lab*

Unknown's POV

Dito na kami. Dito na kami sa lab. Ano naman kaya ang tatanungin ng mga 'to?

"Okay, what will you ask?"

"I will just ask about the parts of the body. The insides."

"Napag-aralan na natin yun, ah!"

"Gusto ko makita ng totoo!" Naglabas siya ng ax. Alam ko ang mangyayari dito...

*static*

Officer Wilfred Dizon's POV

"Wag ka muna malikot, kuya Troy, ha?" Sabi ko sa anak ko. "May nagtatanong kay daddy." Tumango naman siya.

"Pero daddy, may sasabihin lang naman ako!"

"Sinabing saglit lang eh! Pumasok ka na sa kwarto mo! Hirap na hirap na ako dito sa trabaho!" Nagsisi ako nasigawan ko pa siya.

"Sir Dizon, ano po ang naimbestigahan na sa insidenteng ito?"
tanong ko kay Officer Wilfred Dizon.

"Um... Ang alam pa po namin ay chinop-chop si Sir Hernandez sa mismong Xavier School. Nakita namin ang ibang bahagi sa likod ng school pero ang iba ay di pa nahanap. Isang grupo ang pumatay sa kanya ngunit di pa kilala."

*Secret of the Lab end*

Sandra's POV

"Woah... May alam dito ang...




Lolo at tatay ko?"

---
Hays... Sila honeyinthestar, Michaelishere at si Batang_elyenski... Kilig na kilig... Sige na nga

Skyler... Out!

Xavier School Academy: Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon