Chapter 12

21 0 0
                                    


Gemma's POV
"Jake!! Natapon mo ata ay recipe ng love-" Naudlot bigla ang salita ko nang magsalita si Jake na ubo ng ubo.

"What? Is this 'love potion'? Bakit meron nito sa school? Sir?" Pero nung pagkakita ni Jake, wala na si Sir sa room. Siguro naapektuhan na siya ng amoy sa room.

Meanwhile, kami nalang ni Jake ang natitira sa room. Ayoko makasama siya pero kailangan talaga pagisipan tumakas dito sa room na ito o baka ma-inlove na ako sa lalaking ito!

"Hala! Pano na tayo makakatakas dito?" sabi ko habang unti-unting nagiging infatuated sa kanya dahil sa kasobrahan ng recipe ng love potion sa atmosphere ng room.

"Gemma! Takbo na tayo sa pinto *cough*, at bilisan mo ang pagtakbo!" sigaw sa akin ni Jake.

Ayoko talagang makinig sa kanya pero lumalala na ang amoy sa room eh. Pati yata sa buong school nangamoy na rin. So no choice talaga ako kundi sumama kay Jake na balakubak.

"O siya! Basta labas nalang tayo ng school! Baka kasi abot na yung amoy hanggang sa buong building." Sabi ko sa kanya sabay labas kami ng chemistry room.

Jake's POV
Wala nang tao sa hallway nang paglabas naming ng room. Siguro kami nalang yung natitira sa loob ng school.

"Bilis, takbo na tayo palabas! Sa kanan yung palabas diba?" sabi ko kay Gemma na masungit.

"Sa kaliwa yung palabas ng school! Hindi mo ba alam ang directions papuntang exit? Sabi sa akin ni Gemma. Akala mo siya may alam. Eh lagi akong nadaan sa kaliwa kapag lalabas ng school.

"Basta sa kaliwa yun. Kung gusto mo maging t*nga, dyan ka pumunta!" pabalang ko na sigaw kay Gemma.

Hindi ko na siya pinakialaman pa. Bahala na siya sa buhay niya kung gusto niya maging high. Oh, son of a b*tch, lumalala ata yung amoy. Kailangan ko nang bilisan!

Ughhh, I'm suddenly feeling in loved with her. The hell, Jake! I better get out of here! But I can't find the exit to this damn school!
--
Meanwhile...

Alalang-alala na ang iba nilang kabarkada sa labas ng school dahil 30 minutes na hindi pa sila nakakalabas.

Timothy's POV
"Guys! Nasaan na sila Jake at Gemma?" ulat ko sa kanila.
"Hindi ko nga alam eh. Basta baka kung ano na nangyari sa kanila." Sabi sa akin ni Xander.

Bigla akong natakot sa nangyari sa kanila. Baka nasuffocated or inlove na sila sa isa't-isa. Paano kaya sila makakatakas sa sitwasyon na ito, sa lawak ba naman ng school. Ah alam ko na!

"Kailangan hindi tayo nakat*nga lang dito. Kailangan natin sila i-save!" hikayat ko sa kanila. "Xander, samahan mo ako, bilis!"

"HAH?? Wag, baka ma-inlove pa tayo sa isa't-isa!" sigaw sa akin ni Xander.

Malamang tama si Xander. Alam niyo naman na si Axel lang ang mahal ko. At kadiri naman kung sa lalaki pa ako ma-iinlove. So, sino ang pupunta sa loob????

"Guys, sino pupunta sa loob???" sabi ko sa kanila.

Bago pa man makapagsabi kung sino ang pupunta sa loob, biglang may sumabog sa loob ng building.

"Hala! Anong nangyari doon??" ulat naming lahat.
--
---Inside the school---
Habang tumatakbo yung dalawa. Biglaang tumibok yung puso nila sa isa't-isa.

"Too late, Jake! I'm already in love with her!" sigaw ni Jake ng malakas.

Narinig ni Gemma ang sigaw niya sa school. Alam niya rin na na-iinlove na siya sa rival niyang si Jake pero hindi pa rin niya pinansin.

"No, no! Hindi ito maaari! Hindi ko hahayaang mapa-fall sa lalaking iyon!" ulat ni Gemma sa sarili.

Tumakbo sila ng tumakbo hanggang nagkita sila sa isang corridor.

"What the- anong ginagawa mo dito, my lov-NO!! Hindi ko talaga kaya! Masyadong malakas yung love spell!" sabi ni Gemma habang pinipilit niya na hindi tingnan si Jake.

"Gemma, wala na tayong magagawa dito. Tumalab na sa atin ang love spell. And I just want to say, I lo-''

Naudlot ang salita ni Jake nang biglang may sumabog sa likod nila at nahulog sila sa first floor. Malapit na sila mawalan ng malay.

"Ughh, Gemma, I love you so much!" ulat ni Jake na malakas kay Gemma saka nawalan ng malay.

"Jake...I, I, I love...you." sabi ni Gemma at nawalan rin siya ng ulirat.
--
Nang napansin nila na wala nang amoy ng love spell, pumasok na sila at nakita sila na nakahilata sa sahig.

"Dalhin na natin sila sa hospital." Sabi ni Adrian sa kanila.

"Wait! Maiwan muna ako. Mag-oobserve ako sa love spell na natapon at kung bakit ang lakas nang effect sa kanila." Ani Skyler.

"Sure ka, Skyler?" hikayat ni Rian sa kanya.

"Oo naman. Basta dalhin niyo sila sa hospital." Pabalik na sagot ni Skyler kay Rian.
--
---30 minutes later---
Nasa ward na sila Jake at Gemma. Kinakausap ni Adrian ang nurse sa office.

"Ayon daw sa doctor, masama daw ang epekto ng love spell sa kanila. Bukod daw sa 'love effect,' may halong poisonous chemical na nagrereact sa oxygen. Which means, naapektuhan ang respiratory system nila. Matagal daw silang mag-iistay sa ospital dahil malakas ang nalanghap nila." Sabi ng nurse kay Adrian.

"Okay, thanks." Ani Adrian.

Tinawagan niya si Skyler through cellphone(obviously) and inexplain kung anong nangyari.

Adrian's POV
Ang tagal naman mag-ring ng phone...Ah, there we go!

"O, Adrian! Kumusta silang dalawa?" sabi sa akin ni Skyler

"Yun, nakaconfine. Sobrang sama daw ng effect ng love spell, lalo na sa respiratory system." Sabi ko

"Oo nga. Buti nga hindi sumabog yung katawan nila eh. Kasi may element yung love spell na nagrereact sa oxygen, which explains the explosion here. Sa clinic nangyari yung explosion dahil sa numerous oxygen tanks na naandoon." Inexplain sa akin ni Skyler.

"Ahh, sabi ko na nga ba sa clinic nangyari eh." Sabi ko sa kanya.

"Which make me wonder. Bakit may love spell sa chemistry room???" sigaw niya sa akin.

Grabe, nabingi ako doon ah!

"Ewan ko sa kanila. Basta full of mysteries yung school natin. O sige, mauubusan na ako ng load." Pabalik na sabi ko sa kanya.

"O sige. Pupunta na rin ako dyan. At nauubusan na ako ng load. Hahahah." Ulat niya sabay nag hung-up.

Nakakapagtaka. Love spell? Sa school? Tingin ko may mantsa yung pangalang "Xavier School" na ito. Kailangan naming diskubrihin ang mga mysteries na ito. And I know who to ask.

Our principal, Sir Renz Corpuz.

"Adrian! Punta ka nga rito." sigaw ni Rian sa akin.

"Bakit?"

"Si Skyler ba, pupunta?" ayan na naman si Rian, Skyler lang ang alam, maligo lang hindi. Hahahaha. Joke lang.

"Oo daw. Bakit?"

"Ah wala. Curious lang." Sabi ni Rian sa akin. Hahaha, lusot pa more Rian.
--
"Guys!" ulat ni Skyler sa amin.

"Oh, you're just in time, Skyler!" sabi nila Rian at Adrian.

"Ano na nangyari sa dalawa?" bigkas ni Skyler.

"Wala pa naman. Rest daw muna sila." Sabi ni Sandra.

Nag-uusap pa sila nang bigla silang tawagin ni Damira.

"Ano daw, Damira?" Ulat ni Adrian.

"May sasabihin daw sa inyo ang doctor, at kailangan daw naandoon daw kayo kasi importante ito." Ulat ni Damira.

"Bakit, anong nangyari?" sabi ni Rian.

"Basta! Nag-aalala na ako sa kanilang dalawa." Ulat ni Damira

"Hala! Bilisan na natin!" ani Sandra.
-------------
Ano kayang nangyari sa kanila? Is it good or bad? Basta, if I were you, I would eat my popcorn and watch a-oh, this is a book, right?
Anyways, sorry for the delay. I was busy and I don't have time. But hope you enjoy my debut!
IIMichaelisHereII, outta here!

Xavier School Academy: Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon