AFTERTASTE

2.7K 80 17
                                    

Special Chapter ...

VIC

Pinagmasdan ko siya habang nakatayo ako sa veranda .. She's just wearing a red silk robe habang nagsusuklay sa harap ng salamin ..



Nakangisi naman ako habang hawak hawak yung red wine ko ..




I'm lucky to have her ..



Iyon ang unang pumasok sa isip ko habang nakatitig sa kanya .. Maswerte ako na pinagtagpo kami ng tadhana .. Maswerte ako na pagkatapos ng isang taon ay muli ko siyang makikita ..




Tadhana ..



Nagpapasalamat ako na kami ang itinadhana .. Pangit man ang naging simulain at naging takbo ng kwento namin ay nagtapos naman ito sa masaya at puno ng pagmamahalan na dulo ..



Iyon naman ang mahalaga ..



Ang DULO ..



Dulo kung saan kasama ko siya ..



Dulo kung saan merong ako at siya ..



Dulo na kung saan kami lang dalawa ..



" Natulala ka na naman .." Napabalik ako sa realidad ng marinig ang masuyong boses ng babaeng mahal ko ..



Napangisi ako habang umiiling inilipag ko ang kopita sa mesa sa akin paanan ..



" Napakaganda kasi ng tanawin na nakikita ko .. Nakakabighani .." Humagikhik naman siya saka ibinaba ang suklay ..



" NapakaBaduy mo talaga Galang! "




" Nagmamahal ako .. Ito ang lenggwahe ng pagmamahal .. Mahal ko .." Napansin ko naman ang pamumula ng pisngi niya ng dahil sa ilaw na galing sa buwan na tumatama sa kanya ..




" Bolero! "




" Katotohanan iyon .. Kailan ba kita niloko Shiela? " Napataas naman ang kilay niya na parang nag-iisip kaya napalabi ako ..




" Hindi kita niloko! " Humagikhik naman siyang muli ..




" Wala naman akong sinasabi! Defensive ka masyado! "




" Baka may masabi ka kasi.."




" Alam mo kasing marami kang kalokohan! "




" Oo .. Pero nagbago na ako ng dumating ka .. Binago mo ako kahit noong unang nagkita tayo .. Mas lalo mo akong binago sa ikalawa .. Ngayon na kasama na kita .. Wala na akong balak baguhin pa sa sarili ko .." Hinila ko naman siya palapit sa akin at niyakap ng mahigpit .. NAsamyo ko ang humahalimuyak na bango niya na mas lalong nagparamdam ng kiliti sa katawan ko ..





" Magmula sa araw na ito .. Lahat ng sasabihin ko sayo ay purong katotohanan na lang .. Mahal ko .."



" Paano ka nakakasigurado?"




" Magagawa ko pa bang pagtaksilan ang katulad mo?! "




" Amazona! " saka ako humalakhak ng tawa .. Mabilis naman niya akong tinulak palayo na halatang nainis sa sinabi ko ..




" Shiela naman! "




" Manahimik ka! " sigaw niya saka pumunta sa veranda at sumandal doon ..




" Amazona ka man .. Handa akong masaktan .. Masungitan mo .. Mahal na mahal kita at magtitiis ako sayo .." sambit ko ngunit ni Pagtingin ay hindi niya nagawang igawad sa akin ..




AFTERTASTE ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon