TASTE 6

2.2K 41 0
                                    

SHIELA

Gigil na gigil kong inayos yung mga dokumento na pinirmahan ko..

Anung karapatan niyang halikan ako at ipahiya sa mga empleyado ng kompanyang ito?! Nakakagigil akala mo kung sino.. Gago siya.. Galang lang siya Pineda ako!

Pinakalma ko muna ang sarili ko ..

Makikita niya.. Papabagsakin ko siya..

Buong araw kong iniisip yung sinabi niya .. Nakahawak pa nga ako sa labi ko..

"He missed mine? " bulong ko..sino ba talaga siya? Hindi kaya isa siya sa mga naging boyfriend ko..err..kilala ko ang sarili ko..hindi ako pumapatol sa isang gago.. Hanggang sa palabas na ako pauwi iniisip ko pa rin yun..

Sino si Galang sa buhay ko..

"The hell " bulong ko ng may humila sa akin.. Napakunot ako ng noo ng makita kong si Galang na naman ang may kagagawan..

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko habang nagpupumiglas.. Hinigpitan niya yung pagkakahawak sa kamay ko..

"Anu ba! Tigilan mo na nga ako!" sigaw ko..Hindi ko na naman kasi alam kung anung binabalak niya..Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya sa akin kanina.. Pero imbes na tumigil hinila niya lang ako at ipinasok sa isang kwarto then immediately lock the door and pinned me to wall..

"Anu ba!" sigaw ko.. Kasabay nun ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.. Kitang kita kasi sa mata nito ang dilim at lamig..

"I just need to know something.." madiin niyang bulong saka hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay ko..

"Anu na naman ba yun! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko saka pilit na nagpupumiglas..

"Sino ka ba talaga?!" kunot noong tanong niya.. Sino ako?! Gago ba siya!Magrereklamo sana ako ng maramdaman ko ang pagkirot ng pulsuhan ko..

"Anu ba! Nababaliw ka na ba?! Bitawan mo ako!" reklamo ko..hindi ko naman kung anung trip niya pero isa lang ang alam ko.. Nababaliw na talaga siya..

"sagutin mo ako! Sino ka! Sino si Bang Sapalo?! " dagdag niya pa.. Tinaasan ko naman siya ng kilay.. Bakit ba pinagpipilitan niya sa akin iyong Bang Sapalo na iyon.. I don't know her.. Kung kilala ko man..hindi ko sasabihin sa kanya..

"Anu bang pinagsasabi mo! Wala akong alam! Hindi ko kilala yang sinasabi mo!" pananabla ko.. Kitang kita naman yung pagkainis sa mukha niya.. Nanlalaki yung mata ko ng suntukin niya yung pader sa gilid ko..

"Sinungaling..alalahanin mo ako.. Alalahanin mo lahat ng ginawa mo sa akin.." bulyaw nito.. Kinunutan ko siya ng noo..Alalahanin?! Sino ba siya! Si Galang lang naman siya na kaaway namin eh..Naging malaking parte ba siya ng nakaraan ko?!

"Anu bang pinagsasabi mo!Anung aalalahanin ko! Sabihin mo sa akin!Anu!" naguguluhang sigaw ko.. Napaatras naman siya saka napasabunot sa sarili niya..Somehow dapat akong matuwa pero sa nakikita ko ngayon.. Naaawa ako..Para kasi siyang hirap na hirap..

"Ugh! TangIna! Wag na tayong maglokohan dito! Aminin mo na lang! Ginamit mo ako diba..ginamit niyo ako ng tatay mo para mapagbagsak kami..Para humina kami! You used me..manggagamit ka! " nanggigigil na wika nito.. Tsk what the fck is he talking about?! Ginamit ko siya? Ginamit namin ni Daddy! ? Ni hindi ko nga siya kilala..
Sa sobrang inis ko sa mga lumalabas sa bibig niya .. Binigyan ko siya ng malakas na sampal..

"Hindi ako manggagamit..Hindi kita Ginamit..Ni hindi nga kita kilala o yung Bang Sapalo na sinasabi mo! Wala akong alam sa sinasabi mo..Kaya tigilan at lubayan mo na ako Galang!" madiin na paliwanag ko.. Ewan ko na lang kung hindi niya pa iyon iintindihin..Kasi kung ganun..Napakamakitid ng utak niya..hindi siya marunong umiNtindi ng paliwanag..

AFTERTASTE ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon