VIC
Napasapo ako sa ulo ko..
"Ughh!" I groaned out of frustration .. Napahampas na lang ako sa mesa habang tinititigan yung mga dokumento sa harap ko..
"Whoah!Calm down Vic!" bulalas ni Miko na nakaGesture pa ng kalma..
Tinignan ko lang siya ng masama..
"Why don't we Party mamaya! Para mabawasan ang stress mo!" suhestiyon ni Kim.. Napailing na lang ako sa tinignan din ito ng masama..
Naramdaman ko naman yung pagtapik ni Kuya sa balikat ko..
"Easy-han mo lang bata.. Tungkol ba saan yan?" malumanay na tanong nito..Bumuntong hininga naman ako..
"Its all about my family company.. May investor na gustong kunin ang kompanya sa hindi malamang dahilan..I bet gusto niyang mapasakanya ito or so whatfckingever.. Hindi na kinaya ni Kuya ang sakit sa ulo na dulot nito kaya ako ang pinapahanap niya ng solusyon..Siraulo kasi yun! Gagawa gawa ng kabalastugan tapos bigla biglang ipapasa sa akin.. Kung hindi ba naman ipinasok sa kompanya yung taong iyon edi hindi na sana nagkakaroon ng ganitong problema..Nadagdagan tuloy ang iniisip ko ngayon! " naiiritang bulalas ko saka napailing na lang.. Halos sabunutan ko yung buhok ko sa sobrang frustration..
Pinoproblema ko pa nga yung paghahanap kay Bang eh.. Hindi ko na nga maatupag iyon ..Tapos ito madadagdagan pa..
"Bakit kaya hindi na lang natin ipapatay yung investor.." suhestiyon ni Kuya.. Napatitig ako mali kami pala sa kanya..
" Killer ka na Kuya!" bulalas ni Miko
"Sira! Nagbibiro lang ako ang seryoso niyo eh.." pokerface na paliwanag nito.. Napaatras tuloy kami..Kasi alam naming kaya niyang gawin yun..
"Tss..Wag niyo akong titigan ng ganyan..pagtutusukin ko yang mga mata niyo.. " iritadong bulalas nito kasabay ng pagkunot ng noo niya..
"Victo..Pag-aralan mo na lang yung investor na yun.. Tapos tirahin mo yung kung anu yung pinakamahalaga sa kanya.." paliwanag niya saka ngumisi.. Nagkatinginan kaming tatlo ..
"Whoosh! Another Job again! Hoy Victo! Bayaran mo kami ha!" bulalas ni Kim na halatang excited ..
"Yesh! Para tayong detective!" dagdag naman ni Miko at tumili.. Bakla ata ito..
"Mga sira!" sabay naming sigaw ni Kuya..
Si Aly? Ayun nawawala at hindi namin mahagilap kung saan.. Hindi pa rin naman kami nagkakasundo at alam naming masama pa rin ang loob ng isang iyon... Pinapanindigan pa rin yung sinabi niya nung nakaraan.. Daming alam sa buhay!
"Ay nga pala!" bulalas ni Kim saka ngumisi .. Tinaasan ko siya ng kilay..
Nagtaas siya ng folder saka tinaas baba yung kilay..
"I got a possible location ng mga babaeng may pangalang Bang Sapalo.." bulalas niya nagkatinginan naman kami ni Miko saka nagPokerface..
"Seryoso na ba iyan?" umiiling naming sambit..
"Grabe ha! Seryoso na ito!" bulalas niya..
"Weh!?" magkakasabay naming pananabla dito..
"Tss.. Tigilan niyo nga ako! Baka gusto niyong magWalkOut din ako kagaya ng ginawa ni Aly!" reklamo niya.. Humalakhak lang kami saka umiling..
"Sige lang Nognog! Hindi ka namin kailangan!" pang-aasar ni Miko..
"What the! Mas maputi ako kay Binay!" sigaw Niya..
Bago pa kung saan mapunta ang asaran nila agad ko nang hinila yung hawak niya..
"Sure na ba to? Wala na bang mangyayaring kung anu Anung kagimbal gimbal na mga bagay?" kunot noo kong tanong dito.. OA na kung OA.. Basta gusto ko na lang kalimutan ang lahat ng iyon..
BINABASA MO ANG
AFTERTASTE ✓
FanficGWAPA SERIES #1 Victor Ignacio Caesar Salas Galang (V.I.C Salas Galang) Vic Galang an innocent and business minded man before he met a woman who used to changed his whole life. They had a ONS then She left him without any words. Years had gone but s...