TASTE 9

1.9K 49 6
                                    

" What happened? LQ kayo?" nakangising tanong ni Miko ..

"LQ?! Quarrel lang ..Walang Love.." pananabla niya rito.. Agad naman siyang inakbayan nito..

"Hindi ba't doon din papunta ang bagay na iyon? Kaya nga ihanda mo na yung Murcielago namin.." tudyo nito kasabay ng paglawak ng ngisi sa labi ..

"Miko.. This is just a plan .." sagot niya rito..

"Malay mo..Maging Romeo at Juliet kayo..Hindi ba't mag-kaaway ang pamilya nila parang kayo.." tudyo naman ng kararating lang na si Kim kasama ang girlfriend nito na si Cienne..

"That was so romantic love story..Till death do us apart ..Ang tema niyo.." pagdagdag ni Miko..

"Pwede ba guys... Parehas lang namin na nilalaro ang bagay bagay.. Alam ko naman na may plano din siya sa akin.." sagot nito..nagkibit balikat naman ang dalawa..

"Malay mo..Madevelop kayo.." sagot ni Miko.. Sinamaan naman siya ng tingin nito..

"NapakaBaduy mo Miko!" pananabla niya rito..Ngumisi namana ng binata saka inayos ang armani suit niya..

"Atleast Gwapo.." with conviction na winika nito..

"Pero Vic..Hindi malabong mangyari yun.. Sa oras na ito na tinitignan kita habang nakatitig sa kanya..Unti unting lumiliwanag ang mata mo.. Kahit papaano may nakikita akong kislap jan.. " seryosong sambit sa kanya.. Napangisi lang siya..

"Nakakadiri yung sinasabi niyo.." maikli pero madiin na sambit niya.. Lumawak naman ang ngisi ng dalawa..

"Why? Don't you find her attractive.. I mean ..kaya nga nagawa niyo yung bagay na yun a year ago.. Kasi Kakaiba si Shiela.. Aminin mo man sa amin o hindi iyon ang nakikita namin.." nakangising pang-aasar ni Miko sa kanya..

Bahagya namang natigilan si Vic.. Just like what he said.. There's something with Shiela Pineda na humihila sa kanya.. Malakas na force na kapag patuloy na nilalabanan ay mas lalo siyang hinihila palapit dito..

Kagaya sa mga oras na ito.. Habang nakatingin siya sa dalaga na nanliliit na ang mga mata dahil sa ngiti sa labi nito .. Hindi maiwasan ni Vic na isiping..

Kakaiba siya.. Kakaiba sa lahat.. Kakaiba kaya lagi niyang hinahanap hanap .. Kakaiba na tipong hindi mo malilimutan..

" i told you Miko.. Isang libo ko.." napabalik siya sa realidad ng marinig ito.. Nakangisi si Kim sabay kuha ng pera.. Mukhang napagpustahan siya ng mga mokong..

"Kaibigan ko ba talaga kayo?! Tinutulak niyo pa ako sa kanya.." reklamo nito sa kanila..

Ngumisi naman sila ng nakakaloko..

"Nakasalalay kasi ang Murcielago.. Mas mahal yun kesa sayo.." pananabla ni Miko..

"I mean Mahal ka rin namin Vic kaya nga hinahanapan ka namin ng lovelife.." paliwanag naman ni Kim dito..

"Ewan ko sa inyo!" naiiritang bulalas niya sa mga ito saka umalis..

VIC

"Shiela.." sambit ko .. Tinitigan naman niya ako..

"Bakit?" saka ito nagtaas ng kilay ..

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko dito mula kasi sa kotse hanggang sa pagdating namin dito kanina ay hindi man lang ako nakarinig ng kahit anu mula sa kanya.. Yung tipong parang wala akong kasama kanina..

Ngumisi naman siya..

"Bakit ko gagawin may dapat ba akong ika-iwas.." rinig sa tono nito ang pagkairita.. Napabuntong hininga naman ako..

AFTERTASTE ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon