TASTE 10

2.1K 44 2
                                        

SHIELA

"Ugggh.." reklamo ko saka nagtakip ng unan sa mukha.. Bakit ba kasi napaka-Ingay ng doorbell sa baba?! Istorbo sa beauty sleep ko!

*DingDong*

*DingDong*

*DingDong*

"Ugh Bwisit!!" naiirita kong sigaw saka napilitan ng tumayo.. Masasapak ko talaga sa mukha kkung sino mang demonyo iyang sumisira sa tulog ko..

pupungas pungas akong naglakad pababa ..

Pagbukas ko..

Nakangising mukha ni Vic ang sumalubong sa akin..

Naka V-neck shirt lang ito't naka khaki shorts..Simple na kung tutuusin Pero ang aura.. Dalang dala niya .. I mean para kang ginising ng isang sikat na gwapong artista sa umaga.. Yung tipong kakapusin ka ng hininga habang nakatitig sa kanya..

Napailing naman ako sa pumapasok na ideya sa isip ko.. The hell.. Kailan pa naging gwapo si Vic?! Saka nung kabaliwan ang pinagsasabi ko?!

Agad ko siyang tinaasan ng kilay saka kinunutan ng noo .. Saka ako nagpamewang sa harapan niya..

"The hell! Umagang umaga Demonyo agad ang makikita ko!" iritang reklamo ko dito..

Pero imbes na maasar ay mas lalo lang lumawak ang ngisi sa labi nito.. Mukha siyang tanga sa totoo lang..

"Good morning sleeping beauty .." bati niya sa akin saka binigyan ako ng matamis na tingin.. Nagtataka ko naman siyang tinignan.. I mean..Nababaliw na ba siya?! Ang weird niya kasi..

"Nakainom ka ba? Baka naman may hang-over ka pa!" mataray na pananabla ko dito.. Pasimple lang itong tumawa..

"What the hell are you doing here?! " iritang bulyaw ko muli sa kanya.. Nagkibit balikat lamang ito..

"You should ask yourself.." pasimple niyang sagot..

Tinaasan ko naman siya ng kilay..

"ako pa! Ikaw nga itong Umagang umaga.. Nanggugulo ka! " bulyaw kong muli sa kanya.. Kasi naman.. Sirang sira na nga yung araw ko kagabi.. Pati ba naman ngayon sisirain niya rin?!

"Don't you forget something?!" nakangising tanong niya.. Tinignan ko naman siya ng matalim.. Anu namang nakalimutan ko.. Maliban sa dapat ay pupunta ako ngayon sa company ni Daddy..

"Psh.. Wala akong nakalimutan kaya lumayas ka na sa harapan ko!" bulyaw ko sa kanya..Napangiwi naman ito saka pasimpleng sumapo sa dibdib niya..

"Aww.." nakangusong reklamo niya..Inirapan ko siya..

"Pwede ba Galang..Kung wala ka naman talagang gagawin..Lumayas ka na kasi inaantok pa ako.." naiirita kong paliwanag sa kanya.. Kanina pa ako nabwi-bwisit dahil inaantok pa talaga ako! Dahil kaharap ko rin siya ngayon.. Nakakairita yung pagmumukha niya.. Masyado kasing gwap- este Pangit! Tama ang pangit niya! Nakakasira talaga ng umaga..

"About the party.." sambit nito.. Tinaasan ko naman siya ng kilay.. What about the party?! Sinamaan ko siya ng tingin.. What does he mean? Tungkol ba ito sa pakikipaglandian niya kagabi?! I mean pakialam ko dun.. Ngudngod ko pa siya dun sa babaeng Gluta..

"Alam mo Vic..Wala akong pakialam sa pakikipaglandian mo! O sa kwento mo kung gaano ka-Interesting na kausap yung kung sino mang kalandian mo! Lumayas ka na! Inaantok pa ako!" naiiritang paliwanag ko sa kanya..

"Uhm..Shiela.." sambit niya kaya muli ay tinignan ko siya ng masama..

"What?! Makipaglandian ka kahit kanino!? Wala akong pakialam! " nanggigigil ko pang dagdag .. Naiyukom ko na rin ang mga kamay ko sa hindi malamang dahilan basta kapag naaalala ko yun..Hindi ko talaga mapigilang kumulo ang dugo ko..

AFTERTASTE ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon