-----------
Napailing si Vic nang makita kung gaano kalakas ang ulan.. Ngunit malakas ang loob ng binata na ipagpatuloy pa rin ang ginagawa niya.. Ilang beses siyang pinigilan ng mga kaibigan na sumuong sa bagyong ito pero hindi siya nagpapigil..
"Ulan lang ito.." madiin na sagot niya sa mga ito..
"Nasisiraan ka na ba?! Malakas ang hangin kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan..Itigil mo muna to Vic.." maawtoridad na pagpigil sa kanya ni Jovs.. Mariin itong umiling..
"I need to Find her.. Pigilan niyo man ako o ng kung sino man.. Kahit nitong unos mang ito.. Kailangan ko siya mahanap yun lang ang mahalaga.." determinadong sagot niya sa mga ito saka tumakbo na palabas.. Rinig na rinig niya ang reklamo ng mga kaibigan pero nanatili itong nagbingi-bingihan..
Ang babaeng yun lang talaga ang mahalaga kay Vic.. Ang paghahanap sa babaeng basta na lang siya iniwan..
Ang babaeng kumuha ng dapat ay pinakaiingatan niya..
Na Kahit isugal nito ang buhay niya mahanap lang ito gagawin niya..
Dapat tularan si Vic..
Mabilis niyang pinasibad ang sasakyan palayo .. Naghanap ng mga posibleng lokasyon na maari niyang matagpuan ang dalagang hinahanap..
Mahigpit itong nakakapit sa manibela .. Kahit papaano ay nag-iingat din siya dahil sa madulas na daan na dulot ng ulan..
"Mukhang hindi nga ito biro.." umiiling na sambit niya habang nakatingin sa ulap na malakas ang binubuhos..
"The hell" he cursed saka Agad siyang napapreno ng may makitang babaeng nakahandusay sa kalsada .. Duguan ito at walang malay..
Agad siyang bumaba't sinuong napakalakas na ulan saka dahan dahang isinakay ito sa kotse saka mabilis na nagmaneho papuntang hospital..
Agad silang sinalubong ng mga doktor at nurse saka dali daling idinala ang babae sa ICU para tignan ang kalagayan..
Kung titignan ito ay halos may edad na siya.. Mga Middle aged na ang Babae.. Mukha namang sophistikada dahil sa suot nitong damit..
"Kaanu-anu niyo po ang biktima?" tanong sa kanya ng nurse..Umiling naman ito saka ngumiti..
"I just saw here at the middle of the street.. Wala ng malay at duguan so I took her dito.." paliwanag ng binata .. Saka nito inilabas ang I.D para naman siya ang maging guardian nito..
"Pero sir, anu pong record ang isusulat natin sa pasyente ?" tanong nito..
Napabuntong hininga naman ang binata saka nito naalala ang nahulog na bag ng ginang..
Agad niya itong kinuha at kinalkal saka niya natagpuan ang isang I.D..
"Uhm Miss.. Bha Pineda iyon ang pangalan ng pasyente.." paliwanag niya dito saka iniwan yung isang numero na nakapaloob doon..
Nakita naman niya ang mga aligagang doktor na umaasikaso sa ginang kaya agad itong lumapit sa bintana at pinanuod niya kung paano nila gamutin ito.. Kung tutuusin dapat ay umalis na siya dahil hindi naman niya kilala kung sino yung babae pero may kung anu sa mga paa nito ang nagpipigil sa kanya para umalis .. May kung anung pwersa ang nagsasabi na mananatili lang siya.. Iyon nga ang ginawa niya..Hinintay niyang maTapos ang operasyon..
Habang nakatitig sa Ginang..hindi maiwasang maalala ni Vic ang babaeng nakasama niya .. Parehas sila ng hulma ng mukha pati na rin ang mga labi.. Hindi rin maintindihan ng binata kung bakit naaninag niya ang mga ganung feature sa nakasama niya gayong madilim naman yung kwarto ng mangyari ang lahat .. Siguro sadyang ganun lang kapag natitigan mo siya .. Mata sa mata .. Pababa sa kanyang labi ..
BINABASA MO ANG
AFTERTASTE ✓
FanficGWAPA SERIES #1 Victor Ignacio Caesar Salas Galang (V.I.C Salas Galang) Vic Galang an innocent and business minded man before he met a woman who used to changed his whole life. They had a ONS then She left him without any words. Years had gone but s...