TASTE 18

2.1K 52 0
                                        

VIC

--------------

" Mukha kang natatae! " pang-aasar niya sa akin .. Napailing na lang ako .. Hindi pa ba ako nasasanay sa kanya? I mean isa ata iyan sa mga minahal ko sa kanya .. Yung kaya niya akong tablahin ng parang wala lang .. She can turn down my ego .. Kaya niya akong basagin at pabagsakin .. Well .. Kung si Superman kasi may Kryptonite .. Ako .. May Shiela Pineda .. Ang kahinaan ko .. Ang kinatatakutan ko .. Nakakabakla mang aminin .. But at the same time she was also my strength .. My Oxygen .. Siya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay .. Siya ang dahilan kung bakit tumitibok pa rin ang puso ko.. Ng mabilis ..


" Ayos na ba ito?! " tanong ko sa kanya sabay pinakita yung suot ko na Black Armani Suit with matching neck tie ..

" Mukha ka namang tanga .. Saka mukha ka ring pupunta ng business meeting .. " pananabla niya .. Napabuntong hininga naman ako saka napasapo sa noo ko.. muli ay pumasok ako sa walk in closet ko para maghanap ng damit ..

Anu ba kasing pwedeng suotin? Yung hindi nakakahiya .. Yung hindi rin naman nagmamalaki ..Yung Suot ko pero casual lang ako .. Cool lang akong tignan.. Hindi yung mukhang Pormal .. Yung tipong Vic Galang lang ang dating ..

" Anu ba kasing ginagawa mo Vic .. Pang-Ilang palit mo na ba yan? PangSampu?! The hell!Naiinis na ako! Kahit anung isuot mo! Pwede na yan.." bulyaw niya saka binulabog yung pinto ko..

" Hindi pwede! Kailangan kong maghanda!" mahinahon kong sagot .. Hindi ko dapat sabayan ang pagkainis niya .. Dahil panigurado .. Pag-aawayan na naman namin yan .. Sa loob ng isang taon ng pagsasama namin.. Kilalang kilala ko na si Shiela .. Kung kelan siya galit .. Kung kailan siya nagbibiro .. Malimit siyang may mood swings .. Akala ko nga buntis pero Imposible naman yun.. Walang nangyayari sa amin .. Bipolar din siya lalo na kung meron siya.. Sa pagkakataon na ito .. Mukhang meron siya dahil kanina pa siyang umaga na bwisit na bwisit sa akin..


" Vic anu ba! Sa bahay lang naman yun.. Si Daddy lang yun .. Huwag ka ng maghanda ng bongga jan! Tara.. Alis na tayo!" yaya niya sa akin pero padabog na ..

Napasapo na lang ako sa mukha ko..

" Come on Vic! Tara na!" sigaw niya ulit at sa tonong naiirita na ..

" Calm down Shie! Please .. Wag na nating pag-awayan ang bagay na ito" kalmado kong sambit ..

" Fine! Bilisan mo ah .." sambit niya .. Nagmadali naman akong kumuha ng long sleeves saka lumabas ..

Nakapamewang naman siya sa harap ko habang nakataas ang kanyang kilay ..

" Pangit diba!? I mean .. Ang simple .. Sobrang simple .. Papalitan ko .. Baka hindi magustuhan ng daddy mo .." nagmamadaling sambit ko saka akmang babalik na ng hilain niya ako ..

Nakasapo siya sa noo niya ..

" Bwisit ka talaga Vic! Napakaarte mo! Anu bang inaarte mo .. Tigilan mo na ito! " bulyaw niya sa akin .. Napabuntong hininga naman ako ..

" Intindihin mo naman ako.. Shie.. Pupuntahan natin ang Daddy mo ..Kaya kinakabahan ako .. Kasi kailangan ko siyang ma-impress para payagan tayong maging legal na .. Yung hindi tayo tumatakas .. Pagod na pagod na ako dun Shiela .. Gusto ko nailalabas kita ng malaya .. yung walang limitasyon .. One year is enough Shiela .." masuyong paliwanag ko sa kanya ..

Napabuntong hininga naman siya ..

" Fine.. Pero kahit namang anung gawin mo .. Gugustuhin ka din ni Daddy .. Wala siyang magagawa kasi Mahal kita .. Hindi niya tayo mapipigilan .. Isa pa.. Vic tinulungan mo si Mama .. Pinaintindi ko na kay Daddy ang bagay na iyon .. " paliwanag niya sa akin ..
Nilapitan ko naman siya saka niyakap ng mahigpit ..

AFTERTASTE ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon