Chapter 3

15 0 0
                                    

Snatcher

Mika's POV

Nakakainis yung lalaking yun.Istorbuhin ba naman akong kumain.


Naglalakad ako ngayon pauwi ng may kumalabit sa akin.

Pagtingin ko,isang nakahooding lalaki at hindi ko makita ang mukha nito.

May dala-dala din siyang kutsilyo.

"Miss akin na yung pera mo at tsaka mga gadgets mo.Isama mo na din yung mga alahas mo."utos sa akin nung snatcher.

"Ibigay mo na Miss at hindi ka na namin sasaktan."sabi pa nung kasama nito na may baril.

Pagkapa ko sa bulsa ko wala yung walet ko.Saan ko ba linagay yun?

"Anong problema Miss?"tanong ng may dalang kutsilyo.

Naalala ko na.Nahulog ko siguro sa store.Ay!Ang tanga ko naman.

"Mika!!Yung walet mo."huh?Kilala ko yung boses na yun ahh.

Alam ko na kung sino.Sino pa ba?Edi si Edrian.Yung lalaking nangbwisit sa akin.

Bigla akong hinila nung may hawak na kutsilyo at itinutok niya yung kutsilyo sa akin.

Nakita ko si Edrian na kinakabahan dahil sa kutsilyo at baril.

"Akin na ang pera niyo!Kung hindi papatayin ko tong babaeng to!"utos  ni mamang snatcher.

Haha.Nakakatawa yung itsura niya.

"Hoy!Bakit nakangiti ka jan huh?Mamamatay ka na nga,ganyan ka pa!"suway niya sa akin ni Edrian.

Kinuha ko yung kamay nung may kutsilyo at pinihit ko yun tapos pinatid ko siya dahilan para mapahiga ito.

Gulat na gulat si Edrian sa ginawa ko pati na din sa kasama nung snatcher.

Pagkatingin ko sa isa pang snatcher,itinutok na niya sa akin yung baril na hawak nito.

"Mika,Mag-iingat ka!"sabi ni Edrian sa akin.

Humakbang ako at napaatras naman yung isa pang snatcher.

"Wag kang lalapit!Ipuputok ko sa'yo tong baril."pagbabanta nito.

Lumapit pa ako lalo at kinalabit na niya ang baril.

At bigla-biglang pumutok ang baril.

Akala ko ako yung mababaril pero pagtingin ko,nakita ko na lamang si Edrian na bumagsak sa sahig.

Pagtingin ko sa bumaril,kinakabahan na siya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at agad ko siyang sinuntok kaya napahiga siya.

Pagkalipas ng ilang minuto dumating na ang mga pulis at hinuli na nila ang mga snatcher.

Agad naming dinala sa malapit na ospital si Edrian para mapagamot ito.

Nabaril siya sa kanang balikat niya.Sigurado naman akong magiging ok yun.

Agad siyang dinala sa emergency room para mapagamot yung sugat niya.

Naghintay lang ako sa waiting area para hintayin ang doktor sa resulta ng lagay ni Edrian.

"Family of the patient?"bungad sa akin ng doktor.

"I'm his friend!Ok lang po ba siya?"nag-aalalang tanong ko.

"Yah!He's ok!Kailangan lang  namin siyang dalhin sa room niya.Kailangan din muna niyang magpahinga."

The High School GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon