Chapter 5

12 0 0
                                    

The Other Side

Jerome's POV


Isa akong Transferee.Nagmula pa ako sa Korea.

Pero umalis ako dun para balikan ang bahay namin dito sa Philippines.

Namiss ko din kasi tong place na to.

Ang daming hinahanap-hanap ko dito na wala sa Korea.

Natapos na akong nag-enrol at pinayagan nila akong mag-ikot-ikot muna dito sa school.

Una akong pumunta sa mga classrooms.

Hindi nga nila maiiwasan yung kagwapuhan ko.Hindi sa mayabang ako,Gwapo naman talaga ako.

Pumunta din ako dun sa gym.Wala ngang katao-tao dun eh.Mas maganda na din yun.

Pero may nakita akong mga limang lalaki sa harap nito.

At may nakita din akong babae na papunta sa kinaroroonan nung mga lalaki.

Umalis ang mga lalaki sa harap ng gym at hindi ko na nakita kung saan sila nagtungo.

Naglalakad lang ang babae pero may biglang humawak sa braso niya kaya napatigil siya.

Teka!Si Mika ba yun?

Ang humawak sa braso niya ay isa sa mga lalaki kanina na tumatambay sa harap ng gym.

"Bi-ta-wan mo a-ko!"utos nung babae.

"Teka lang Miss.Gusto ka lang naming makilala,Di ba mga bro!"sabi pa nito at biglang lumabas ang mga kasama nung isang lalaki.

Nagtago muna ako para panoorin sila.

Itunulak niya bigla si Mika at napasandal siya sa pader.

"Tama!"sabi naman nung mga kasama nung humawak kay Mika.

Lumapit bigla yung lalaking humawak sa braso ni Mika.

"Bakit anung gagawin mo Miss.?"sabi nung nakahawak sa braso ni Mika.

Agad na sinuntok ni Mika ng pinakamalakas tapos pinatid niya kaagad-agad dahilan para mapahiga ito.

Hindi ko akalain na magagawa ni Mika ang bagay na yun.

Pagkatapos nun,Hinawakan niya si Mika nung dalawang kasama nito.

"Miss,Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo!"sabi nung kasama nito.

Itinatayo nila ang lalaki.

"Alam mo Miss,Lalo na kitang nagugustuhan huh!"sabi nung lalaki.

Nakahawak lang ang dalawang alalay niya sa braso ni Mika at nasa harap niya naman yung bakulaw na leader.

Agad sinapa ni Mika yung lalaki dun sa maseselang parte sa ibaba.

Napapaaray siya ngayon sa sakit.Yun namang isa bigla-bigla niyang sinampal ng pagkalakas-lakas si Mika.

Lumapit na agad ako para tulungan si Mika.

Agad kong sinapak ang dalawa sa harap ni Mika.

Nagulat ang mga nakahawak kay Mika.

Agad namang sinuntok ni Mika ang nakahawak sa kanya.
At ang natitira na lamang ay yung leader.

Tumayo siya at bigla-bigla na lamang na tumakbo.

"Are you Ok?"tanong ko kay Mika.

"Yeah!Thanks"tipid niyang sagot.

"Its Ok!By the way!Hindi mo ba ako nakikilala?"sabi ko.

The High School GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon