Hot Choco
Mark's POV
Nakatulog din naman siya ng matagal.
Ang amo ng mukha niya pagtulog.Paggising naman,parang dragon kapag nagalit.
Ang dami ng pinagbago niya.Pagtingin mo sa kanya,mahinahon lang siya pero pag nagalit na siya nagiging dragon na siya.
Lalo akong nahuhulog sa mga pinapakita niya sa amin.
Lahat yun nagugustuhan ko na.
Pagtingin ko sa labas,gumagabi na pala.
Tumayo ako at lumabas sa kwarto ni Mika.
Nakita ko sila Manang na naghahanda na para sa hapunan.
"Ahh.Anak!Kamusta si Mika?"bungad sa akin ni Mama.
"Ok na po siya!Nakatulog lang po!"
"Ahh.Ganun ba!Matagal na ba siyang tulog?"
"Opo!Bakit po?"taka kong tanong.
"Dalhin mo na tong pagkain para sakanya.Gisingin mo na din.Wag mong kakalimutan yung gamot niya huh!?"sabi pa nito.
Tumango na lang ako bilang sagot kay Mama.
Umakyat ako at nadatnan ko pa din siyang natutulog.
Hindi ko maiwasang mapapatitig sa mukha niya.
Nabalik ang proseso ng utak ko ng bigla siyang gumalaw.
"Mika!Mika!Wake up!Kain ka muna!"sabay lagay yung tray sa mesa na malapit din sa kanya.
Pagtingin ko sa kanya,nagising na nga siya.
Hahaha!Natatawa ako sa itsura niya.
Bagong gising si ate!Tulo laway pa.Hahaha.Syempre di ko papakita na natatawa ako.
Kahit ganyan siya,gusto ko pa din siya.
Kaso,parang wala siyang nararamdaman,walang napapansin at hindi lang siya kumikibo.
Ang manhid talaga ng taong to.
"Mark?Are you Ok?May dumi ba sa mukha ko?"
Aw!Nakita niya akong nakatitig sa kanya.
"Ahh.Oo.Ok lang!"tapos hinawakan ko yung buhok ko at nagfake ng tawa.
"Ok ka lang ba talaga?"taka niya pa ding tanong.
"Oo nga!Kulit mo!"ang sarap sigurong pisilin yung pisngi niya."Kain ka muna!Lalamig yung pagkain."pag-iiba ko.
Umupo siya sa kama at may gulo-gulo siyang buhok.
Kinuha ko yung soup sa tray at binigay sa kanya.
Inabot naman niya agad.Hahaha.Gutom na din siguro to.
Iniabot ko din sa kanya yung mainit na chocolate sa kanya.
Pero hindi ko inaasahan na natapon sa kanya yung chocolate.Natapunan siya sa damit niya.
"Teka lang!"pagpapaalam ko.
Nakita ko sila na naghahanda ng hapunan.
"Manang!Dalhan mo nga ako ng ice sa kwarto ni Mika!"utos ko.
"Sige po!"
Pumasok ulit ako sa kwarto ni Mika.
Mika's POV
BINABASA MO ANG
The High School Girl
Genç KurguSa hindi inaakalang pagkakataon.Ang isang tahimik na si Mika Perez ay isa pa lang delikadong babae na may pinaglalaban sa buhay. Naging delikado lang siya dahil may mabigat siyang dahilan.May dapat lang siyang tapusin.Yun ay ang maghiganti sa mga ta...