Chapter 8

145 13 5
                                    

Celina's POV

"May hindi ka sinasabi sa amin ha?" Nangingiting sabi ni Kesha pagkatapos naming ayusin ang mga gamit namin.

2:30 P.M. na kaya papasok na kami sa Prechanesus Academy. First day ng klase namin ngayon bilang 4th Year student at nakaka excite! Gosh. Ano kayang mangyayari sa pag aaral namin dito?

Noong nakaraang dalawang taon kami simula na lumipat rito sa Fuertuania. Sabi kasi ni momsie ko, mas okay pa raw dito kaysa doon kami manirahan sa mundo ng mga tao dahil nangangailangan pa kaming mag adjust sa pakikitungo ng mga naninirahan doon pati na rin sa paligid.

At nung nakaraang dalawang taon, sa Liwerquersa University ako nag aral at doon ko nakilala at minahal si Dayveniel Frecagiwo. (B.N.: Pronounce as 'Deyvenyel Frekagiwo)

Siya ang first love ko. Sa ilang taong namuhay ako sa mundo ay sa kanya palang ako nakaranas ng matinding pagmamahal.

At sa kanya palang ako nakakaranas ng matinding sakit at paghihinagpis.

Minahal ko sya ng higit pa sa sarili ko. Pero, hindi sapat iyon. Pinagpalit nya ako sa ibang babae at sa showbiz.

Pinilig ko ang ulo ko para hindi na maalala ang bagay na iyon. Hindi sya ang para sa akin... because I deserve someone better.

And it's Prince Dylan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nalaman ko kanina.

'Siya ang nakalaan na taong mamahalin ako at hindi ako iiwan.' Sambit ko sa isip ko at hindi ko mapigilang mangiti.

Unang kita ko palang kay Dylan noon sa clinic ay nagka-crush at first sight ako sa kanya pero ang galing ko, noh? Hindi halata sa actions ko.

Ganun dapat! HAHAHA. Wag magpahalata and act normal.

Hiniling ko sa kanya na turuan niya akong mahalin sya at hiniling nya rin sa akin na turuan ko rin syang mahalin ako.

Sounds ridiculous, right? Pero, para sa aming dalawa naman ang gagawin namin.

Nalaman ko ring NGSB (No Girlfriend Since Birth) siya at matagal niya na raw akong hinahanap... ang soulmate niya.

Syempre, ni-kilig ako ng dahil sa sinabi niya. Hehe, sino ba namang hindi? Isang prinsipeng ubod ng gwapo yun! Mukha pang mabait unlike Gerome. Wahaha. 'Wag nyo ako i-sumbong kay Gerome, magngangawa yun at mukhang mamamatay na dahil lumalabas na ang ugat sa leeg kapag nagalit. Wahahaha.

Nabanggit ko kay Dylan ang tungkol sa ex kong si Venyel. Sinabi ko rin na mahal ko pa rin yung gago na yun. Kilala nya raw iyon dahil minsa'y napapanood niya ito sa mga teleserye at dance shows.

'Sikat talaga ang gago.'

"Tara na." Aya ni Lazelle matapos nyang magbihis.

-

"Anong section ba tayo?" Takang tanong ni Kesha at napatigil kami.

"Oo nga, anong section natin?" tanong ko rin. Buset na yan, ang epic naman! Bakit kasi hindi namin alam ang sec. namin? >__<

"Section A-4." Sagot ni Lazelle sabay lakad.

Nagkatinginan kami ni Kesha at natawa, ang tange lang namin hehe. Excited pumasok pero hindi alam ang section. >_<

~×~

Lazelle's POV

"MDSS!" tawag sa akin ng parating na si Gerome kasama ang isang babae. Ka-holding hands nya pa.

'Hanep. Akalain mo yun, kahit isip bata na bignutin may lovelife. Dinaig pa ako. Tch.'

"Hello Kesha, hi Celina! This is my beautiful girlfriend Ferreah." Pagpapakilala nya sa kasama nya at ngumiti ito.

This Vampire Is My Soulmate?  [HIATUS AND UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon